Sa Pagitan Ka Natagpuan

20K 48 6
                                    

Parati ko naririnig ang dalawa sa uri nang pag ibig.
Ang tamang pag ibig ngunit maling panahon at tamang panahon ngunit maling pag ibig. Hindi ko alam kung alin tayo jn sa dalawa. Kung tama pa ba ang tayu o mali na. Nasaan ka na ba. Di na ba tayu makakatagpo. Dahil kung ito'y tago taguan hindi ko alam kung sino saten ang taya at kung sino saten nawawala. Napakaliwanag nang buwan ngunit hanggang ngayon di parin tayu magkakitaan di ko alam kung sino saten ang nagtatago dahil matagal nang tapos ang isa hanggang sampu at matagal na rn ako lumabas sa akin pinagtataguan at ngayon patuloy naglalakad sa kawalan na dati ay kalawakan. Kalawakan na sabay natin pinagmamasdan sa ilalim na nagniningning nang mga bituin kasama mga alitaptap na sumusulyap sa pag ibig natin. Ngunit sino nga ba ang nagtatago at sino nga ba naghahanap.
Malalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon wala ka parin sa aking tabi kaya't sabi ko di na ako pweding mag laro. Hahanapin kita at ako'y tumayo. Wala akong pakealam kung ang may madapa at kung ako'y may mataya.

Isinantabi ko ang takot sa dilim o anong nasa likod nang dilim. Mahanap ka lng makita ka lng dahil kailangan kita bawiin sa tadhana hindi ko alam kung paano bahala na basta hahanapin kita kahit nasaan ka pa. Hahanapin kita, hahanapin kita........ at nakita na nga kita nakita na kita. Natagpuan kita sa pagitan nang gabi at umaga hindi alam kung magpapatuloy pa kung nanakawin pa ba ang mga tala para sa akin dhil ang sabi mo kahinaan ko ang mga bituin. Natagpuan kita sa pagitan nang laban at paalam.
Nakikipagdigma sa tadhana dahil ang sabi mo un ang tama.
Natagpuan kita sa pagitan nang ngayon at bukas.
Masaya ngunit lumuluha.
Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko
Kung ang ngiti mo ba o ang luha mo.
Natagpuan kita sa pagitan nang mahal kita at minahal kita
Ngunit nag durugo ka na.
Patawad, patawad dhil kung minsan nauuna pa ang bibig kung pumutak kaysa magisip nang kulubot kung utak. Patawad kse kung minsan nauuna pa ang pagmulat nang aking mata kaysa sa pagtibok kung puso kung hinahapo na. Patawad dahil kung minsan binabalewala ko ang tenga mong di napapagod sa pakikinig sa bawat pantig nang niluluwa nang aking bibig khit kadalasan wala namn talagang kwenta ang mga binibitawan kung salita. Patawag kung isa ako sa naging dahilan nang pagsikip nang iyong mundo kung ang dating payak ay naging komplikado. Patawad, patawad kung isa ako sa naging dahilan at kung isa ako sa nagbaon nang takot dyan sa loob mo na unti unting lumaki at ngayon ay iyong na inaani at patawad kung mas pinili ko magbago para lang hanapin ko dhil inaalam ko na mas dapat mong hanapin ay ang sarili mo. Naging makasarili ako. Kaya heto nagkasalisi tayu sabay tayung nag hanap ngunit sabay rn tayung nagtago. Nakakapagod rn pala ang laro. Nung akala ko kasing simple lang ito nang pagbilang mo lang nang isa hanggang sampu ngunit hindi.

Hindi pala kaya patawad dhil hindi na kita kayang makita na nag durugo pa sa pagitan nang gabi at umaga sa laban at paalam sa ngayon at bukas at nang mahal kita at minahal kita. Di na kaya kitang makita na nasasaktan pa.

Kaya Mahal. Malaya ka na💔

HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon