10 taon...
"Nay, tay angel mamaya po susunduin ako ni Ariano, pupunta po kami sa ilog" sabi ni Semaiah.
Nag katinginan ang mag asawang Lecor, nag taka si Semaiah dahil alam niya ang ibig sabihin kapag ganoon. kaya alam niya na ang mangyayari.
Nag simulang mag salita sa Angelitany.
"Anak dalaga ka na 12 taon gulang ka na, ingatan mo ang sarili mo sa mga taong nakapaligid sayo. Hindi lahat ay mabuti tulad ng iniisip mo. Pinag kakatiwalaan ko si Ariano dahil alam ko noon pa man ay siya na lagi mong kasama pero binata at dalaga na kayo kaya may mga bagay na dapat limitahan, nauunawaan mo ba ko anak ko?".Sumunod na nagsalita ay si Angelom.
"Anak sige na nandyan na si Ariano sa labas, gusto lang parating ng nay mo ay lagi kang mag iingat ah"Ngumiti si Semaiah sa ka kanyang nay at tay. Naunawaan naman niya ang gustong parating. Inakap niya at hinalikan sa pisngi bago umalis.
"Ang laki na ng anak natin Angelom, hindi mag tatagal malalaman na niya ang totoo, natatakot ako. natatakot ako na kapag dumating ang araw na iyon ay mag bago lahat. mahal na mahal ko ang anak natin. Natatakot din ako sa mga taong nakapaligid sa kanya." ang pag aalala ni Angelitany.
"Angelitany wala kang dapat katakot. mabait ang anak natin, mauunawaan niya pag nalaman niya ang totoo. Pinalaki natin siyang mabuti at may pananampalataya siya Diyos." ang pagpapaliwanag ni Angelom sa asawa.
Pagkatapos ng usapan na iyon ay nag luto na si Angelitany para sa kanilang tanghalian at si Angelom naman ay pupunta sa taniman para tignan ang mga tanim na gulay.
Nasa ilog na sila Ariano at Semaiah. tulad ng dati ay nag hahabulan sila at nag iipon ng mga bato para itapon sa ilog. Kung sino ang pinaka malayo ay siya ang panalo. Pagkatapos non ay naligo sila sa ilog.
"Ayan ka na naman sa tingin mo lagi mo na lang yan ginagawa tuwing naliligo tayo dito" sabi ni Semaiah.
"Nagagandahan lang ako sayo, para kang anghel na binaba sa lupa eh. masama bang titigan ka?" nakangiting sagot ni Ariano sa kanya
Nag patuloy na sila sa pag sisid sa ilog at ng mapagod na sila ay nag pasya na silang umuwi habang nag lalakad ay biglang may lumitaw na ahas na kinatakot ni Semaiah. Agad naman nahawakan ni Ariano ang ulo ng ahas na muntikan ng tuklawin si Semaiah.
Kumuha ng balisong si Ariano at pinutol ang ulo ng ahas. nilagay niya ito sa sako na dala dala niya."Okay ka lang ba? huwag ka na matakot nandito naman ako para layo ka sa gustong manakit sayo. Ako ang proprotekta sayo" nakangiting sabi ni Ariano.
"Alam ko naman yon eh at nag papasalamat ako sa Diyos dahil binigay ka niya sa akin. Salamat ah"
Ang turingan nila ay higit pa sa matalik na kaibigan parang mag kapatid na sila. Nang makarating na sa bahay ni Semaiah ay tinawag sila ni Angelom para kumain. Kinuwento nila ang ngyari sa ilog.
"Sa susunod ay mas mag iingat kayo, buti na lang at kasama mo si Ariano. Salamat dahil hindi niyo nilihim ang nangyari. salamat Ariano sa pag protekta sa anak namin." sabi ni Angelitany
"Parang mag kapatid talaga kayo, sana habang lumalaki kayo ay ganyan parin ang samahan niyo" sabi ni Angelom
"Opo" sagot ng dalawa.
Pagkatapos kumain ay umalis na si Ariano at si Semaiah naman ay nag hugas na ng pinag kainan. Inakap siya patalikod ng kanyang nay. Sinabi na mahal na mahal niya ito at kailanman ay siya parin ang anghel nilang mag asawa. Ngumiti naman si Semaiah at tumugon sa kanyang ina na mahal na mahan din niya ito at hindi mag babago yon. napaiyak naman ang kanyan nay sa sinabi niyang iyon.
" Oh ano na naman yan? tanghaling tapat oh. haha" biro ng tay niya sa kanila.
"Nay po kasi haha, luh mag bibigay pa pala tayo kay pastor ng mga gulay tay. halika na po baka hindi na po natin maabutan"
Umalis na sila gamit ang sasakyan ng kanyang tay. Naabutan pa nila ang pastor at pinakilala ang kanyang anak na si Amiel. Si Amiel ay 2ng taon ang tanda kay Semaiah.
Habang nag uusap ang dalawa ay nag lakad muna si Semaiah sa hardin ng sumunod si Amiel. Una pa lang nakita ni Amiel ang dalaga ay humanga na ito sa amo ng mukha lalo kapag ngumingiti ang dalaga. Hindi na siya nag aksaya ng panahon at kinausap niya ito at lalo pa siya humanga dahil sa kabaitan nitong taglay. Nag pakita siya ng majik na kinatuwa naman ni Semaiah.
Lagi silang nag bibigay ng mga gulay sa pastor dahil tulong nila sa mga kapwa nila. Ang pastor ang nag bibigay ng mga gulay sa bayan na kapos sa pagkain.
Dahil nag mamadali na ang pastor ay umalis narin agad sila Semaiah. Napansin ng tay niya ang ngiti sa mata ng kanyang anak.
"Tay ang saya ko po kasi na dagdagan na naman ang kaibigan ko dalawa na sila ni Ariano na magiging kapatid kong lalaki bukod kay Shaira at sheena na tinuturing ko din kapatid"
"Masaya ako para sayo anak"
Dumaan muna sila sa bilihan ng mga rosas para kay Angelitany habang bumibili si Angelom ay nag lakad lakad si Semaiah ng biglang "ano ba! tumingin ka naman sa dinadaanan mo! nakita mo na ginawa mo. hoy tumingin ka nga dito" sabi ng binata 15 taon gulang.
Napatingin naman sa kanya si Semaiah na agad na humingi ng paumanhin. Napatulala ang binata dahil sa angkin nitong ganda. Binayaran na lang ng kanyang tay ang natapon na pagkain ng binata.
"Anak sa susunod maging alerto ka sa paligid mo, nakita mo na ang ngyari kanina. mag pasalamat na lamang tayo sa Diyos at halos ka edad mo lng ang binata na iyon at mabait"
"Tay hindi po siya mabait! sinigawan niya ako. tama si nay angel hindi lahat mabait." nakasimangot niyang sabi.
"Anak mabuti siya, nagulat lang marahil sa pag katapon ng pagkain niya, anak huwag mong huhusgahan ang isang tao dahil lang sa una niyang nagawa lalo kung hindi naman niya sinasadya.". pagpapaliwanag niya sa anak
"Tay paano mo po nasabi eh hindi mo naman po siya kakilala?" pag tataka ng anak niya
"Kilala ko siya, siya ang anak ng binibilhan ko ng mga rosas. ganoon lang talaga siya kasi ayaw niya may nasasayang na bagay o pagkain. ganoon niya pinapahalagahan ang perang pinag hihirapan ng nanay niya lalo at sila na lang dalawa." pag papaliwanag nito sa anak.
Doon lang naunawaan ni Semaiah ang kanyang tay angel kaya naman sumang ayon na rin siya sa sinabi ng kanyang tay. Hihingi na lamang siya ng paumanhin ulit sa binata kapag nakita niya ulit.
Kawikaan 20:7 Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya.
^ salamat sa pag babasa, pag patuloy niyo lang po ang pag babasa sa susunod na kabanata^
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Semaiah Sabriel
SpiritualAs the Father has loved me, so have I loved you. Now remain in my love. ~John 15:9 NIV