Kabanata 2

7 1 1
                                    


Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga park sa paaralan na ito. Nagpapahangin pero habang tumatagal ay hindi ko na gusto ang hangin dahil kinukulit na naman ako ng mokong na to.

"Pwede bang tigilan mo na ako?!" Naiinis na sabi ko sakanya. Dapat ko bang pagsisihan na hinila ko siya dahil hindi na talaga niya ko tinatantanan mula kahapon!

"Hahaha! Aminin mo na kasi na gusto mo ko at nagwagwapuhan ka sa akin. Wag kang mahiya sanay na ko sa mga ganyan. Maliit na bagay lang yan para sakin." nakangising sabi niya. Ano bang problema ng lalaking to dahil kahit pangalan niya di pa niya nasabi sakin at inuuna niya pa yang mga kayabangan niya. Oh well. Ayoko na palang malaman ang pangalan niya dahil ayokong maging kaibigan siya. Nagpasalamat na ko sa pagtulong niya sakin at wala na akong balak dagdagan pa ang utang na loob ko sa kanya.

"Alam mo. Alam kong nahihiya ka lang sakin eh kasi hindi mo pa alam ang pangalan ko. Daniel Kurt Gil nga pala." Sabay abot ng kamay niya ng nakangiti. Masyado atang malakas ang pagsalita ng brain ko kaya kahit yung iniisip ko naririnig niya. Kanina lang namin napag-aralan ang law of attraction pero hindi ko naman alam na totoo pala talaga yun. Na kapag may ayaw ka yan ang lalapit sayo. Gaya ngayon ayoko na malaman ang pangalan niya dahil di ako interesado pero eto siya at nagpapakilala. Napabuntong hininga na lang ako habang tinitignan ang kamay niya. Kahit na ang yabang niya pero di naman ako bastos para iignore lang ang pagpapakilala niya.

"Fine. I'm Zhanie Jane Corpuz. Okay? So will you please leave me alone now dahil di na ko natutuwa sa kayabangan mo. Nagpasalamat na ko sayo dahil sa pagtulong mo sakin kay--"

"Hindi kita tinulungan. Hinatak mo ko ng walang paalam kaya wala na akong choice kung di sumakay sa kalokohan mo. But i Know you like me." Nakangisi na naman siya sabay taas baba ng kilay. May sira talaga to sa ulo eh.

"Okay! Hinatak kita. I'm sorry. Wala akong choice. Kailangan kong gawin yun. Pero yun lang yun kaya wag kang ano dyan. Wag kang ambisyoso." Di ko na talaga matiis kaya tinalikuran ko na siya at naglakad. Naramdaman ko naman nan hindi niya ko sinundan.  Kailangan kong magrelax kaya't napagdesisyonan ko na pumunta na lang sa cafeteria para kumain. Nakakarelieve talaga ng stress ang foods. Stress na galing kay Daniel.

Naglalakad na ko at lumingon lingon para masigurado na di ko siya makakasalubong. Kahit papano nakarating naman ako sa cafeteria ng ligtas.

"Thank you Lord!" Pabulong kong sabi. Umorder lang ako ng fries and burger with drinks at naghanap na ng lamesa. Ito lang ang ginagawa ko para magrelax kahit papano. Food is life sabi nila kaya literal talaga yun sakin. Mahilig akong kumain ng kumain at maswerte ako kasi di ako tumataba. Ewan ko ba saan napupunta ang pagkain na kinakain ko pero masaya ako kasi yun ang pangarap ng bawat babae. Ang kumain ng marami at di tumataba.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang notifications, magfafacebook muna ako pampalipas ng oras.

"What the?!" Muntik ko ng maibuga ang drinks na iniinom ko sa nakita ko.

Daniel Kurt Gil has friend request on you

Confirm or Delete

Pati ba naman sa social media?! Urrggh! Hmm. Wala naman akong ibang friends dito sa school dahil siya pa lang ang nakilala ko tsaka tinulungan niya ko kahapon kaya di naman siguro masama na kahit sa social media lang friends kame. For sure iiwasan naman ako nun dahil yun ang sinabi sakanya kanina. Saka pinindot ko ang confirm. Di naman yun big deal for sure.

Nagbrowse lang ako ng nagbrowse. Nangangati talaga ang kamay ko na isearch ang pangalan niya. Na icheck ang profile niya. Wala naman sigurong makaka-alam kapag ginawa ko yun dahil account ko naman to. Hay! Bahala na!

