Sinong mag-aakala na makikita ko siya sa pinakapaborito kong lugar?
Kung saan una akong nahulog sa bagay na ito.
Isa lang akong simpleng tao na meron ding paboritong gamit na kung saan ko inilalabas ang mga damdamin ko na hindi ko naman mailabas sa mga kaibigan ko?
Hindi ko inakala na ang pinakapaborito kong gamit ang dahilan kung bakit kita nakita.
Ni hindi ko gusto ang mga katulad mo dahil hindi naman ako nagkainteresado sa iyo.
Ayaw ko man isipin pero ikaw na ang naging pamalit sa paborito kong gamit.
Ni hindi ko na ito ginagalaw dahil sa palagi kitang iniisip.
Bakit ba sa isang katulad ko ay mabibigyan ng isang hindi kanais-nais na tao na hindi ko man hiniling sa tanang buhay ko. Pero hindi ko inakala na darating at darating ka pa rin.
Tatanggapin ba kita sa buhay ko? O mananatili ako sa dating kagawian ko.