ALEX IN DISGUISE
Written BY: HANNIBEE
Copyright (All Rights Reserved 2014)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MAHIRAP MAGING ISANG BABAE.
1. Wearing BRA is a must. Kailangan pa nilang laging takpan ang kanilang hinaharap malaki man yan o kahit parang pantal lang. Dahil sa dumarami na ang manyak sa mundo.
2. Red Tide. Alam na ng lahat to. Every month moody, bonggang-bongga na dugo with matching radiating pain sa legs.
3. Kailangan laging maging maganda. Mortal sin para sa mga kababaihan ang maging panget! Mahirap na mapagsabihan ng crush na panget ka.
4. Bantay sarado ang kilos. Bilang isang babae, marami silang limitasyon sa pagsasalita at kung papaano umakto ng maayos sa publiko.
5. BAWAL MANLIGAW. Para itong moral dilemma sa kanila kung anung gagawin nila pag-gustong gusto nila ang isang guy pero wala silang magawa dahil hindi naman normal sa babae na sila yung unang gagawa ng diskarte.
KAYA NGA AYOKONG MAGING BABAE EH!
Kung sana naging lalaki nalang ako at hindi na magsu-suffer ng ganito! Nakuuu po! Porket babae kailangan talagang kontrolado ang kilos? bakit? nakalagay ba yan sa Ten Commandments na dapat maging mala- Maria Clara?!
Tapos, lalaki lang ba talaga yung may rights na manligaw?! Isa lang masasabi ko,
WHY IS THE WORLD SO UNFAIR?!
Pero hep! enough na ako sa drama ko. Alam niyo?
May sasabihin akong sekreto sa inyo ... :> pero wag niyo talagang ipagsabi ha?
Sa GREENWOODS ACADEMY ako nag-aaral ngayon, sosyal ang name ng school no? Wag kayo! ALL-BOYS SCHOOL yan! :))
Ako nga pala si Alexia Grace Lopez ... aka ALEX.
Babae sa all-boys school? Pwede ba yan? Syempre hindi! Kaya nga nagdi-disGUYs ako ngayon eh!
At bakit ko ba ginagawa to?
.
.
.
.
SECRET!
PS. sana hindi to mabasa ng mga estudyante sa Greenwoods Aademy, baka magsumbong at makick-out pa ako T___T
-------------------------------------
HanniBee's Paper:
Hi guys ^_^ sana magustuhan niyo po to, DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT! sorry if this coming april ko pa to masisimulan. Tatapusin ko pa kasi yung 'The Playgirl Meets Her Match' ko, sana po basahin niyo din yun kahit hindi kagandahan ang story xD well, thankyooou :* yan lang ata masasabi ko, tinamad na akong mag-type eh! :P
~~Hanni Tamad :)
BINABASA MO ANG
ALEX in Disguise
Teen Fiction"LALAKI ka ba talaga?!" ~Bryan Alex is a girl pretending to be a boy for reasons she keeps to herself. Though now she's going to an ALL-BOYS school, will she be found out? (GENERAL)