Celine's POV:
BAGO PA MAN ako umalis ng bahay ay tumingin muna ako sa refrigerator namin. Pagkabukas ko ay heaven kaagad ang nakita ko. Ang daming pagkain! I could eat all of these in just how many hours! Pero may isa akong nakita na talagang bumahid sa sikmura ko.
Mukhang masarap 'to ah! Saan kaya binili nina Mama ang cake na 'to?
Tiningnan ko nang maigi ang size at disenyo na nakaukit sa mahiwagang cake na hawak-hawak ko. Napaka-fluffy tsaka ang daming choco swirls na pumapalibot sa cake. May icing pa ito na thick and creamy, at kulay pink pa kaya malamang, baka strawberry flavored. Triangular in shape pa. Pero kahit gaano man ito kaganda ay...
KINAIN KO PA RIN SIYEMPRE! Walang makakatakas sa akin pagdating sa pagkain! Hindi talaga ako mabubuhay kapag walang pagkain!!!
At dahil sa sarap ay kinuha ko yung natitira pang nasa ref namin. For sure mapapagalitan na naman ako mamaya pero wala akong pake! Masarap eh!!! Bili nalang ulit sina Mama hehehehe.
Naglalakad ako papuntang school nang dahan-dahan habang kumakain ng cake. Dala-dala ko pa ang box neto. Kailangan kong ubusin 'to bago ako makarating sa school. At dahil ako pa lang ang tao dito, bawat kagat ay ninanamnam ko -- ang pag-melt ng icing sa aking dila, at ang aking pag-nguya sa malambot at matamis na cake proper nito.
Tuloy pa rin ako sa pagnanamnam kahit nasa crossing na ako. Isa pa, wala akong naririnig na paparating na jeep o anumang uri ng sasakyan kaya okay lang. Pero napatigil din ako nang bigla narinig ang tunog ng paparating na motorsiklo. Dumilat ako para matingnan ko sana pero laking gulat ko nalang na sobrang lapit na pala nung motor at mabubundol na talaga ako.
Goodbye, world. Atleast, nakakain pa ako bago ako mamamatay.
Napapikit nalang ako pero himalang wala akong naramdamang matinding pagbangga ng isang de-metal na bagay. Sa halip ay isang malakas na screeching sound ang narinig ko.
Dahan-dahan akong dumilat at nakita kong naka-park na pala yung motorsiko at nagmamadaling inangkas ng lalaki ang kanyang helmet at pumunta siya sa akin. Ayy..taga Chain Academy din pala siya... NGUNIT, kung sa tingin niyo ay ico-comfort niya ako na katulad nito:
"Miss, okay ka lang?"
o kaya ay
"Miss, pasensya na po!"
Aba! Nagkakamali kayo...!
Bakat sa mukha niya ang inis at pagkalapit niya sa akin ay sumigaw kaagad siya.
"T*ngina naman oh! Bakit kasi tatanga-tanga ka sa paglalakad!?"
Biglang kumulo ang dugo ko at sinigawan ko rin siya nang walang duda.
"Aba! Kung makapagsalita ka ha! Ako na nga yung muntikan mong mabangga eh!!!"
"Hindi ka naman talaga mababangga kung umayos ka sana sa paglalakad!" sigaw niya ulit sa akin sabay tingin sa box ng cake na hawak ko.
"Kumakain ka pa pala! Grabe, pwede mo namang i-bag muna yan at kainin sa canteen o kaya kahit saang lugar diyan basta huwag lang sa kalsada!"
Lalo kong tinaasan ang boses ko. Hindi ako magpapatalo!
"Dinamay mo pa ang napakasarap na cake na 'to! Ang kapal din ng mukha mo, noh!?"
BINABASA MO ANG
Love is ON THE WAY
Teen FictionDiscover how some girls make their way into love -- despite their weird personalities.