CHAPTER ONE

102 2 1
                                    



Ako si Geneva Castillo "GENE" for short.

Hindi pansinin dahil siguro sa maliit ako, maiksi na nga ang buhok... Fly away pa, walang kurba ang katawan, maitim at sungki ang ngipin (to summarize, PANGIT).

Pero dati yon.

Simple lang ang takbo ng buhay ko. Gaya niyo, may pamilya din ako. Masaya ang simple naming pamumuhay.

May mga kaibigan din ako pero hindi ko alam kung totoo ba silang lahat sa akin.

Ang tanging alam ko lang naman na lubos kong pinagkakatiwalaan pag dating sa mga sikreto ko sa buhay ay si Tanya.

Ang Bestfriend ko since first year college.

Nasa ikatlong taon na ko sa kolehiyo, kumukuha ng kursong AB Psychology.

Si Tanya lang ang naging close ko simula ng tumuntong ako ng College.

Kaklase ko siya kaya madalas ko siyang kasama.

Hindi ko alam kung bakit kami naging magkaibigan, madaldal siya at tahimik ako, pero fit naman diba?



"GENE!" isang malakas na hiyaw na nanggaling sa likuran ko ang nagpalingon sa akin.

Pamilyar ang boses... Sabi ko na nga ba't kay Tanya galing ang malakas na boses na iyon.

"Hoy! babae, ba't ba nangiiwan ka sa ere?" inis na sabi niya saakin sabay hampas sa balikat ko.

Ganito talaga siya, may pagka Loka-loka.

Paanong hindi ko siya iiwan e panay ang pa-cute niya sa mga lalakeng di naman ka-gwapuhan sa canteen ng school namin.

"Grabe ka naman kung makahampas sa balikat ko! Nakakairata ka kaya. Paano ba namang di kita iiwan e panay kaya ang kindat mo sa mga mayayabang na lalake dun." sabay nguso ko na nagbibigay direksyon sa Canteen.

"Aba... kunwari ka pa e nahuli nga kitang titig na titig sa isang lalake don e.. ooops! aminin mo."

"Oy! hindi aah." Pagtanggi ko.

"Sus! kunwari pa to e kilig na klilig ka nga habang tinititigan mo siya e."

"Tapos may lumitaw pang puso sa mga mata mo.. siguro crush mo yun no? uuuy.." pangangantiyaw niya sa akin na nagpa-balik sa nangyari 3 YEARS AGO.

Fourth Year High School ako noon ng malaman niyang may gusto ako sakanya.

Naaalala ko pa yung mga binitawan kong salita at ang masakit na sagot niya.

"Emman, gusto kita. Kahit na alam kong imposibleng magustuhan mo rin ako.

Sino ba naman ako para mapansin mo diba? Gusto ko lang malaman mong matagal na kitang gusto, gustong-gusto kita Emman.....

Mahal kita. Sobra."
hindi ko mawari ang itsura ko ng mga sandaling iyon.

Basta ang tanging nasa isip ko lang ay ang kagustuhan kong maipagtapat na sakanya ang nararamdaman ko.

Hindi ko na rin pinansin ang mga taong nakatingin sa amin at nakikiusyoso.

Dahil isa lang ang mahalaga sa akin... yun ay ang sagot ni Emman.

Si Emmanuelle Santos o mas kilala sa tawag na "Emman" ang unang lalakeng nagpatibok ng aking puso.

Kilala siya sa school dahil sa sobrang lakas ng dating.

Member siya ng basketball team pati na rin ng sikat na sikat na Dance Troupe na "The Originals". (ewan ko kung bakit The Originals.HAHAHA! -Author)

Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sakanya, OO napaka GWAPO niya! Pero sa ugali .. hindi ko ma-explain. Isa lang ang description ko para don.....

MAYABANG.

Ganon siguro talaga pag tinamaan ka na ni kupido.

Kahit na ano pang ugali meron ang isang tao, basta't naramdamaan mo na yung "Spark" .. yun na yun e.

Nahulog ka na, kaya wala ka ng magagawa.

Matapos kong ipagtapat kay Emman ang nararamdaman ko para sakanya, nakatanggap ako ng sagot...

Yun ay ang malakas niyang tawa.

"IKAW? MAGUGUSTUHAN NI EMMANUELLE SANTOS? HAHA! IN YOUR DREAMS GIRL. ILUSYONADA!" sigaw ng isang babaeng hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Malamang ay narinig niya ang mga sinabi ko kay Emman.

Kasabay non ay ang pagtalikod sa akin ng lalakeng mahal ko.

Ng lalakeng walang ginawa kundi ang pasulyapin ako kung saan naroon siya kasama ng kanyang barkada.

Humihiling na sana gantihan niya rin kahit minsan yung di-mabilang na pagsulyap ko sakanya.

Ang damot nga ng tadhana, ni minsan hindi yun nangyari.

Doon ko lang na-realize na ang sakit pala ng nagagawa ng pag-ibig.

Lalo na kung walang kasiguraduhan na mamahalin ka rin ng mahal mo.

Wala na akong nagawa kundi ang lumakad papalayo sa lugar kung saan nagtapat ako ng pag-ibig, baon ang sakit na dahilan ng pag-tulo ng luha ko.

Wala akong magawa kundi ang umiyak at magsisi sa ginawa kong pagtatapat.

Ang sakit.

Sobrang sakit!

Tama yung sinabi ng babae,

ILUSYONADA AKO!



***GOING BACK TO THE PRESENT


"Hoy! Ano ka ba? kanina pa ako satsat ng satsat dito, ano bang nangyayari sayo at kanina ka pa tulala diyan?" kanina pa pala nagsasalita itong si Tanya ng hindi ko namamalayan dahil na rin siguro sa pag balik-tanaw ko sa nakaraan.

"Ano ulit yung sinasabi mo?" tanong ko sakanya.

"Sabi ko, sino po ba yung lalakeng yun? Kulang nalang matunaw siya para hindi mo na titigan!" pagbabalik niya ng tanong sa akin.

"Wala, ano ka ba! Hindi ko siya tinititigan no! Napasulyap lang ako. Ikaw naman masyadong madumi yang isip mo! Titig agad?" ganting sagot ko sakanya.

"Asus! kunwari ka pa. Hoy! wag kang maglihim ha. Basang-basa na kita no. Para ipaalala ko sayo friend, TATLONG TAON na po tayong magkasama! TATLONG TAON na po tayong mag-kaibigan kaya alam ko yang mga titig o sulyap mong yan!"

"Yung mga titig mo kanina friend, dalawa lang ang ibig sabihin non e.. It's either may gusto ka sakanya o may nakaraan kayo." kasabay ng pagsabi niya sa mga linyang ito ay ang pataas-baba ng kilay niya.

"Grabe ka naman." sabay irap ko sakanya

Pero totoo ang mga sinabi ni Tanya. May gusto ako don sa lalake, PERO...

NOON yun.

OO. Noon yun.

Siya yung lalakeng unang nagpatibok ng puso ko at una ring nagpaluha sa mga mata ko dulot ng sakit sa puso. (hindi po literal na sakit sa puso)

Yung lalakeng dahilan ng pagiging LOVELESS ko ngayon, dahil sa takot akong mag mahal muli.

Takot mapahiya at....



masaktan.

Yung lalakeng sumugat sa puso ko at ang lalakeng tinitigan ko ay iisa.

Si EMMANUELLE SANTOS.


Ang unang lalakeng minahal ko ng sobra.






ITUTULOY.



Don't forget to leave your comments and Vote guys! First time ko pong magsulat ng Story. Sana suportahan niyo po ang "Isang Sulyap lang, Please..". You can leave your suggestions na pwedeng idagdag sa story.

Thank You and God Bless! <3

Isang Sulyap lang, PleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon