2 weeks nang nakalipas simula nung nakita ko yung bwisit na mokong na ex kong yun. Andito ako sa kotse namin papunta kami sa school.
Maya maya andito na kami sa school at pumasok na. Nandito lang ako sa classroom hinihintay si Chloie at yung adviser namin. Nakikinig lang ako sa music.
"Abigaiiillll!"
"Ay kalabaw!"
"Anong kalabaw?! Mukha ba akong kalabaw Abi?! Ha?!"
Si Chloie pala.
"Ikaw kasi! Kung makagulat! Atakihin ako sa puso eh!"
"Sorry na garud!"
Umupo na siya sa chair niya. Nasa harap ko lang upuan niya. Maya maya dumating na si Maam Mila yung adviser namin at nag lesson na kami.
---
Lunch time na namin. Nauna na si Chloie sa canteen kasi nag cr muna ako. Pagkalabas ko nabigla ako sa nakita ko. Yung boyfriend ni Chloie may kasamang babae! Hala!Tumakbo ako ng sobrang bilis para sabihin kay Chloie yung nakita ko.
ARAY!
"Aray ko shit!"
Hala may nabangga ako!
"Ay sorry sorryyy" tapos nag pe-peace sign ako.
"Sorry?! Tingnan mo to oh!"
Tiningnan ko yung tinuturo niya.
Hala nadumihan ko yung jacket niya! May dala siyang bbq tapos diba nabangga ko siya siguro dumikit yung bbq kaya namantsahan.
"Hala sorry talaga"
Kilala ko to eh. Si ano to eh. Basta kabarkada to ni Luke! Si ano. Si Nathan Hernandez!
"Labhan mo to!"
"Ayoko nga! Ikaw kasi paharang harang sa daanan!"
"Ako pa may kasalanan? Eh sino kaya yung tumatakbo ha?"
"Sorry na kasi"
"Kainis!" Sabi niya at nag walk out.
Bakla ba to? Hay bahala na kaylangan ko na sabihin kay Chloie yung nakita kooo!
Tumakbo ako papalapit kay Chloie.
"Chloieeee!"
"Ohhh?"
"Nakita ko si Tristan may kasamang ano!"
"H-huh?"
"Tara!"
Kinaladkad ko si Chloie papunta dun sa place kung saan ko nakita Tristan.
Nakita namin na may kasama si Tristan na babae. Tiningnan ko si Chloie. Parang maya maya may papatak nang luha sa mata ni Chloie.
"T-tristan?" Nauutal na sabi ni Chloie.
"Uy Chloie! Buti andito ka na."
"Anong buti andito na ako? Buti nakita ko na may kasama kang ibang babae? Ha?!"
"Ha? Buti andito ka na kasi ipapakilala kita s--"
"Sa bagong girlfriend mo?! Nakakainis ka Tristan sabi mo ako lang!"
"H-ha? Pinagsasasabi mo? Ipapakilala ko itong kinakapatid ko! 1st year high school palang siya!"
"A-ah. Ahehe. Nice to meet you kinakapatid ni Tristan. S-sorry ak-akala ko kasi ano, ano ka ni Tristan hehe." Bakas sa mukha ni Chloie yung kahihiyan.
Tumingin bigla saakin si Chloie. Oh no. Lagot.
"Ikaw kasi Abi! Ano ano pinapagsabi mong balita saakin!" Naiinis na sabi sakin ni Chloie.