Girl- Naghihintay na mawala ang ulan
Boy- Naghihintay na may dumating na masasakyan
Pagbukas ng ilaw makikita ang isang waiting shed. Malakas ang ulan. Rush Hour. Maraming mga pasahero ang naghihintay. Sumasakay at bumababa. Darating ang isang LALAKI at sisilong sa waiting shed. Isang BABAE ang nasa silong rin ngunit tila hindi naghihintay ng masasakyan. Magkakatitigan ang dalawa. Maghihintay.
Boy: (Sa BABAE) Miss, excuse me, tanong ko lang kung anong oras na ba?
Girl: (Titingin sa relo) 6:30.
Boy: Thanks.
May darating na jeep. Sasakay sana ang LALAKI ngunit mapapansin na puno na ito ng pasahero. Maghihintay. Bibilis ang paligid.
May darating na mabilis na bus. Tatakbo ang LALAKI ngunit hindi ito hinintuan ng bus. Maghihintay. Bibilis ang paligid.
May darating na fx na puno ng pasahero. Bababa ang isang pasahero. Magmamadali ang LALAKI na makasakay ngunit siya'y mauunahan.Boy: Shit.
Maghihintay. Hihina ang buhos ng ulan. Kukuha ng plastic envelope ang BABAE at ipapatong sa ulo. Susubukang tumawid. Green light. Bibilis ang takbo ng mga sasakyan. Babalik muli sa waiting shed. Bubuhos ulit ang malakas na ulan.
Boy: (Sa BABAE) Miss, sorry, tanong ko lang kung anong oras na ulit?
Girl: Okay lang. 7:10.
Boy: Shit.
Maghihintay.
Boy: Ang tagal na pala nating naghihintay.
Ngingiti lamang ang BABAE.
Boy: Anong oras ka pa nandito?
Girl: Mga 6.
Boy: Mas matagal ka pa pala dito.
Ngingiti ulit ang BABAE.
Maghihintay.
Boy: So....hinihintay mo lang na mawala ang ulan?
Girl: Hindi ako pwedeng mabasa e.
Boy: If only I have an umbrella....ibibigay ko na sayo. Kawawa ka naman dito.
Girl: Okay lang. Salamat na lang.
Maghihintay. May darating na jeep at maraming bababa na pasahero. Hindi sasakay ang LALAKE.
Girl: Ba't di ka sumakay?
Boy: Ayoko na mag jeep. Mabagal. Mababasa pa ko sa loob. Tsaka, delikado sa jeep
kapag maulan eh. (Tatawa)
Ngingiti ang BABAE.Boy: Mas okay na siguro maghintay ng matagal sa fx or airconditioned bus, at least sure ako na komportable. It's better to wait for something na sure kang safe ka.
Girl: Sabagay.
Boy: Pagod na rin ako eh.
Girl: Hindi ka ba nagmamadali
Boy: Well...not really. Ikaw ba?
Girl: Actually...late na 'ko.
Boy: Really? It seems like you're not in a hurry.
Girl: Late na rin naman na 'ko e. Wala na kong magagawa. Tsaka isa pa, hindi ko naman kailangang magmadali. Ayoko ng nagmamadali eh. Tsaka, sabi mo nga, It's better to wait for something na sure kang safe ka. (Tatawa)
Boy: Wala bang malapit na overpass dito?
Girl: Mas malayo pa ang overpass sa tatawiran ko. Mas okay na to.
Boy: Oh.
Mas lalong lalakas ang buhos ng ulan.
Girl: Ugh. Ano ba naman yan.
Boy: Grabe, ang lakas ng bagyo. Buti hindi bumabaha dito.
Girl: Oo nga eh.
Katahimikan.
Girl: Ayaw mo bang mag taxi?
Boy: Actually, I already thought about it. Pero since hindi naman ako masyadong nagmamadali, maghihintay muna ako ng masasakyan. Baka sakaling may dumating. Sayang lang pera ko sa taxi eh.
Girl: Sabagay. Ang mahal mahal mag taxi ngayon no! Pagsakay mo pa lang 40 pesos na agad babayaran mo. (Tatawa)
Boy: Anong oras na ulit?
Girl: 7:30.
Maghihintay.
Boy: Kapag lagpas 8 o'clock na at wala pa kong nasasakyan... magtataxi na lang ako.
Girl: Maghihintay na lang siguro akong mawala yung ulan.
Boy: Hmmm, sa tingin ko....baka habang buhay kang maghihintay. (Tatawa) Sobrang lakas ng ulan. Mukhang matagal pa yan bago mawala.
Girl: Kung ganon...baka maghihintay pa rin siguro ako. Ewan. (Tatawa) Hindi talaga ako pwedeng mabasa.
Boy: Hmmm, if ever magtataxi ako, sumabay ka na. Hatid muna kita sa kabilang kanto. Deal?
Girl: Okay lang naman. Sige, Deal.
Maghihintay. Patuloy na mag-uusap ang dalawa. Magtatawanan. Walang masasakyan ang LALAKI. Bibilis ang takbo ng paligid. Walang maririnig kundi ang takbo at busina ng mga sasakyan at ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Boy: Anong oras na?
Girl: Almost 8 o'clock. 7:50 am.
May dadating na bus. Hihinto ito sa tapat ng waiting shed. Hihina ang ulan. Pasakay na ang LALAKE sa bus ngunit saglit siyang hihinto, titingin kay BABAE.
Girl: Okay lang. Sumakay ka na. Wala na rin namang ulan. Mapapamahal pa tayo sa taxi.
Boy: Sure? (Mapapasakay sa loob ng bus. Bababa pa sana ito ngunit tuluyan ng sasara ang pinto. Aandar ang bus. Kakaway na lamang ang LALAKE mula sa loob)
Girl: (Sa kawalan) Nice meeting you.
Biglang bubuhos ang malakas na ulan.
Maghihintay.
**The End**
