CHAPTER III: Premonition of Heartbreak

68 2 0
                                    

“Si Tita talaga…”, natatawa na naiiling na sabi ni Yhana sa sarili habang palabas na ng bakuran nila. “Walang ibang masabi kung hindi kailangan kong iimprove ang fashion statement ko. Sabi naman ni Caleb ayos lang ‘tong suot ko. Pero, parang may point si Tita.”, muni muni ni Yhana. Naputol ang muni muni niya ng mapansin na may text message na pala siya.

Wait me at the bus stop. :) Sabay na tayo pagpasok sa school. OK? See you there at fifteen. –Caleb

She texted back ‘OK’ habang papunta sa bus stop. Habang naglalakad siya papunta sa bus stop, iniisip niya pa rin si Caleb. Caleb is really perfect. Naiisip ni Yhana. Di siya judgemental tulad ng iba. Kahit na nerd ako at siya cool, hindi niya pa rin akong itinatakwil bilang best friend niya kahit sa harap ng maraming tao. Kahit na tinutukso nila kami. Kinikilig na sabi ni Yhana sa sarili. Kaya mahal ko siya eh.

Sa naisip niya, napangiti si Yhana. Oo, mahal niya si Caleb. Childhood friends sila ni Caleb dahil magkasosyo ang mga magulang nila. Dahil tinanggap siya ni Caleb kahit na aminado siyang napaka weird niya, minahal ni Yhana ang kababata niya. Ang kaso, ‘di niya masabi-sabi kay Caleb kasi natatakot siya na baka mailang ang best friend niya at iwasan siya. Ayaw niyang mangyari ‘yun. Ayaw niya na ang kaisa-isang tao na tanggap siya sa kung ano siya ay iwasan siya at tuluyang iwan.

Habang hinihintay si Caleb, naalala ni Yhana ang panaginip niya. Habang iniisip niya kasi iyon, nararamdaman niya yung panibugho na dala ng pangitain na ‘yon. Napanaginipan niya kasi si Caleb na may kasamang iba. Iyon daw ang soulmate ni Caleb. The worst part is, hindi siya ang babaeng iyon. Gosh Yhana. That was just a dream. Dreams are caused by things lingering around our subconscious. Siyempre yun ang kinatatakutan mo kaya yun ang napapaniginipan mo. Dahil na rin ‘yun sa kakaisip mo. So get a grip. Pangaral niya sa sarili.

“Best! Sorry ha, ngayon lang ako. May ginawa kasi ako eh”, sabi ng humahangos na si Caleb papalapit kay Yhana.

“Ah ayos lang Leb. Wala pa naman yung bus eh.”, nakangiting sagot ni Yhana.

“Hai, tinanghali kasi ako ng gising. Buti na lang sinet ko yung alarm clock kagabi. Kung hindi patay ako ngayon.”, paliwanag ni Caleb.

“Eh bakit ka ba kasi napuyat kagabi? Kaka Facebook na naman?”, naiiling na sabi ni Yhana. Kilala kasing interent addict si Caleb. Yan ang flaw ng binata.

“Actually hindi eh.”, nagblush na sagot ni Caleb.

“Hindi?! Eh ano?”, manghang sabi ni Yhana. Why is he blushing nung sumagot siya? Atsaka hindi Facebook ang dahilan ng pagkapuyat niya? Oh my.

“Eh kasi..”, alangan na sabi ni Caleb.

“Eh kasi ano?”, kinakabahan ng sabi ni Yhana.

Hindi na siya nasagot ni Caleb dahil dumating na yung bus. Pero kitang kita na na-relieve si Caleb dahil alangan siya kung paano sasagutin yung tanong ni Yhana. Maintindihan naman kaya ni Best? Sabagay I never lied to her. Wala din kaming secrets with each other. Sige I’ll tell her. Baka matulungan niya ako. Naisip ni Caleb habang umaakyat at habang paupo sila ni Yhana sa bus.

“So?”, nakaabang na tanong ni Yhana kay Caleb pagkaupo nila.

“Uhm, kasi. I met a girl”, nahihiyang pag-amin ni Caleb.

“Oh.”, natamemeng sabi ni Yhana. Oh my God. ‘Eto na ba yung kinatatakutan ko?

“Tapos?”

“Well, nabangga ko siya sa Cake House ni Tita Coffee 2 weeks ago. And she’s really pretty and sweet. She really has a nice smile. Sayang di ko nakuha yung number niya.”, animated na kuwento ni Caleb. He was so into it na hindi niya napansin na parang napako yung mukha ni Yhana sa tabi niya. Hindi niya rin napansin ang unti-unting pagpigil ng best friend niya na huwag maiyak.

Parang sobrang gusto niya yung girl. Pano na ‘to Yhana? Mukhang gustong-gusto ni Caleb yung babae. Nasasaktang amin ni Yhana sa sarili. I’ve never seen him this animated before. Especially when he’s talking about a girl. Depressed na sabi niya sa sarili. Hold on Yhana. Hindi niya alam na may gusto ka sa kanya. Get yourself together bago niya pa mapansin na sobrang nasasaktan ka. Paalala niya sa sarili.

“A-ah. Ganun ba? So bakit ka napuyat? Kakaisip sa kanya?”, nagawang itanong ni Yhana kay Caleb.

“Uh-Uhm, yeah. Hindi ko siya makalimutan eh.”, nahihiyang pag-amin ni Caleb.

“Aaahh.. Mukhang tinamaan ka best.. Iba na iyan!”, pilit na ngiting tudyo ni Yhana.

“Haha. Parang ganun nga. “, amin ni Caleb.

“I’m happy for you Leb. Antagal na since yung last na crush mo ah? Sana mahanap mo siya para mapakilala mo sakin.”, nasabi na lang ni Yhana para di mahalata ni Caleb ang nararamdaman niya.

“ Talaga best? Sana nga magdilang anghel ka. Sana makita ko siya ulit.”, umaasang sabi ni Caleb.

Oh Leb. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang.

 _____________________________________________________________________________

“Yassi! Tama na yan. Andito na si MJ!”, tawag ng Mommy ni Yassi sa anak.

“Pasensya ka na Iho, alam mo naman iyang si Yassi. Akala mo may fashion show na pupuntahan.”, hinging paumanhin ng ina ni Yassi kay MJ.

“OK lang po yun Tita. Naiintindihan ko naman po yun.”, nakangiting sagot ni MJ.

“Hi MJ! Ma we’re going.”, paalam ni Yassi sa in habang pababa siya ng hagdan.

“Ok. Baka malate pa kayo. First day niyo pa naman ngayon. Take care.”, paalala ng Mommy ni Yassi.

“Yes Mom we will. Let’s go MJ!”, excited na sabi ni Yassi.

“Sige po Tita.”, paalam ni MJ.

“Sige. Ingat kayo!”

_______________________________________________________________________________ 

“Tumawag na ako ng taxi. Ok lang ba na mag taxi muna tayo? Di ko mahiram yung kotse kay Dad eh. