-Question of the Day
|Bakit ako di pwede?||Yura|
"Minwoo ba't ka ganyan? Kala ko ba ako lang?-Aray! Ano ba yun Jeon Jungkook." Hiyaw ko matapos akong kutusan ng ilong na katabi ko. Naku..kundi lang talaga siya gwapo pinugutan ko na siya ng ulo. Ugh. Kaasar.
"Andyan na kasi si Sir Yoongi tapos yung cellphone mo naka-max pa yung volume. Tsaka mas gwapo naman ako diyan sa Minwoo na yan ah. 'Akin ka na lang kaya" Sabi niya sabay hablot ng cellphone ko at shinutdown ito. Grabe siya....grabe talaga. Ang taas ng confidence level nitong lalaki 'to. Pero okay lang bang sabihin na slightly cute siya?
"Dream on. Kwento mo sa gums ni Sir Yoongi baka may maisagot sayo yun. Tss. Kainis ka"Irap ko sa kanya at kinuha pabalik yung cellphone ko at binulsa na.
Hi nga pala. Kim Ah-Young ang real name ko pero I prefer being called Yura. 18 years old at 3rd year college sa BigHit National University. .
"Class may activity tayo, partner partner okay. Seatmates niyo partner niyo. I'll give you....10 minutes to find yourselves a partner"sabi ni Sir Yoongi kaya nagsi-tayuan kami.
Dumiretso naman ako dun sa upuan ng pinsan/bestfriend/classmate ko na si Minah. Mas bata lang siya ng isang taon sakin.
"Mins, partner tayo please"pagpapacute ko sa harap ni Minah nang bigla akong hilahin pabalik ni Jungkook sa upuan ko.
"Akin ka na nga lang sabi diba, wag ka magpa-cute ng ganun sa iba, hahalikan kita gusto mo?"nakayukong sabi niya. Omo. Haha, as if namang nagseselos talaga siya. Besides, babae si Minah.
"Sapakin kita gusto mo rin? Lakas ng saltik mo grabe. Tsaka wag kang ano, kay Minwoo lang first kiss ko"
Irap ko sabay lakad ulit pabalik kay Minah kaso hinila niya ulit ako."Ano ba?! Kotang-kota ka na sa pag-hila sakin ah! Baka gusto mong kurutin ko ilong mo?!"sigaw ko sabay tanggal ng kamay niya sa wrist ko. Nakakaasar talaga siya, grabe.
"Partner na lang kasi tayo Ah-Young!"sabi niya kaya kinutusan ko. Ilang beses ko na siyang sinasabihan na Yura ang itawag sakin pero ang kulit-kulit ng lelang nitong lalaking 'to. Nakakbwisit.
"How many times do I have to tell you na si Minwoo lang ang may karapatang tawagin ako ng real name ko?" Sambit ko at padabog na umupo sa upuan ko. Nakakangalay kayang tumayo. At wala pa pala akong partner. Si Jungkook kasi eh.
"At bakit naman siya lang ah? Ano special ba siya?" Pagtataas ng kilay ni Jungkook sakin at umupo sa lamesa ko. Kailan pa naging upuan ang lamesa?
"Oo special siya. Asawa ko siya at may karapatan siyang tawagin akong Ah-Young. Tsaka mahal niya 'ko kaya pwede siya"sabay hair-flip ko kasi ang ganda ng speech ko at ang ganda ng nagsabi. Oo na lang kayo, maganda kaya ako.
Ikinagulat ko ang susunod niyang sinabi.
"Eh mahal din naman kita eh, bakit ako bawal ?"
O_O.
Omo ano daw?
|End of Q&A 1|
BINABASA MO ANG
Q&A
Fanfiction|| "For every question there is an answer. Pero bakit tuwing tinatanong ko kung mahal mo 'ko iniiba mo yung topic? Yung totoo Minwoo, mahal mo ba 'ko?" || Tanong ni Yura sa sarili niya everytime na nanonood siya ng video ng bias niya na si Minwoo. A...