Chapter 1

22 0 0
                                    

Nagising si Aubrey sa tunog ng kanyang alarm clock. Naligo at nagbihis na siya upang pumasok sa school. Transferee lang siya kaya hindi niya alam kung nasaan ang room niya. Dumiretso siya sa Principal's office para kunin ang section niya. Habang naglalakad siya, may nakabangga siyang lalaki. Hindi lang basta lalaki kundi isang GWAPONG LALAKI.

"Hey miss, watch out! Di ka kasi tumitingin sa daan eh!" sabi nung lalaki. Gwapo nga, antipatiko naman!

"Oops. I'm sorry. Di kasi kita napansin eh." si Aubrey

"Tatanga-tanga ka kasi eh!" sabi nung lalaki

"Nag-sorry na nga diba? Sino ka ba para mamahiya ng students dito? Ha?! Ang yabang mo ah!" ang galit na galit na sinabi ni Aubrey. Bakit hindi siya magagalit? Eh napahiya na siya sa kapwa niya students, pinagtitinginan na siya ng mga ito at nagbubulungan pa. Nang dahil sa pagkapahiya, isang malakas na sampal ang inabot ng lalaking nakabangga niya. Nagulat ang lahat sa ginawa niya.

"Sino ka para sampalin ako? Hindi mo ba ako kilala, ha?!" sabi ng galit na galit na lalaking nakabangga niya.

"At sino ka din para sigawan ako ng ganyan, ha?! Kapal din ng mukha mo eh. Diyan ka na nga!" si Aubrey, galit pa din siya dun sa nakabangga niya. Gwapo nga, ang sama naman ng ugali! Tss. Nagwalk out na siya at dumiretsyo sa Principal's office. Pagktapos niyang pumunta dito, dumiretsyo na siya sa room niya. Nagulat nalang siya nang...

"Class this is Aubrey Santos, she is new here. Aubrey, introduce yourself." sabi ng kanyang teacher nang may biglang pasok.

"Jacob, hindi ka ba marunong maggreet?" sabi nung teacher. Pagkalingon ko dun sa sinasabi niyang Jacob...

"Ikaw yung.."

The Story of Us ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon