magkikita tayo muli...

510 4 2
                                    

Hello sayo mahal ko, mahal ba talaga kita? yan ang palagi mong tinatanong sa akin di ba kung mahal talaga kita? ang sagot ko oo sobra kitang mahal kasi ikaw ang buhay ko. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito kahit maraming na ang nangyari sa buhay ko. Baka sakaling makalimutan ko ang pagmamahal ko sayo pero bakit ganon ikaw at ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko. Hindi ko alam ang rason kung bakit mo ako binitawan at bakit kita nasaktan kahit alam mong kumakapit pa ako di ba. Alam mo ba  hanggang ngayon kumakapit pa rin ako kahit alam kung di na pwede. Yung mga masasaya at malulungkot na mga memories lang ang pinanghahawakan ko kahit dun man lang maramdaman ko na mahal na mahal mo pa rin ako kahit alam kong may iba na nagpapasaya sayo na dati ay gawain ko.

Namimiss ko yung mga tawa mo habang binabanatan kita ng mga jokes ko yun talaga ang paborito ko, yung ka-weirduhan mo na sobrang cute, yung mga luto mo na lagi mo akong dinadalhan para sabay tayong kumain kasi alam mo talaga na hindi ako kumakain sa tamang oras kaya minsan pinapagalitan mo ako sa mga bad habits ko, yung pagiging clingy mo kapag may gusto kang puntahan natin, yung kagustuhan mo sa pag-aalaga ng mga aso at magtanim ng kahit anong halaman sa bakuran mo tuloy parang motto mo sa buhay ay 'save the earth' kaya inaasar kita na pwede ka nang ipalit kay mother nature, namimiss ko din yung lagi mo akong pinipilit na mag-jogging kahit alam mo na ayaw ko talaga kasi di naman talaga ako nag-jajogging pero yung time na nagtampo ka para lang makonkensya ako para mag-jogging nasabi ko sa sarili ko na gagawin ko to di dahil nagtatampo na ang baby ko kundi gusto ko na siyang maging masayahan kasi alam ko na gusto mo na maging healthy ako kaya ginawa kong mag-jogging kasama ka kasi nga mahalaga ka sa akin gusto kitang masaya parati, namimiss ko yung after work pupunta tayong child haus kasi gusto mong makita at makipaglaro sa mga bata doon ko nasabi sa sarili ko na masayang-masaya ako kasi napakabait at napakamaalaga ng girlfriend ko na siguro ko magkaroon na tayo ng sarili nating pamilya ay nasisiguro ko na sobra mo silang maaalagaan kasi sa mga bata pa lang sa child haus inaalagaan mo na sila. Namimiss ko yung ka-weirduhan mo pero in a good way naman na sobrang bagay sa iyo at yun ang minahal naming lahat yung mga jokes mo minsan na ikaw lang ang nakakaintindi, yung pang-aasar mo sa akin na 'kabayo' di pa rin ako maaasar kasi nga di ba mahal kita alam ko kasing naglalambing ka lang sanay ka kasing binaback hug kita, inaaakbayan kita at hinahalikan sa pisnge.

Naalala ko din yung mga araw na pinagdiriwang natin ang monthsary at anniversary natin lalo na yung 11th monthsary natin kasi ikaw yung nageffort kaya nga nahiya ako na maging puchu-puchu ang sorpresa ko sayo noong 1st anniversary natin so pinaghandaan ko ng maigi yung tipong di mo makakalimutan kapag kinasal na tayo pero parang ngayon ako nalang ang nakakaalala kasi alam kong galit ka sa akin. Naalala ko din yung panahon na nagtampo ako sayo kasi di ka sumipot sa isang mahalagang event para sa akin pero di ko pala alam gusto mo lang akong isurprise kasi mayroon kang hinanda para lang sa ating dalawa, ang sweet mo talaga mahal! di yata talaga ako bagay sayo. Yung niyayakap mo ako kapag alam mong problemado ako tapos gusto mong gawin yung mga bagay na di mo naman talaga ugali na gawin yon pero para sa akin, para lang maging masaya ako handa mo itong gawin.Naalala ko tuloy yung mga panahon na nag-aaway tayo di talaga pwedeng matapos ang araw na hindi tayo magkakabati.

Sorry mahal, kung nang dahil sa akin nakita ko ang mga luhang ayaw na ayaw kong makita na tumutulo sa mga mala-anghel mong mata at maganda mong mukha. Nang dahil sa akin may nawala na sana ikakabago ng buhay nating dalawa, nang dahil kung bakit ka nagpasyang magpakalayo at iwanan ang lahat para lang di mo ako makita pero alam mo pinagsisihan ko na yung ginawa ko sayo ewan ko kung anong katangahan ang pumasok sa utak ko para gawin yon. Naalala ko kung gaano ka nagmakaawa para lang di kita iwan pero ako tong si gago na iniwan ka pa rin.Kasi naisip ko kung di ko gagawin yon baka ikaw lang din mahirap at yun ang ayoko na mahirapan ka nang dahil sa akin. Kung alam mo lang talaga kung ano ang dahilan ko para layuan ka di naman kasi di kita mahal kasi naman mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko ikaw ang bumuo sa pagkatao ko na dati di ko talaga kilala ang sarili ko pero noong inaamin ko sayo kung ano talaga ako di ka nagdalawang-isip na tanggapin pa rin ako kahit anong mangyari sabi mo pa nga 'non "Kahit ano ka pa mahal kita at mamahalin kita ano man ang mangyari di magbabago 'yon" kinilig ako nang sambitin mo yan kasi damang-dama ko talaga na tanggap mo ako at mahal mo ako.

Mahal, noong binalita nila sa akin kung anong nangyari sayo di ko na alam ang gagawin ko. Gusto man kitang puntahan yung tipong wala akong pake kung mapano man ako pero marami silang pumipigil kasi makakasama daw ito para sa akin sabi ko sa kanila kailangan kitang makita, kailangan kong makita ang pinakamamahal kong babae pero pinigilan pa rin nila ako. Bago pa mangyari sayo yun may taong inassign ako na bantayan ka habang wala ako para siguraduhin na maayos ka lagi. Ilang araw lagi kitang iniisip kung okay lang at kung anong na ang nangyayari sayo pero noong narinig ko na ang balitang kinatatakutan ko di ko mapigilan na sisihin ang sarili ko kasi di naman mangyayari sayo yun kung di dahil sa akin pero mahal kung nasan ka man ngayon sana pagdating ng araw magkasama ulit tayo kasi dun sisiguraduhin ko na hindi na kita iiwanan pa at yung pinaniniwalaan mo na forever tayo dun papatunayan na natin yon at wala nang makakapigil pa sa atin magiging masaya na tayo palagi.

Mahal konting tiis malapit na ako, di na rin kaya ng katawan ko alam ko pag nagkita tayo babatukan mo ako kasi di ko inalagaan sarili ko pero alam mo tatanggapin ko lahat ng pambabatok mo kasi ganon kita kamahal. Hintayin mo ako mahal magkakasama na tayo dyan magkikita tayo muli at pinapangako kong di na tayo magkakahiwalay pa. Ipagpapatuloy natin ang lovestory natin sa heaven.





Mahal na mahal kita
Ana Karylle.


---
Hello (from the other side.. charot!)

Sana po magustuhan nyo :---)) Thanks love yah! mwah!

twitter; BANBANXXMAHID

Para sa iyo, AKING MAHALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon