Chapter 4: Breezy Moments

7 3 0
                                    

[BACK TO THE PRESENT]

Momo's POV:

Ang tahimik ng gabi rinig mo yung malamig na simoy ng hangin, at syempre yung hilik ni Chub.

"Makakaya ba nating maibalik yung dati?" Tanong sakin ni Kass na nakitingin sa malayo hawak hawak yung kwentas nya na nakasabit sa leeg.

"Malabo na." Sagot ko naman habang kumakain ng Piatos.

Ang higpit ng hawak nya dun sa kwintas na nakasuot sa leeg nya. Nagtataka tuloy ako. Baka importante yung bagay na yun.

"San galing yan?" Tanong ko. Sabay nun ang pagturo ko sa kwintas nyang suot.

"Ahh eto ba? Wala wala. Wag mo na lang intindihin to." Sabay nun tumingin sya sakin. At ngumiti at ang nakakaasar dun ang ganda nya talaga ngumiti.

"Momo." Sabi nya.

"Hmm" sagot ko naman habang nagkakamot ng likod. Ewan ko parang biglang ang kati kasi ehh.

"Ang hirap maghintay." Yung boses nya nung sinabi nya yun. Parang napakalungkot. Ewan lang ha pero parang sa tingin ko may pinagdadaanan tong babaeng to.

"Paano mo naman nasabi? Naghihintay ka ba? Kung naghihintay ka. Kaninu? Sino? Bakit?" Andami kong tanong pero bigla nyang iniba yung usapan.

*yawn* humikab si kass

"Inaantok na ko."

Tapos nya sabihin yun naglakad sya papunta sa tabi ni ayen. At humiga.

"Oyy ano ibig mong sabihin mo dun?" Tanong ko

*yawn* "wag mo na lang intindihin yun momo. Matulog ka na rin." Sagot naman nya. Di ko alam kung iniiwasan lang nya yung tanong ko o inaantok na talaga sya.

"Di ako pwedeng matulog ako yung nakatokang magbantay sa inyo ngayun." Sabi ko naman hanggang pahina ng pahina yung boses ko.

Tumingin ako sa kanila. "Kaya natin to mga proys. Mabubuhay tayu." Bulong ko sa sarili ko.

Biglang tumaas yung kamay ni Chub.

"Momo lagot ka sakin!" Sigaw nya. Di ko alam kung matatawa ako o matatakot kasi nakakatakot magalit yan ehh.

Tapos bumalik na ulit sya sa paghilik.

Nanaginip siguro tong tabatchoy na to. Nanakatuwa silang tingnan. Bukas panibagong simula na naman para samin.

Tumalikod ako sa kanila at sabay lagay ng kamay sa bulsa. At tingin ng malayo.

Ngumiti lang ako.

"Haaaaaaaays! Hanggang kailan ba to?" Napakamot na lang ako sa batok ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A World full of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon