Prologue

11.2K 197 5
                                    


This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.

~•~

(10 years ago)
                     

Fourth year college ka na, right?" Tanong sa akin ni Tita Lyn. Hindi ako nakasagot dahil abala ako sa pag-aayos ng mga requirements para doon sa school na papasukan ko. "Yvette." Untag niya.

Nag-angat ako ng paningin at nahihiyang ngumiti sa kaniya. Wala namang reaksyon ang mukha niya. "I'm sorry, Tita." I tucked the strand of my hair behind my ear. "Ano pong tanong niyo?"

"Bakit lumipat ka pa ng school? Bakit umalis ka pa sa inyo? Hindi ba mag-aalala ang Mama mo?" Aniya.

Alam kong hindi iyon ang tanong niya kanina pero hindi ko na lang sinabi sa kaniya. Lumunok ako at pinunas ang mga palad na mamasa masa sa aking pantalon na suot. "Parang hindi niyo kilala si Mama. She's busy with my step father." Dinampot ko ang envelop na pinaglalagyan ng mga requirements at inilagay sa aking bag. "Kapag hindi po ako umalis sa'min baka hindi ko makayanan at..." My voice trailed off. "Maglaslas ako."

Narinig ko siyang suminghap. "Jovylene Yvette!" Sindak na sabi niya.

"Just kidding, Tita!" I said, faking a cheerful laugh. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at isinakbit sa aking balikat. "Gotta go, Tita Lyn." I kissed her cheek. "Huwag po kayo masyadong kumunot ang noo, baka magka-wrinkles." Biro ko pa habang tinuturo ang noo.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng hotel room ni Tita. Naglakad ako papuntang elevator habang nagiisip. Fourth year college na ako, BSBA ang kurso, major in Financial Management. Dean lister din naman ako kaya hindi na ako mahihirapang makapasok sa school dito sa Batangas.

Bumukas ang elevator, may isang lalaki na ang nasa loob pero hindi ko siya binigyan ng pansin nang pumasok ako. My mind is full of things. Bakit feeling ko nagpadalos dalos ang pagpunta ko dito sa Batangas? Umiling ako. Hindi. Kailangan ko 'to. Dito na muna ako. Dito ako papasok. Dito ako ga-graduate. Ayoko sa amin.

Pinindot ko ang button kung saan nagiindika sa ground floor. Wala pang ilang minuto ay biglang nagdilim ang buong elevator. Nanlaki ang mga mata ko.

"A—Anong nangyari?" Bulalas ko.

Hindi lang kasi nagdilim, huminto pa!

Mabilis kong dinukot ang cellphone sa bag ko at tinignan kung may signal. Nakagat ko ang ibabang labi nang makitang walang signal maski isa! Pagkatapos ay naiinis na binalik sa bag ang cellphone.

Damn. I'm so stuck in here!

Bigla akong nanginig nang makaramdam ako ng init sa aking likuran. Nanlaki pa ang mga mata ko nang maalala kong may kasama nga pala ako sa loob ng elevator, at isang lalaki iyon.

Dammit! Is he going to rape me?!

Naramdaman kong umangat ang braso niya mula sa likuran ko kaya hindi na ako nakapagpigil, mabilis ko siyang hinarap at pinaghahampas sa mukha.

"kyah!" Irit ko pa at tinuhuran siya sa crotch area.

"Fuck!" Daing niya. "A—Anong ginagawa mo?!" He all but exploded in his cold and baritone voice.

"Rapist!" Sigaw ko.

"What the fuck?!"

Sakto namang bumukas ang ilaw sa elevator. Tumambad sa'kin ang gwapong mukha nung lalaki. No—scratched that, ang galit na gwapong mukha ng lalaki. Natigagal ako at napatulos sa kinatatayuan.

"Why did you have to fucking kick me on the crotch?!" Inis na singhal niya.

"Ahm.." I opened my mouth then closed it again. I can't even find the right words to say, it's just that he's so handsome that I got dumbstruck. "I—I'm sorry, akala ko ay rapist."

Umismid siya. "Pipindutin ko lang ang emergency button, Miss. I'm not gonna rape you." Naiinis pa ring sabi niya. Pero mas kapansin pansin ang dimple niya.

"I—I'm sorry again, sa pagsipa sa ano mo.." Namula ang pisngi ko. "Hindi ko sinasadya, d—does it hurt?"

Malapit na malapit ang mukha niya sa'kin, ilang pulgada na lang. At ang isang braso niya ay nakaangat, marahil ay nakapindot doon sa emergency button. Ang dark brown niyang buhok ay gulo gulo. Napatingin ako sa kaniyang mga mata, his eyes were chinky, matangos din ang ilong niya na para ba siyang may lahi, kahit ang mga labi niya ay mapupula na para bang nilagyan ng lipgloss 'yon.

What a sexy looking guy. Who is he, anyway?

He looked down on me, seryosong seryoso ang mukha niya. Kunot na kunot pa ang kaniyang noo pagkatapos ay nakita kong gumalaw ang adam's apple niya dahil sa paglunok. Then he grunted as if he was in pain.

"N—Nasaktan ka nga." Bulalas ko.

"Do you want to have sex?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Is he inviting me?! Is he hitting on me?! What a crude guy! Ngayon pa lang kami nagkita tapos ay ganito na siya?! Ganito na ba ang mga lalaki ngayon? Puro makamundong pagnanasa ang iniisip at inuuna!

"Crude!" I spat.

He snorted. "Woman, you are rubbing it." Tumingin siya sa baba, sinundan ko ang paningin niya at nanlaki ang mga mata ko. Mabilis ko siyang tinulak.

"W—What...No! I didn't do it on p—purpose!" Utal utal na sabi ko.

Napatakip siya sa bibig niya at para bang matatawa na sa'kin, nawala na rin ang kalamigan sa itsura niya. Bumukas ang pinto ng elevator kaya sabay kaming napatingin doon.

"Sorry for the inconvenience, Sir and Ma—" hindi ko na pinatapos ang nagsasalitang staff, mabilis akong lumabas ng elevator at tumakbo patungong hagdanan. Pero hindi nakatakas sa'kin ang mapanuyang halakhak ng lalaki.

Napasapo ako sa aking pisngi. Sobrang init no'n at may pakiramdam akong pulang pula ako ngayon dahil sa sobrang kahihiyan. Dammit! Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko! I was actually rubbing his thing! And it was hard... Damn!

Strictly ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon