My World

17 0 0
                                    

Ako si Steven Cortez, Kasalukuyang College Student sa Hampton University. Pinapahalagahan ko ang bawat nangyayari sa buhay ko. 

Lalo na ng makilala ko ang Babaeng nagsilbing Hangin ko sa Mundong ito at siya ring naging dahilan kung bakit Masayang-Masaya ako.

"..Steveee!" , Kilala ko na agad ang boses na iyon. At siya nga ang Hangin ko.

Naramdaman kong pumasok na siya sa Library kung saan kami laging nagpapalipas ng Oras at tumabi siya sa Gilid ko.

"..Hi Steve, na-miss mo ko'?" , habang nakangiti siyang nakatingin sakin.

"..Aika, buti dumating kana, muntik na ako mamatay dito," , pagbibiro ko naman sa kanya.

"..Ha? Bakit naman?"

"..Eh diba ikaw yung Hangin ko? , Pag wala ka sa tabi ko hindi ko kayang mabuhay,"

"..Sus, ang korny mo naman Steve eh," , sabay hampas niya ng mahina sa likuran ko.

Palaging ganito ang sitwasyon namin. Lagi kaming nagkikita dito sa Library pagkatapos ng First Subject. Maglolokohan, asaran at Minsan nagkukulitan rin.

Wala namang kontra samin, kaya lang mas gusto lang talaga naming magsama sa tahimik na lugar. At dito yun sa Library ng School. 

Parehas kaming 4th Year College. Three years na rin ang tinagal ng relasyon namin kaya pagtapos ng Graduation, may binabalak kagad kami..

At yun yung maging legal na kami sa parents nya at parents ko ^_^v

"..Sabay tayo ulit mamaya umuwi ha?" , sabi naman niya.

"..Syempre, hindi kita pwedeng hayaang umuwi mag-isa noh! Delikado na,", agad naman niya akong niyakap.

"..Napaka-protective mo talaga sakin, kaya mahal kita eh," , namula naman ako sa sinabi nya.

"..Mas Mahal naman kita, kaya walang mang-iiwan ha?"

Alam kong marami ng Nasirang pangakuan ang 'Walang Iwanan' pero saming dalawa, talagang pinapatunayan naming kaya namin.

--

Makalipas ng ilang Minuto, sinundo ko na siya sa Room nila na malapit lang naman sa Room namin. 

Dinala ko yung Bag niya at Hinawakan ang kamay niya at sabay kaming Lumabas ng School.

Nagkukwentuhan lang kami ng biglang may dumaan na Kotseng kulay itim. Matagal-tagal ko na rin nakikita yung kotse na yun, at ang may-ari nun ay yung Anak ng may-ari ng School na si Ithan. 

Lagi lang naman niyang pinapakita yung kotse niya at pinagyayabang, may times na nga ring nahuhuli ko siyang nakatingin kay Aika tuwing labasan na. Pero hindi ko naman pinag-iisipan ng masama yun.

"..Steve, kailan kaya tayo magkaka-kotse?" , tanong ni Aika.

"..bakit?"

"..Wala. Tanong lang,"

"..Di naman na natin kailangan ng kotse eh," , sabay hinila ko siya at sumakay kami ng Jeep. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha niya. Eh wala naman akong magagawa dahil yun lang kaya ng pera ko.

Mga ilang araw na rin ang Lumipas at puro ganun parin ang nangyayari. 

Dadaan na naman yung kotse ni Ithan at magkakatinginan sila ni Aika. 

Wala naman siguro yun. Pero, paulit-ulit ding nagtatanong si Aika kung kelan ba daw ako makakabili ng kotse pero paulit-ulit din ang sagot ko sa kanya na Hindi Ko kaya kasi wala naman akong perang ganun kalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't Breathe (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon