Chapter 2

49 5 12
                                    


Picture ni Zyril sa taas

--------------------------------------------

Erick's POV

Shet! Ang sakit ng tuhod ko, natapos na rin ang dalawang oras ng pagluhod ko sa munggo.

Pero yung tuhod ko ang pula, syempre ikaw ba naman yung lumuhod sa munggo ng dalawang oras. Tsk

Mabuti na rin yun kesa naman magrounded ako ng isang linggo, edi mamimiss ng mga babae ang kagwapuhan ko*pogi sign*

Makatulog nga muna nakakapagod kaya lumuhod sa munggo kaya matutulog mo na ako.

After 4 hours....

Gabi na pala, grabe ganun katagal yung pagtulog ko?

Napagod talaga siguro ako sa pagluhod, lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Pupunta muna ako sa kusina nagugutom na kase ako, kawawa naman ako kapag nangayayat baka mamaya mabawasan ang kagwapuhan ko.

Nang nakarating na ako sa kusina kumuha na ako ng pagkain sa ref.

Habang kumakain ako maynagsalita sa likod ko

"Oh bakit ngayon ka lang kumain?" sabi ni mama sa akin

"Kagigising ko lang po kase Ma"

"Ano masakit pa ba yang tuhod mo?" natuwa naman ako nung narinig ko yun, ibig sabihin nag aalala pala sa akin si mama ^_^

"Oh anong ningingiti ngiti mo dyang bata ka?"

"Wala naman po ma"

"Siguro gusto mo pang lumuhod sa munggo noh?"

"Ayoko na ma, ang sakit kaya sa tuhod"

Kung napapansin niyo mabait naman talaga ako lalong lalo na sa mama ko, syempre kami na lang dalawa ang magkasama, iniwan kase kami ng papa ko kaya ayun, kaya naman napakahalaga sa akin ni mama.

Pagkatapos nun umakyat na ako sa kwarto ko at natulog, kailangan kong magising ng maaga kase may pasok pa ako.

---------------------------------------------

Kinabukasan....

Maaga ako nagising ngayon dahil nga may pasok kami

Naglalakad lang ako kase malapit lang sa amin ang Lifetime University

LAKAD.LAKAD.LAKAD

Habang naglalakad ako may nabunggo akong babae.

"Ay. Sorry di ko sinasadya nagmamadali kase ako eh"

"Sa susunod kase tumingin ka sa dinadaanan mo" inis kong sabi dun sa babae

"Sorry talaga di ko sinasadya, pasensya na"

Pagkasabi niya nun umalis na siya. Akala ko magagalit siya sa akin pagkatapos ko siyang sungitan

Ang nakakapagtataka lang bakit hindi niya ako kilala, kase naman halos lahat ng estudyante dito kilala ako.

Siguro bago lang yun dito.

---------------------------------------------

Zyril's POV

Hayy. Nakakapagod yung first day ng klase, mabuti na lang at hindi pa kami nagpakilala

Hindi kase ako sanay na magsalita sa harap ng mga tao nahihiya kase ako eh, lalo na't bagong transfer pa lang ako sa Lifetime University

Wala pa nga akong naging kaibigan doon sa Lifetime University.

Kahit naman dun sa dati kong school wala din naman akong naging kaibigan eh, mabait naman ako.. Bakit kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin, nakakatakot ba ako? Hindi naman diba.

Magpapakilala muna ako, Ako nga pala si Zyril Rose Garcia 16 years old 4th year high school sa Lifetime University ako ay simpleng babae lamang, ayoko kase na masyadong nagpapaganda hindi naman beauty contest yung pinasukan ko kundi school.

-------------------------------------------

Sa School...

Naglalakad lang ako kase malapit lang naman ang school namin sa bahay namin, mas gusto ko rin maglakad para naman ma excercise ako maganda kaya sa kalusugan ang maglakad.

Nung nasa tapat na ako ng gate, pinakita ko na yung I.D. ko bawal kaseng pumasok yung mga outsider dito eh. Syempre para na rin masiguro yung kaligtasan ng mga estudyante dito sa loob ng school.

Nilibot ko muna yung school para naman hindi ako maligaw dito, malaki kase itong school na to ehh.

Habang naglalakad ako.. Nahagip ng mata ko yung music room yata yun, pumunta ako at pumasok sa loob.

O_O Wow. Ang ganda ng music room. May Piano, Gitara, Drums, Xylophone at iba pa.

Lumapit ako sa piano at tumugtog ng Secret Love Song, habang kumakanta.

🎶When you hold me in the street🎶

🎶And you kiss me on the dance floor🎶

🎶I wish that it could be like that🎶

🎶Why can't it be like that?🎶

🎶'Cause I'm yours🎶

🎶We keep behind closed doors🎶

🎶Every time I see you, I die a little more🎶

🎶Stolen moments that we steal as the curtain falls🎶

🎶It'll never be enough🎶

🎶It's obvious you're meant for me🎶

🎶Every piece of you, it just fits perfectly🎶

🎶Every second, every thought, I'm in so deep🎶

🎶But I'll never show it on my face🎶

Natigilan ako sa pagkanta nung naalala ko na malapit na palang magsimula ang klase.

Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng maiinom.

"Isa nga pong ice tea" sabi ko dun sa tindera

"Ito oh" inabot na sa akin nung tindera yung iced tea

"Magkano po?" tanong ko

"15 pesos"

Kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung wallet ko ngunit wala akong makapa..

Whaa.. Baka naiwan ko sa bahay, pano na toh, ibabalik ko ba?

"Uhh. Miss pwede po bang ibalik ko muna ito naiwan ko kase yung wallet ko sa bahay eh" pagkasabe ko nun ibinigay ko ulit yung iced tea sa babae at tumakbo na palabas

Nagtataka nga ako kung paano ako nakalabas eh diba may guwardiyang nag babantay sa labas.

Hayy.. Hayaan ko na nga lang muna yun, kailangan ko ng makarating agad sa bahay at makuha ang wallet ko bago magsimula ang klase.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nabunggo akong lalaki.

"Ay. Sorry di ko sinasadya nagmamadali kase ako eh" sabi ko dun sa lalake,

"Sa susunod kase tumingin ka sa dinadaanan mo" hala. Nagalit siya, anong gagawin ko nakakatakot pa naman itsura niya

"Sorry talaga di ko sinasadya, pasensya na" sabi ko ulit sa lalake at mabilis na umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A PLAYBOY WHO'S INLOVE WITH A SIMPLE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon