******
Chapter 3
Nahihiya narin ako na tingnan siya,ewan talaga.Natutunaw ako sa mga tingin niya at tawa niya.Hindi naman ako ganito dati sakanya,normal lang naman iyong heartbeat ko,pero bakit bigla nalang ba lumalakas na parang drum na di man lang ako makahinga masyado pag nakikita ko siya.hayy crush nga naman oh..
Palagi ko rin nakakasama ang mga kaibigan ko,napapakwento sa kanila about sa pagka-crush ko kay Krick pero saamin-amin lang iyon,secret kasi.Kaya ayaw kong mabulgar.
This time may lecture at may pinapagawa si Maam sa Filipino.
Naggugupit ako ng papel para,mahati sa 1 half-length twice.
"Mars,pwede hihiram daw si Krick ng gunting pagkatapos mo." Sabi ni Tin na nasa harapan..at doon naman sa harapan si Krick na nakatingin saakin.Ayan na naman.Kilig na naman ako.
"okay ba.." parang natense ako,pagkatapos binigay ko na kay Tin sa harapan at pinasa na naman kay Krick na nasa harap niya rin na upuan.
Grabe na to ha?
*******
Para akong binagsakan ng langit ng masamang balita.
"oy Krick nililigawan mo ba si Lex?ganda niya no?" nag-uusap kasi sila ng mga classmate ko na barkada niya.Ito yun eh,para bang kailangan ko ng maraming oxygen.di ako makahinga sa nalaman eh.
Napapangisi sya sa asar ng mga kaibigan niya.Sampal to saakin.
"di ah.." sabi niya habang nakangiti.Masaya siya..nakita ko ang saya sa mga mata niya.
Malungkot akong umuwi sa bahay,di narin ako sumabay sa kila Mariz,Mech,at Sha kanina .Nawawalan kasi ako ng gana eh sa mga nalaman ko tungkol sa kanila ni Lex.Nagti-text silang dalawa. Napayuko ako na gusto kong maiyak?hinawakan ko rin ang dibdib ko na malakas ang tibok sa sakit.
Sa mga araw na nagdaan,rumors parin ito sa mga classmates ko,yung iba walang pakialam.Pati ata sa first section nalaman din.Doon kasi section ni Lex,kami kasi second section.
"don't worry Mars.." mga kaibigan ko,habang ako nagkukwento sa kalungkutan ko.
"wala no..okay lang ako.mga abnormal."
"weeh,di nga??!" sabay sila ha?grabe..okay lang naman eh,ganito lang siguro.
"oo kaya!okay lang ako." Umalis na kami sa canteen nun dahil malapit naman din yung time.Kailangan na namin pumunta sa classroom at baka pagalitan pa kami ng strict naming teacher.lagot kami pag ganun.
********
YOU ARE READING
Ang Love Story ni Author (COMPLETED)
HumorAng Love Story ni Author-(Short Story) Nagmamahal Author. #Watty2017