Malakas ang ulan na may kasamang malakas na hangin at kulog, sa lakas ng hangin ay walang katao tao sa labas at malamig na hangin ang humahampas na nararamdaman ng mag asawa habang sinasarado ang bintana. Nag salita ang babae na ang pangalan ay Angelitany Lecor. "Diyos namin alam ko titila din ang bagyo". Nag salita din naman si Angelom Lecor. "Hindi niya tayo pababayaan"
Lumipas ang isang linggo bago naging maayos ang klima. Bumalik sa dati ang lahat. Sa awa ng Diyos wala naman nasaktan sa baryong pinagpala.Si Angelitany at Angelom ay taga ibang bansa na mas nanatili sa baryong pinagpala dahil sa kagustuhan ng simpleng buhay na malayo sa kaguluhan. Matanda na ang mag asawa. Pareho silang 45 na pero wala parin anak. Si Angelitany ay umaasa na mag kakaanak parin sila sa kabila ng sinabi ng doctor na baoog siya at sa kabila ng kakulangan niya ay hindi parin siya iniwan ni Angelom.
Nag buntong hininga si Angelom na malalim ang iniisip habang nakatingin sa bintana. Sa kanyang isip ay nag lalaro ang mga salitang kamusta na kaya si Margaret? Nag ka anak kaya kami?.
"Si Margaret ba ang iniisip mo?" biglang nag salita si Angelitany.
Sumagot ang kanyang asawa. sinabi nito kung ano nasa utak niya at naging malungkot ang itsura ni Angelitany dahil don. Inakap siya ni Angelom at sinabi na " Hindi na mauulit ang nagawa kong iyon, sa kagustuhan kong mag ka anak tayo ay nakipag talik ako sa kanya at alam kong malaking kasalanan yon kahit isang beses pa nangyari." Hinalikan siya ni Angelitany at sinabing " Matagal na kita pinatawad. nag papasalamat ako at hindi na naulit iyon at ako parin ang pinili mo. "Dumaan pa ang mga araw na unti unting napapaisip si Angelitany. Paano nga kung nag kaanak si Angelom kay Margaret? Paano kung bigla itong mag paramdam? pero nasa ibang bansa ito kaya binalewala na lamang niya ito.
Sa kasalakuyan nasa bayan si Angelom upang mamili ng mga rosas dahil gusto niya bigyan si Angelitany ng biglang...
"Aray ko" napatingin siya sa babaeng nag salita. Buntis ito at biglang sumakit ang tiyan kaya napa aray. pinag mamasdan niya ito na parang kahawig ni Margaret. Sa tansya niya ay 25 na ito. akmang tutulungan niya na sana subalit biglang dumating ang asawa nito na hindi nalalayo sa kanyang edad.
"nagulat lang ako sa ginawa ng anak natin bigla kasing sumipa" sambit ng babae. tumalikod na si Angelom at napahawak sa ulo niya na para bang naiinis na naalala niya bigla si Margaret. Sa hindi sinasadya ay muntik na siyang masagasaan ng sasakyan. Agad na bumaba ang babae na si Margaret. Nagulat si Angelom sa nakita niya at ganoon din si Margaret. Hindi nag tagal ay nag usap sila sa maliit na kalenderya na malapit don.
Pagkatapos ang kanilang pag uusap ay umuwi na si Angelom sa bahay at binigay ang mga rosas sa kanyang asawa. Pinag tapat niya lahat at tumulo ang luha ni Angelitany. Inakap ni Angelitany si Angelom at sinabi " Pinatawad ko na siya matagal na, wala na dapay siya pag alala, ang isipin niya ang kalagayan niya ngayon na may sakit. talagang hinanap pa niya tayo para lang humingi ng tawad".
Lumipas ang tatlong araw"Angelitany gusto ko na talaga mag ka anak tayo, bakit hindi na lang tayo mag ampon?" sambit ni Angelom
"Nawawalan ka na ba ng pag asa? may plano ang Diyos para sa atin." tugon niya sa kanyang asawa.
Bumaba si Angelitany na ng gigilid ang luha sa kanyang mga mata. Pinapakita niyang kaya pa niya sa asawa niya pero sa totoo nawawalan na rin siya ng pag asa, pag asang mag ka anak. Gayon pa man nag papasalamat parin siya sa Diyos dahil pag mamahal ng asawa niya at sa pagiging totoo nito sa kanya.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Semaiah Sabriel
SpiritualAs the Father has loved me, so have I loved you. Now remain in my love. ~John 15:9 NIV