Tulang Pumapag-ibig

381 2 2
                                    

Tulang Pumapag ibig.
Masarap magmahal, lalo na kung mahal ka ng mahal mo?
Eto yung mga pagkakataong hindi mo maintindihan yung sarili mo.
Yung sa sobrang sayang dulot nya sayo halos magtatatalon ka na
Simple lang, nagkakaintindihan kayo dahil alam mong alam nyang mahal ka nya
Na sa tipong magkakausap kakaibang nararamdaman ang nararamandaman mo sakanya
Yung pakiramdam na halos lahat nasayo na dahil nasayo na sya.
Nakakatuwang isipin na sa bawat pagkakataon e napapasaya mo sya.
Oo, responsibilidad mo talaga yan? Ang alin? Na mapasaya mo sya
Maswerte ako, ikaw, sya dahil nakahanap tayo ng taong magmamahal satin
Taong magpapaintindi na tayo at tayo lang, mga panahong walang wala ka pero nanjan sila
Na minsan may sakit at kirot na nararamdaman na hindi mo maamin.
Pero di sapat yon, dahil hindi kayo, tayo tatablan ng ganung dahilan sa pansamantala
Sa lahat ng bagay na meron tayo, sila ang kasama natin, hindi man sa buong buhay mo pero sa iba
Karamay, kausap, kadamayan sa mga panahong lugmo ako mga oanahong malungkot na sya lang ang nagpapasaya at wala ng iba
Pero minsan napapaisip ako, bakit ang daming di makuntento? Nasakanila na ang lahat
Halos lahat ibigay na ng mahal nila pero nagagawa pang humanap ng iba
Tandaan mo, minahal ka nya dahil sa dinami dami ng lalaking nagmamahal sakanya ikaw at ikaw ang minahal wala ng iba.
Etong tulang to hindi lang para sakin, para sa mga nagmamahal na bakit kailangan ganun?
Binigay nila lahat ng tiwala, pagmamahal at dapat suklian ng mas angat kaya please? Wag ganun
Eto na ang pinakahihintay kong parte ng aking tula. Na kung saan maipagmamalaki ko na akoy sayo
Nanjan ang hirap at saya, iyak at tawa, sakit at ginahawa pero lahat yon nalalagpasan dahil sayo

Dahil sayo eto ako, masiyahin at nagiging mas masaya kasi ramdam ko na ako lang
Hindi man ako yung lalaking pangarap mo ng iba, pero ako yung lalaking maaasahan mo na ikaw at ikaw lang.
Umasa ka, kasi yun lang muna ang mabibigay ko sa ngayon, isang pagmamahal na puno ng sayat galak
Kasama sa lungkot at saya sigla at halak na sa bawat galak na bawat patak sa bawat galak
Di ako perpektong nagmamahal, aminado ako pero lahat ginagawa ko mapasaya ka lang.
Tandaan mo na nandito lang ako, lagi kang tanaw, uhaw sa pagmamahal mo mahal
Isa kang prinsesa na dapat bigyan ng malagintong pagmamahal na nararapat lamang sayo
Isang pagmamahal na alay ko na maaring baunin mo sa lahat ng pangarap mo
Isang karangalan na mapaibig at ibigin mo. Maswerte ako, dahil maganda ka? Sexy? Dahil mahalaga ka
At ngayon sinulat ko tong tulang to para sayo, sana nagustuhan mo ang munting alay ko para sayo.

Tulang Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon