At school

2 0 3
                                    

Hi Ako nga pala si Rance ^_^
Engineering student at RU.

Second Year college na ako ng makilala kita.
Dati kitang schoolmate kaso lumipat ako dahil nagkaproblema. Pero lagi na kita nakikita. ^_^
Sa mga photos nga lang. (-_-)

Ang ganda mo talaga. Ay hindi! ang cute pala. Kaya nga gusto talaga kita. Hindi lang dahil sa cute or maganda ka.  gusto lang talaga kita.

Kaso di mo naman ako kilala kaya heto patingin-tingin nalang ako sa mga picture mo sa cellphone ko.
Pasensya kana ha. Kinuha ko lang to ng walang paalam sayo sa facebook tsaka ko pinadevelop para mayron din ako sa wallet at syempre sa secret ^_^
Sana ikaw at ako din may pag-asang madevelop sa isa't-isa. ^_^

Ay corny noh? Kalalaki kong tao nagtatago ako ng ganitong lihim. Sigurado naman kasi pag nakita to ng mga kabarkada ko sobrang pang-aalaska nanaman yung  aabutin ko.  Tsaka baka mamaya sadyain ka pa nila. Tsk! Oo ganun sila katuso. Pero wag ka matakot mababait naman sila. Medyo maloloko nga lang. ^_^

Isang araw di talaga ko mapakali kaya nga inadd na kita sa facebook.

Alam mo bang nagtatatalon ako sa sobrang tuwa \\ *_ *//

nang ilang minuto lang inaccept mo na ako agad. 
Kaso nakakalungkot parin kase sabi sa notification 'Trish accepted you as a FRIEND' haaaay bakit kasi as a friend lang yung pwede sa facebook ano? Pwede bang more than friend naman? 

 Haaaay ang corny ko talaga.  Parang sweetcorn. pero kahit corny ako, sweet naman at gwapo :)
oo na alam ko waley parin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RanceWhere stories live. Discover now