After 10 months

122 6 0
                                    

"Oh?"

("Musta na ang mommy ko?")

"Nakakabwisit ka. Natutulog ako alam mo ba yun? Alas-siyete palang ng umaga."

("Sorry... Alam mo ba kung anong araw ngayon?")

"Kaya mo ba ako tinawagan para itanong yan? Wala ba kayong kalendaryo diyan sainyo?"

("Sorry, mommy. Sleep well. Haist!")

Sorry dada but I have to.

I hope you understand.

"Itext mo sabihin mo hindi ka makakapasok dahil masakit puson mo."

"Okay."

Tinext ko siya at mediyo matagal siya magreply pagnagtatampo siya.

Fr: Dada Bebe <3

Hindi na rin ako papasok. Aalagaan kita.

To: Dada Bebe <3

No. Pumasok ka. Ilang weeks na panay absent mo. Isipin mo din pag-aaral mo wag puro ako saka nandito sila manang sa kwarto ko, inaalagaan ako kaya wag ka mag-alala.

Fr: Dada Bebe <3

Akala ko ba nakaleave sila?

To: Dada Bebe <3

Mamayang gabi pa sila aalis kasama sila Kuya at Sam. Dito kana lang matulog. Dala ka pang 1 week na mga damit.

Fr: Dada Bebe <3

Sige sige, gusto ko yan. Dala rin ako proteksyon baka may mang-yari nanaman mamayang gabi.

Fr: Dada Bebe <3

Baka iba iniisip mo, mahal ko. Alam kong green ka minsan pero nirerespeto kita kasi mahal kita at hindi pa ito ang tamang panahon para gawin yun. Baygon ibigsabihin ko dun sa proteksyon kasi baka mamaya makalmot mo nanaman mukha ko dahil sa ipis. Matulog kana ulit para gumaling ka agad. I love you sweetcakes :* <3

Hindi na ako nag-reply dahil kinilig ako.

Tinapos na namin yung preparation. Hinihintay nalang namin ng mga kaibigan namin mag alas-diyes.

Pumunta na kami sa school para ayusin yung hidden surprise.

Nagdala din kami ng mga pagkain kasi mga mukhang pagkain yung mga stupidents sa school.

Very supportive saamin ang family ko at family niya kaya kasama ko ngayon mga kapatid niya para tulungan kami sa pag-aayos.

Mga parents ko nga pala nasa Canada kaya sila manang nagbabantay saamin.

Si Kuya Nate yung nag-aayus nung surprise. Forte niya kasi ang pagdedesign, e. Kuya siya ni Kai.

"Diyan! Diyan sa itaas para mamaya paghinila yung tali mahuhulog yung confetti."

"Diyan! Ok good!"

"Sa gilid kasi diyan tayo magtatago mamaya."

Nagpahinga ako saglit at naupo.

Nilapitan ako ni Kuya Nate.

"Puso mo ateng baka maagang mabyuda kapatid ko."

"Haha. Di pa nga kami engaged, e."

"Yiee, gusto din ni ate! Magpakasal na kayo para may kalaro ako sa basketball! Gurang na kasi si Kua Nate, e!"

"Babae! Para may aayusan ako! Diba ate?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Karma Is My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon