For One More Day

253 7 4
                                    

Pagkakaibigan.

Ano nga ba ang pagkakaibigan?

Simpleng salita pero malalim ang kahulugan. Madaling ispelingin pero mahirap buuin. May nakapagsabi pa nga saken na ang girlfriend o boyfriend daw ay iiwan ka din balang araw pero ang mga kaibigan, iiwanan ka lang kapag uwian na. Syempre di ka naman sasama sa bahay nila.

There will always be a point in our life when we realize who really matters, who never did, and who always will. By then, it is always too late.

April 15, 2013 8:00AM

Rrrriiiiinnnnnggggggg!

Naririnig ko na namang tumutunog ang alarm clock ko. Anong oras na ba at parang hindi pa yata ako natatamaan ng sinag ng araw ay tumutunog na itong alarm clock na 'to?

Tumayo ako at hinawi ang kurtina. Kaya naman pala, natatakpan ng kurtina ang sinag ng araw. Sinara ko kase eto kagabi dahil sobrang lakas ng ulan at ayokong nakakakita ng flashes of lightning dahil may naalala lang ako. Buti naman at maaliwalas na ang panahon ngayon.

Alam niyo ba, graduation day ko ngayon. Eto na yung huling araw ko ng pagiging estudyante. Sa wakas matutupad na din yung pangarap kong makapagtapos. Yung pangarap naming dalawa ng kaibigan ko na balang araw makakapagtapos kami ng kolehiyo.

Pupuntahan ko nga siya mamaya eh. Sigurado ako tuwang-tuwa na naman yun para saken.

Dali-dali akong naligo, nagtooth-brush tapos nagpabango. Syempre kailangan gwapong-gwapo ako ngayong graduation, cumlaude yata ang papa niyo. At dahil yan sa walang patid na suporta saken ng mga magulang ko at syempre ni Miray, yung bestfriend kong babae.

Naalala ko naman nung mga bata pa kami. Madalas yan magpunta sa bahay para gisingin ako dahil lagi akong late nagigising. Papasok na lang yan sa bahay namin para mambulabog.

July 19, 2004

"Huy Ralph, tulog ka pa rin? Anong oras na ah? Hindi ka pa rin gumigising?" sabi niya pa yan habang nakapameywang. Medyo may taray effect pa yan sa kilay niya habang sinasabi yan. Imaginin niyo na lang ang isang 11 year old na babaeng nagtataray pero cute pa din, ganun ang itsura niya.

"Ayokong pumasok, tinatamad ako. Bakit ka pa nandito? Pumasok ka na nga!"

Tinalukbong ko yung kumot sa buong katawan ko at tumalikod sa kanya. Asar na asar talaga ako sa kanya pag nanggigising siya. Alam nyo yung gusto nyo pang matulog pero dahil sa pesteng walking alarm clock na 'to eh nabubulabog ang masarap na tulog mo?

"Osige kapag hindi ka pumasok hindi na rin ako papasok," tapos maya-maya ay nagulat na lang ako dahil may tumabi saken at inuusog ako sa dulo ng kama. "Pahiga na nga rin ako usog ka dun, ang daya-daya mo ikaw nakahiga tapos ako nakatayo dito, dapat nakahiga din ako para fair."

Badtrip na badtrip ako dahil sa araw-araw na ginawa ng diyos ay hindi tahimik ang umaga ko. Hanggang sa napilitan na lang ako pumasok nang dahil sa kadaldalan netong babaeng 'to. Hindi na naman ako makakatulog dahil daldal dito daldal doon ang ginagawa niya. Buyset, maiirita ka na lang talaga sa kanya.

Yung dating nakakainis ngayon nakakamiss.

Nagsuot ako ng long sleeves na regalo niya saken nung 1st year college kami. Kahit na medyo fit na saken 'to dahil lumaki na ang katawan ko dala na rin ng maturity ay special talaga etong long sleeves na 'to dahil galing nga sa kanya. Naisip ko nga, bakit nga ba hindi ko siya niligawan? Ah oo nga pala, kase late ko na narealize. Sayang.

The worst regret we can have in life is not for the wrong things we did. But for the right things we could have done but we never did. Kaya matuto kayo!

For One More DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon