CHINITO [ONGOING]

30 1 2
                                    

Mabait naman siya.

Matangkad din.

May takot pa sa Diyos.

Gwapo.

Humble.

Matalino pa.

Sa lahat ng katangian niya, wala na akong mairereklamo pa. Sa kanta nga ni DJ, nasa kanya na ang lahat. Pero hindi ko naman ito inasahan. Wala ito sa mga plano kong gawin. Bakit nga ba?

Papaano nga ba nahulog ang aking loob sa isang….

CHINITO.

January 27, 2013.

Naalala ko pa dati, isa lang siyang hamak na stranger para sakin.

~flashback~

Habang naghahanap ng magandang gawin sa facebook ang isang magandang nilalang. Ahem! At ako yun. Bigla nalang may nagpop-out na message box.

*Mark Anthony Dizon messaged you*

Mark Anthony Dizon: Hello

“Halerrrr, hello hello ka diyan eh hindi nga kita kilala eh. Hmm, ang magandang gawin sa iyo ay hindi pansinin. Hmp.”

Masyado bang mataray ang magandang nilalang? Pasensya na, hindi ko kasi talaga siya kilala eh. Baka ka-schoolmate ko pero wala na akong pakialam sa kanya ngayon.

~end of flashback~

Akalain mo yun, yung taong kahuhumalingan ko ngayon, matagal na pala akong minessage, kinausap, napansin. *face palm* Kung alam ko lang sana dati na magkakagusto ako sa kanya, sana sinagot ko nalang siya sa chat na yun. Bakit kasi hindi pa kita nakilala noon? Bakit kasi hindi ka sumukpot noon? Bakit ngayon ka lang? Sana mapansin niya pa ako.

June 4, 2012.

Pasukan na naman, ang bilis ng panahon. Parang dati lang nasa first year palang kami, tinitingnan lang naming dati yung mga nagpapractice ng graduation, pero ngayon eto na. Huling taon na namin, at kami na ang gagraduate ngayon. Tapos college na kami, tapos magkakahiwa hiwalay na kami ng mga friends ko, tapos magkakaroon na sila ng lovelife, tapos mag-aasawa tapos magkakaanak, tapos tapos…

*toinkksss* [pasensya na sa pulubing sond effects, maari nating isipin na ito’y isang tunog ng malakas na paghampas sa ulo. Salamat.]

“Aray ko naman Kaye! Ang sakit kaya nun.”

[Ayan si Kaye, pinakaclose ko sa barkada, ang pinaka pisikal din saming lahat. Lagi kasi kaming binabatukan niyan ng walang dahilan. Pero kahit lagi akong nasasaktan niyan sa pisikal, mahal na mahal ko yan. Kasi parehas kaming kalog. ;)]

“Nakatulala ka kasi diyan. Hindi ka parin makamove on noh? Iniisip mo parin siya?”

“Makamove on saan? Sinong siya?”

“Yung sa inyo ni Paul. Ano paba?”

“Bakit? Ano ba nangyari samin? Naging kami ba? Hindi ko nabalitaan yun ah!”

*toinkksss*

“Arayyyy! Sabi nang masakit eh!”

“Hahaha! Nakamove on kana nga talaga!”

“Matagal na, baliw! Ikaw lang ang hindi makatanggap. Dalawang taon na ‘teh. Forget na, parang ikaw pa ang naging girlfriend. Hahahaha!”

“Eh kasi naman, kanina ka pa nakatulala diyan! Ano ba kasing iniisip mo?”

“Wala. Iniisip ko lang na last year na natin dito, gagradute na tayo.”

“Sus. Ang drama, masyado pang matagal para diyan, kit among first day of classes palang oh. Wag mo munang isipin yun, mag-enjoy nalang tayo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHINITO [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon