Unfinished Business
Sa mundo, may mga bagay tayong nasisimulan sapagkat hindi natin natatapos.
Mga bagay na kahit alam nating hindi maganda ang kalalabasan, sinusubukan pa rin nating umpisahan.
Kagaya na lamang nang isang pagmamahal na isinugal at inalay ang kanyang pag-ibig ngunit hindi sinuklian ng kakarampot na atensyon.
------------------------------
Magka-klase kami. Ou. Araw-araw ko syang makikita. Ang saya, dba? Kaibigan pa lamang ang turing ko sa kanya. Hanggang isang araw, naimulat ko na lamang ang aking mga mata na may pagtingin ako sa kanya. Hindi ko lubos maisip na magiging ganito ako.
Inibig ko siya ng hindi niya alam. Minsan tinutukso kami. Kapag nangyayari yun, tinatawanan lang niya, pero sa akin, malaking bagay na yun.
Habang tumatagal, lumalalim ang aking nararamdaman sa kanya. Alam kong mali dahil wala namang patutunguhan itong aking nararamdaman.
Inibig ko siya bilang siya. Ng walang halong pagdududa. Ng walang rason. Samantalang siya, isang hamak na kaklase at kaibigan lang ang turing niya sa akin.
Isa lang naman ang solusyon ng mga babae kapag nasasaktan. Ang umiyak hanggang mawala ang sakit. Ang sakit. Na hanggang kaibigan ka lang. Na wala lang sa kanya ang mga bagay na ipinakita mo sa kanya. Ang tanga. Dahil inibig ko siya na kahit alam kong sa simula pa lang, wala ng pag-asa.
Sakit. Durog nanaman ang puso ko.
Tinanong ko siya kung halimbawang magkagusto ako sa kanya. Ang sabi niya, wag ko dawng iisipin ang mga ganung bagay sapagkat imposible yung mangyari.
Nakakatawa.
Inibig ko siya, sinaktan niya ako. Pinaluha.
Gusto ko siyang kalimutan ngunit paano.
Kahit hindi ako sumugal, at kahit wala akong balak sumugal, alam kong talo ako.
Hindi man magandang katapusan ang nangyari sa amin, tatanggapin ko pa rin ang bawat pangyayaring naganap sa akin.
Naumpisahan ko mang ibigin siya, sa huli handa akong bitawan siya.
Kahit masakit, tatanggapin ko ang aking pagkatalo.
Laro nga ang pag-ibig. Minsan nananalo, minsan natatalo.