Search: Clark De Guzman

Pumikit ako at dahan dahang pinindot yun. Unang mukha niya ang Lumabas at pinindot ko yun. Huminga ako ng malalim at dahan dahang nagbrowse. Lumakas ang tibok ng puso ko sa nabasa ko.

You're mine baby. You'll always be mine

"Baby..." Hindi ko alam ang gagawin ko. Inoff ko ang phone ko. Ayoko ng masaktan. Tinignan ko ang pagkain sa harapan ko at naaalala ko na naman siya. Yung mga masasayang araw na kasama ko siya.

"Tumigil ka na Zhania. Tama na" mariin kong pinikit ang mga mata ko. Ayokong imulat ang mata ko dahil naaalala ko yung mga bagay na nagpapasaya sakin noon pero kailangan kong tigilan tong katangahan na to. Minulat ko ang mga mata ko at muntik na kong atakihin sa puso.

"Oh my Gosh!!" Nagulat ako dahil ang lapit ng mukha niya at napa-atras ako.

"Papatayin mo ba ako sa atake sa puso?!!" Hindi ko mapigilan na di sumigaw. Pinagtitinginan na kame ng mga tao dito. Nakakainis talaga tong Daniel na to. Akala ko makakarelax ako! Ginugulo na naman niya ako. Nakangisi na naman siya.

"Ouch naman! Bakit ganyan reaksyon mo? Gwapo kaya ang nasa harapan mo at kung makapag react ka para kang nakakita ng multo." Wow! Ganito ba talaga siya? GGSS?!

"Hoy! Mahiya ka sa sinasabi mo. Kinikilabutan ako!" Gosh. Ang sarap sapakin nito!

"Oh di kaya'y nasilaw ka sa kagwapuhan ko? Kaya ganun." Over Confident na talaga to. Konting konti na lang makakatikim na to sakin!

"Alam mo kung pinagtritripan mo lang ako. Maghanap ka ng ibang pagtritripan dahil walang ako ora-" nanlaki ang mata ko dahil hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam pero bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Anong ginagawa niya? Mahinahon lang ang mukha niya at nakatitig sa mga mata ko.

"Ang Ganda mo." Yun lang ang sinabi niya pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi siya bumibitaw sa tingin niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Hahahahahahahahahaha!" Tawa siya ng tawa. Baka Crazy na itong kaharap ko. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.

"May nakakatawa ba?" Nakataas kilay na tanong ko. Bwisit to!

"Yung mukha mo. Hahahaha! Yung mukha mo nakakatawa!" Wow. Di pa rin siya tumitigil sa pagtawa niya. Nakatingin lang ako sakanya.

"Hahaha! Naniwala ka talaga sa sinabi ko! Hahaha!"

Hindi ko na kinaya. Tumayo na ko at hinampas sa mukha niya ang bag ko. Brutal na kung brutal! Bahala siya!

"Bwisit ka!" Tinalikuran ko siya at nagmadaling naglakad. Akala niya nakakatuwa or nakakatawa yung ginawa niya?! Gosh. Hindi ko alam na ganun pala siya kayabang!

Nagmamadali akong naglakad at alam ko na hinahabol niya ko. Uuwi na lang ako. Bahala na.

"Zhania! Waiit. Uyyy! Wait!" Hingal na hingal na sabi niya. Tumakbo na ko. Wait niya mukha niya! Malapit na ko sa gate, konting konti na lang pero bigla akong tumigil sa pagtakbo dahil nandoon siya. Nandoon siya at nakita niya ko. Sobrang hinihingal ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Zhania!" Nararamdaman ko na palapit na si Daniel pero parang sinimento ako sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw. Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin. Yakap na sapat na para maramdaman ko na ligtas na ko.

Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat at tinitigan sa mata. Worried talaga ang mukha niya.

"Zhania? Okay ka lang? Tsk. Sorry Babe." Niyakap niya ko ulit. Parang nabingi ako sa sinabi niya at nabulag dahil alam kong nasa harapan namin si Clark. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil ba to sa yakap at salita ni Daniel? O dahil to kay Clark na nasa harapan ko. Hindi ako makagalaw at naramdaman kong tinalikuran na niya kame at naglakad. Sakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Shadows Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon