Sombrero ng Pag-ibig (one shot)

122 4 2
                                    

 i dedicate this to my Chingu here in wattpad... hello...

 ********

 “Ira, bakit ba hindi mo mabitaw bitawan yang sombrero na yan? Di ba napulot mo lang naman yan?”

“Oo. Unang kita ko pa lang kasi nito sa daan, pakiramdam ko para sa akin talaga nakalaan ang sombrerong to, match na match kasi ng tipo kong sombrero eh. Tska alam mo ba Charm? ibang iba talaga ang disenyo nito mukhang pinasadya”

“hala, alam mo ba sa mga napapanood ko? Kapag nakakita o nakapulot ka ng isang bagay dahil sobrang attractive ka sa bagay na yun ibig sabihin may sumpa. Kaya nga ayokong nagpupulot ng mga nakikita ko kahit maayos pa eh kasi alam mo na, baka susunod na ako sa mga isusumpa”

“Hay naku naman Charm, kung anu-ano yang mga pinag-iisip mo. Mga palabas lang yun noh at hindi nag-eexist ang mga sumpa sumpa na yan in reality”

“palibhasa kasi to di naniniwala sa mga engkanto at kung ano pang lamang lupa eh. Sige pag ikaw talaga sinumpa ‘wag kang tatakbo sakin huh?”

“oo naman. Dahil hinding hindi mangyayari yun”

“AAAAYYYY!!!!”

“hoy makatili naman to!”

“Ira si Crush mo ay este si Mahal mo dumaan!”

“Ha? Saan? Saan?”

“ayun oh… aish nakaalis na. naman Ira oh ang bulag mo lagi! Di ba kapag may crush mala telescope ang mata? Eh bakit sayo hindi?”

“okay tama na… nagkataon lang talagang ikaw ang nakakakita sa kanya”

“whatever tara na nga bulag maggagabi na oh”

“oy ang sama nito, di kaya kita pinapangalanan ng kung ano”

“aish totoo naman kasi, crush mo di mo makita!”

“naman Charm big deal sayo ganun?”

“hindi naman nagpapaka oa lang ako. To, mga reaction mo eh”

“tara na lang uwi na tayo dami mong daldal”

“kay”

Naglalakad na kami ni Charm sa sakayan ng Jip, sa totoo nyan sayang na sayang talaga ako at hindi ko nakita ang Crush ko este ang mahal ko pala. Ewan ko ba? Simula kasi ng aminin ko sa sarili ko na mahal ko si Eric hindi ko na sya madalas makita.

Hindi naman kami close ni Eric at mas lalong hindi ko sya kaibigan, nakikita ko lang sya kapag recess time. Noong unang kita ko palang sa kanya iba na agad ang naramdaman ko. Yung tipong kinakabahan ka kapag nakikita mo sya o kaya malapit sya sayo, eh kung tutuusin wala naman syang ginagawa. Simula nun kahit minsan may dala akong baon tuwing recess bibili at bibili pa rin ako. Minsan nga pinipilit ko pa si Charm na bumili kami kahit hindi dapat at ayun hanggang sa mabisto ako ng bestfriend ko.  

Tinutulungan niya akong mag-abang kay Eric, si Charm rin ang dahilan kung pano namin nalaman ang pangalan niya, kung todo flames at true love pa ang ginagawa namin para masabing bagay kami talaga, ayos lang naman ang score pero masasabi kong hindi kami para sa isat isa. Subukan niyong i-Flames at i-true love malalaman niyo.

IRA ASUNCION

        ♥

ERIC DE VERA

Sombrero ng Pag-ibig (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon