Save Me

16 2 1
                                    

Save Me

Jacob Elizande (Suga Free) Side Story

Lengthy One Shot

Caution:

Unedited :))

May induce suicidal thoughts.

  ✘ ✘✘

 "Will you. . ." I met his eyes and saw glimpse of seriousness in it. Shit, seryoso nga siya! My mind was at total mess right now, lalo na nang lumuhod siya sa harap ko at ng mga taong nakapalibot sa'min. I flinched as he touched my shaking hands na ngayon ko lang narealize na nanginginig na pala.

"Marry me?" May inilabas siyang maliit na kahon kaya mas lalong nawala sa tamang sistema ang isip ko. Totoo ba talaga 'to? O nananaginip lang ako?

Luminga linga ako sa paligid at baka jino-joke time lang ako ng isang 'to. Ine expect ko kasi na pina-prank lang ako nito. Na puros kalokohan lang 'tong proposal chenes na hinanda niya para asarin nanaman niya 'ko. Na pinapaasa nanamaan ako ng mokong na 'to.

Kasi sa ganun naman siya magaling, eh. Sa pagpapa-asa. At sa paghithit ng weeds.

Pero ba't si lola pati yung parents niya 'yung nakikita kong umiiyak na may dalang camera?!?!

"Vic, sa'kin ka lang tumingin." He demanded kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. And it caught me speechless as he opened the box and saw a Sapphire topped-ring with our names engraved on it. I met his eyes in wonder kung ano ba talagang nangyayari. But then my heart just skipped a beat when he showed me his smile.

His sincere, genuine, healing smile that made me fall into him.

"We've been through many fights. . .and it was all planned. It is because I love the way you scolded at me, yung tipong luluwa na mata mo tapos lalabas na lalamunan mo—Tulad ng itsura mo ngayon hehe. Kidding aside, I know you've waited many years for this day. . . And I also waited for this day. . ."

Nagulat ako nang may hilain siyang bagay sa daliri ko. Bakit meron akong cheap na plastic ring sa daliri ko? 

"Bakit?" tanong niya na may halong pag aalala, "Did something bothered you?"

Maliban sa straight english at sa weird na singsing na kanina pa pala nakasuot sa'kin, "W-Wala naman. . ."

Nginitian niya ako sabay suot kagad sakin nung singsing kaya 'di na ko nakatutol. Aba loko 'to, hindi pa 'ko nagye-yes, inunahan na ka'gad ako?

He cleared his throat that made me lock gazes with him again, "I waited for this day that I can remove this promise ring and finally replace it with this real one. So, Vic. . ."

"Will you marry me?" The crowd cheered for a yes kahit hindi naman nila kailangan. Kasi, 'yun din naman ang isasagot ko. "It's a YES."

"Will you marry me?" tanong niya ulit. I answered yes pero mukang 'di niya ko naririnig. "Vic ngalay na 'ko ano ba"

"Jacob, yes nga kasi!"

"Vic ba't ayaw mong sumagot? Ayaw mo ba 'kong pakasalan?"

"Jacob yes nga kasi! I do nga!" Medyo naiirita na 'ko, ah. Isang tanong pa niya at masisigawan ko na talaga siy—

"Will you marry m—"

"I DO NGA JACOB I DO!" Buong lakas kong sigaw at napansin ko na lang na nakatingin na yung buong klase sa'kin. Tapos na pala recess namin? Jusque, anong kahihiyan nanaman ba nagawa ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Save Me 『Jung.hs』Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon