Just A Dare

231 11 7
                                    

[JM's POV]

Nandito ako ngayon sa aking silid. Nakahiga sa aking kama at patuloy na pinagmamasdan ang kisame. Ala-siete na nang gabi at kakagaling ko lang sa university na pinapasukan ko. Pagkatapos kong basahin ang sulat ni Aya, hindi ko alam kung ano ang una kong dapat maramdaman. How should I feel for knowing that she loves me? For that long? Crap! Bakit hindi ko napansin?!

Hindi ko kasi akalain na ang isang Justine Marco Fuente ang mamahalin nya. Hindi naman kasi ako kagwapuhan at hindi rin mayaman. Lagi nya kasing sinasabi noon na gwapo at mayaman ang gusto nya.

Lahat nang sinabi nya sa sulat nya ay naalala ko pa. Preskong-presko pa sa alaala ko.

Una ko syang nakita noong second year. She's a transferee. Noong narinig ko ang buo nyang pangalan, hindi na yun maalis sa isipan ko.

Shanaya Ruiz

Shanaya Ruiz

Shanaya Ruiz

Paulit-ulit yun na pumapasok sa utak ko.

Yung mga panahon na tinutukso kami nang mga kaklasi namin, napapangiti ako sa tuwing naaalala yun. First time kasi na may ka-love team ko. At si Aya pa. Hahah. Ang swerte ko, ganda kaya nya. Kaso, nakikita ko syang naiinis kaya nagpopoker face nalang ako, kahit na gustong-gusto kong ngumiti.

Tsk. Ang hirap magpanggap. Right?

Pinilit kong iignore sya noong Valentines kahit na kating-kati na akong ibigay ang bulaklak na pinag-ipunan ko pa para sa kanya. Para kasing may hinihintay sya. 'Baka hindi ako' yan ang inisip ko. Ngayon, nag-sisisi ako dahil hindi ko sinubukang lapitan sya noon.

Siguro.... 

Aish! Wala na, Hindi na yun mababago. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko ngayon.

Kasalanan ko kung bakit nagkaroon nang gap sapagitan namin noong third year. Ayoko lang na umasa pa. At ayokong mas mahulog pa sa kanya. Ako ang unang lumayo hanggang sa tinukso na ako sa iba, sa bestfriend nyang si Joean.

Aaminin ko, nagustuhan ko si Joean. Matalino kasi sya, masayahin at higit sa lahat ay down to earth. 

Pero..

Iba ang gusto sa mahal.

I like Joean.

But,

I love Aya.

Pangalan naman talaga ni Aya ang gusto kong sabihin noong naglaro kami nang spin the bottle. Kaso, kinabahan ako nang husto kaya ayun! Pangalan nang bestfriend nya ang nasabi ko. I didn't know na nasasaktan ko na pala sya.

Kung alam ko lang...

Kahit nga noong prom night, gusto kong kausapin si Aya. Napipi lang ako dahil ang ganda-ganda nya! Ni hindi ako nakapagsalita the whole night! Nakakatawa. Kulang nalang mag-drool ako sa harap nya..

Gusto ko syang ayaing sumayaw pero nanliit ako sa sarili ko.

Sa victory party naman, di ko mapigilan ang sayang naramdaman ko nang yakapin nya ako. Di ako nagsalita. Naniniwala kasi ako sa kasabihang 'Actions speak louder than words' kaya niyakap ko rin sya nang napakahigpit.

Tama, I had a girlfriend noong college na kami. Trip lang. Yung babae ang nangligaw sa akin. Pero in the end ako pa ang niloko.

Si Aya ang naging takbuhan ko sa mga panahong yun. Akala ko wala na akong nararamdaman para sa kanya. But everytime I saw her, I fall deeper than before. Lalo syang gumanda, masayahin at pala ngiti.

Ngayong alam ko na na mahal din pala ako ni Aya, gusto ko ring malaman nya tong nararamdaman ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya. Ayokong abutin ito nang bukas. Matapos ang tatlong ring ay sinagot din nya ito.

"Hello, Aya." bati ko.

Silence.

"Masaya ako sa sinabi mo sa sulat. Alam mo bang matagal ko na yung inaasam? Yung sabihin mong mahal mo ako? Ba't ngayon mo lang si--"

[Sorry..] pagputol niya sa akin. 

Nagtataka ako kung bakit sya nagsosorry.  "Bakit ka nagsosorry?" tanong ko. 

Bigla syang umiyak.

[Sorry! Sorry! Sorry talaga JM! Dare lang yun eh! Sinabi nang mga kaklase ko na gumawa ako nang isang love letter. Ikaw yung una kong naisip na padadalhan dahil akala ko na hindi ka maniniwala dun. Di talaga kita mahal...]

Di talaga kita mahal...

Di talaga kita mahal...

Di talaga kita mahal...

Natanga ako...

"What?!" bulalas ko.

[It's just a dare. Sorry..]

"Sh1t!" Napamura ako. "Just a dare huh?! Alam mo bang naniwala ako? Yun pala dare lang yun?! Alam mo bang mahal kita?!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas nang boses ko. Galit ako sa nalaman ko. Akala ko totoo yung ni sulat Aya, pinaniwala nya lang pala ako.

"Mahal kita Aya! Mahal kita! Ikaw ang mahal ko, hindi si Joean at hindi rin ang ex ko.. Pero sh1t! Ansakit nang nalaman ko! Hindi ko na alam kung ano ang totoo at hindi sa sulat mo!."

Hindi sya nagsalita pero umiiyak pa rin sya.

"Manloloko ka." sabi ko.

I ended the call.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo nang luha ko. Ansakit eh. Dare lang. Just a dare.

Damn that word!

-End-

x x x

Pinag-isipan ko talaga ang ending. Sana nagustuhan nyo! >_<

Vote at comment sa may gusto. Sa may gusto hah. Ayokong mamilit. Haha! :'>

©inosenteKuno2013

Just A DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon