II

131 1 1
                                    

Hi,

I guess, sumobra ako sa nagawa ko sa'yo kaya nagsusulat ako ngayon dito. Hindi ko din maintindihan sarili ko minsan. Just like what you've said to me "I am hot and cold" Nahihirapan din ako sa pagiging ganito ko. Minsan gusto ko intindihin lahat ng bagay at minsan naman gusto ko intindihin nila ako. Hindi ako magtataka kung isang araw mapapagod ka na lang sakin. Alam ko naman na I am good at pushing those around me, away though I like to be love by someone who will not put in his option the giving up thingy.

I love you, that's what I can say pero minsan napapagod na din kasi ako iexpress yung love na yun sa mga tao kasi lagi naman din natetake for granted. Ang ironic lang na dapat hindi ako nahihirapan dito dahil forte ko to. Hindi ko na din alam talaga, ang labo ko.

Ewan ko na. Gusto ko magsorry kasi alam ko nasaktan kita kanina dahil sa nagawa ko pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. Alam ko na I went overboard kanina kasi nasaktan kita sa pinagsasabi ko. I know that its my fault right now. Naiiyak na talaga ako habang sinusulat ko ito kaya ano ba yan! I hate you for making me feel this way but I know it is my fault kaya I deserve to cry right now. Sobrang guilty na ako sa nangyayari kasi feeling ko naging cold ka na din talaga kanina. Ang gaga ko din kasi minsan dahil umandar na naman ang pagiging sadista ko kanina tapos umagang umaga pa.

I am sorry for bitching out kanina sayo. Hindi ko talaga alam bakit na naman ako nagkakaganito. Nahihirapan na naman ako alamin. I am sorry talaga for being mad for petty reasons. I am sorry for being immature, for not understanding you. I am sorry for being a not so good girlfriend. Hindi ko na talaga alam how to approach you kasi hirap na ako. Kung mabasa mo man to sana ASAP. Kasi hirap ako pano ka kakausapin.

May mga issue din kasi ako sa buhay na hindi ko basta basta mashare sayo. Alam ko may ibang issue na akong nasabi sayo but I think na hanggang dun na lang muna kasi hindi ko pa kayang ishare yung iba. Sawa na kasi akong iplease yung mga tao,  sawa na din akong majudge kaya nagiging cold ako sa mga tao. Sorry kasi lahat ng yun ikaw ang nakakatikim. Sorry talaga dahil ako ang may problema, I am trying to fix this through your help kaya sana konti pa please. Tinatry ko na iadjust ang sarili ko para sayo okay?  Kasi one thing is sure mahal kita pero di ko pa alam how to handle this.

I can still feel the euphoria when we became official kaya naman sorry kung nagaadjust pa ako alam ko na marami akong kulang and ikaw din nagaaddjust pa kaya naman, sorry. Sorry for ruining our first month puro away na lang lagi kasi napakamatampuhin ko and sorry talaga kung hindi pa ako nakakapagadjust. Sorry talaga

Sana talaga you can still accept my apology. Naiiyak na talaga ako, ayaw kitang mawala. Uwaaahhh naiiyak na ako talaga, sorry!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Open Letter to my Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon