Celine's POV:
"Celine! Super late ka ngayon ha! Buti nalang at wala pa yung teacher." bungad kaagad sa akin ni Lizza pagkapasok ko ng classroom. Hinihingal pa ako.
"Oo nga. So unusual. Baka naman nag-enjoy kang kumain at nakalimutan mo na yung oras?" sabi naman ni Leigh.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
"Guys, it's a long story."
.....................................
Bakit ko nga pala natanong yung pangalan ng lalaking yun? Dahil may balak akong pasalamatan siya ng bongga kahit papaano. Nakakainis siya pero malaking tulong sa akin yung pagsakay ko ng motorsiklo niya, at sa hindi niya pagbangga sa akin. Dahil kung hindi, malamang! Absent na ako ng first period, eh hindi ko kaya ang basta nalang umaabsent!
Ang problema nga lang..........
Hindi ako maka-concentrate sa sinasabi ng prof!!! Kanina pa tumutunog ng 'grgrgrgrgrgrg' yung tiyan ko. In short, nagugutom ulit ako!!!
Dahan-dahan kong kinalabit si Lizza na nasa kanan ko lang.
Nainis siyang tumingin sa akin.
"Bakit?" bulong niya. At para iwas iskandalo, nag-sign language ako. Binuka ko bibig tapos ini- akto ko na kailangan ko ng pagkain.
Kumunot ang noo niya. Nag-X sign siya bilang sagot. Wala...
Tumingin naman ako kay Leigh na nasa kaliwa ko. Kinalabit ko rin siya nang dahan-dahan.
Tiningnan niya ako na parang nalilito. Nag-sign language ulit ako na kailangan ko ng pagkain. Umiling siya.
Isang 'maasim' na ekspresyon ang sagot ko sa kanya. Ni isang candy wala sila...? Paano na yan..eh talagang nagugutom na ako.
Patuloy pa rin ang prof sa pag-discuss and at the same time patuloy ang pagkawala ng atensyon ko sa diskusyon. Puro pagkain na lamang ang naiisip ko. Sh*t this is bad....
If only I could just take one bite on a sandwich....
..
..
..
"Miss Lopez, are you listening?"
"Kahit sandwich lang po!"
Nagsitawanan ang lahat na siyang nagpamulat sa akin na nasa klase pala ako.
Agad-agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa pagkahiya. Tiningnan ako ng prof na may kaunting 'inis' sa kanyang mukha.
"Miss Lopez, matagal pa ang break. For goodness sake, first period pa lang 'to!" sigaw ng prof sa akin.
Yumuko na lamang ako at humingi ng paumanhin. "Sorry po, Sir."
"Utang na loob. Makinig ka na nang mabuti, Miss Lopez. And please avoid unnecessary words and actions. Concentrate."
Kasabay ng pagtalikod niya sa akin ay pagtapik nina Lizza at Leigh sa likod ko.
Tiningnan ko sila para sana mag-'complain' pero tinitigan nila ako nang masama. 2 vs. 1. Eh di talo ako kaya sinimangutan ko nalang sila at nakinig kay Sir.
Tiniis ko talaga ang gutom ko at ginawa ko ang lahat para maalis sa isipan ko ang tungkol sa pagkain. Until finally....
..
BINABASA MO ANG
Love is ON THE WAY
Teen FictionDiscover how some girls make their way into love -- despite their weird personalities.