Kabanata 1

11 1 1
                                    

It was like a dream having a date with someone you really like. Solemn place, check! romantic music, Check! fireworks display, check! and my ultimate crush who's smiling at me right now. Awwww Perfect date ever.

"Hey? Are you okay?" Tanong niya sa akin. Heto nanaman ang ngiti niya. Gooooosh! I badly want to make kilig na.

"Hey?" Sabay tapik sa mukha ko.

"Ay oh! What was that again?" Nakakahiya na tong ginagawa ko.

"I keep on talking here and then you're shock. Are you okay?" Tanong niya sa akin na may pagtataka sa mukha. Ay tanga ko talaga!

"Ou naman! Haha. Ano ba namang klaseng tanong yan." Sabay iwas ng tingin. Masyado ata akong nadala sa ngiti niya. Pasilip-silip na lang ang ginawa ko para naman hindi ganoon ka obvious na na-a-amaze na ako sa kagwapuhan niya. Hayyyy, Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya.

Hinawakan niya ang baso sabay taas nito. "Cheers!" Hinawakan ko agad ang baso ko kasi naman baka ma-obvious na talaga niya kapag tulala pa rin ako. "Cheers!" At sabay namin ininum ang wine. Napangiwi ako, hindi naman ako sanay na uminom ng mga ganitong inumin.

Napansin kong nakatingin siya sa akin at nakangiti. May mali ba sa mukha ko? Baka naman kalat na ang lip stick ko? Oh di kaya'y may muta ako? Naku naman! Huwag naman sana pleasssssssee. Not now! Nakakahiya! Hmm. Kapag magsasalamin ako, baka sabihin niya masyado akong concious. Ah bahala na!

"Uyy, may mali ba sa mukha ko? May dumi ba?" Sana naman wala.

"May dumi nga." Sabi niya na hindi umiiwas ng tingin. Ano?! May dumi?! Yumuko agad ako at kinuha ang salamin sa loob ng bag. Sabay tingin dito. Wala naman uh! Close up pa dahil baka malabo na ang mata ko. Pero wala naman talaga. Maayos naman mukha ko.

"Hahahaha!" Tumawa ito ng mahina. Napataas ang kilay ko, Pinagtritripan niya ba ako?!

"Biro lang!" Napasimangot ako sa narinig ko. Ugggh! Epic yun uh! Tinago ko na lang ang salamin sa loob ng bag at sabay cross arms. Swerte ka at crush kita dahil kung hindi, baka nasapak na kita.

"Uyy." Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan sa mata.

"Napakaganda mo. May dumi man o wala,ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin." Sabi niya sabay hawak sa pisngi ko. Lumaki ang tenga ko sa narinig ko. Ugggh! Paniguradong keso de bola na tong mukha ko ngayon. Lumusaw ang inis ko kanina at kinikilig na talaga ang brain ko. Ayoko na matapos ang araw na ito. Hayyy.

"Zhania! Gisiiing na!"
"Zhania! Malalate ka na anak."
Sabay tapik sa pisngi ko.

"Maaa. May date pa po ako." Pikit mata sagot ko kay mama. Hinila ko ang unan na nasa ulo ko sabay takip sa tenga. Teka! May date pa ako? Panaginip lang yun? Napabangon ako bigla sa kama at nakita ko sa orasan na 7:15am na! Patay! First day at ganito ako. Naku naman oh! Nagmadaling tumakbo ako sa Cr at naligo.

"Kanina pa kasi kita ginigising eh masyado ka atang masaya sa panaginip mo at may pangiti-ngiti ka pa habang tulog." Sigaw niya habang naglalakad papalapit sa banyo. "Oh heto! Pati ba naman tuwalya makakalimutan mo zhania? Sge. Bilisan mo dyan handa na ang almusal sa baba."

"Opo ma! Thank you!" Dali-dali akong naligo at nag ayos. First day of school kaya bago lahat. Sana naman maganda ang simula ko. Nagmamadaling inubos ko ang breakfast. 7:30am na at 8:00am ang first class ko. Sana naman makaabot. Nagpahatid na ako kay papa para isahan na lang total papunta naman din siya sa office. Nakarating na kame sa destinasyon at binuksan ko na ang sasakyan, bumaba na ako at pumunta sa harapan upang magpaalam kay papa.

The Shadows Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon