Chapter 2

253 5 2
                                    

Chapter 2

"Siya ba yan?"

"Oo ata. Siya yun! Siya nga! Grabe ang kapal niya!"

Nag lalakad na ako papasok ng school inaantok pa ako kaya habang nag lalakad humihikab pa ako. Para tuloy akong ewan na nag lalakad.

Nahahalata ko na mga estudyante sa paligid ko nag uusap ng pabulong at tinuturo-turo ako. Bigla din akong na curious kung bakit nila ako pinag uusapan. Ah, baka naman inintroduce na lahat ng transfer student dito sa school kaya nakikilala na nila ako.

Pero hindi eh parang may naririnig akong ibang comments na masama tungkol sa akin. Ba't parang may mali?

"Mariz.. Mariz..." Ako ba yon? Pangalan ko ba yon? Hinanap ko yung boses na tumatawag sakin.

Ah si Ruthlyn pala.

"Good Morning Ruth. Haay Inaantok pa ako."

"Halika!" hinatak niya ako papasok ng room. Sakto wala pa yung teacher namin sa first period pwede pa akong umidlip. : )

Nilagay ko na yung bag ko sa upuuan at sinandal ko yung ulo ko sa mesa.

"Oyy" kinalabit ako ni Ruthlyn.

"Anong nangyari sayo kahapon. Pinag-uusapan ka ng lahat. Totoo ba?" Mamaya inaantok ako.

Kinalabit niya ulit ako sa braso.. "Oyy.. Totoo ba?"

Tinaas ko yung ulo ko at tinitigan ko siya habang naka pikit yung isa kong mata. "Ang alin? Oo naririnig ko din sila, baka kasi alam na nila na transfer student ako. Hayaan mo sila." Yumuko ulit ako.

Natahimik si Ruthlyn sandali, "Hindi ganoon. Yung sinasabi nila pinatiran mo daw si Jem kahapon at natumba siya sa sahig. Lahat sila nag sasabi na ang sama-sama mo at wala kang karapatan na gawin kay Jem yun."

Nagulat ako. At umayos sa pagkaka-upo. "Ah my pangalan pala yung mukong na yun?" Nagulat si Ruthlyn sa sinabi ko.

Kinwento ko sa kanya ang nangyari at bilib na bilib siya sakin. Hindi daw siya makapaniwala na nagawa ko yun sa kanya.

Ok, ngayon alam ko na na heartthrob pala tingin sa kanya ng school. Wala akong paki-alam siya naman nag simula hindi ako. Wala akong problema sa buhay siya meron.

Wala siyang respeto sa babae at never pa ako naka experience ng ganong ugali. Tsaka, if nag sorry siya ok na sana lahat.

"Mariz, diba?" sabi sakin ng mistisong lalaking parang son goku yung style ng buhok.

"Yap. Bakit?" confuse kung sagot.

Natawa siya. "Narinig kong pinatid mo daw si Jem kahapon..Tsk sayang naman hindi ko nakita." Naalala ko na. Isa ata siya sa kaibigan na sinasabi nilang si Jem.

Inakbayan siya ng lalaking kasing tangkad din niya. Ang gwapo niya maputi at mas cool yung hair style niya compare sa isa.  "Pare chicks na naman?"

"Chicks ka dyan kaklase natin to si Mariz." Napatingin yung gwapo sa nag salita.

"Ah, yung ng away kay Jem. Nako Mariz, sikat ka na sa campus. Kwentuhan mo naman kami." excited silang umupo sa tabi ko.

Saktong nag Ring yung Bell tapos na yung recess.

"Save by the bell.." tumayo na ako at lumabas sa canteen.

Tumakbo yung sinasabi kong parang son goku yung style ng buhok sa tabi ko.

"Ako pala si Paul." Napa smile siya sakin, yung super cheerful smile halos di na kita mata niya.

Seryoso naman yung tuno ng sinasabi ko kaninang gwapo.  Simpleng "Charles" lang. Nasatabi ko na din siya ngayon.

Fated to Love you (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon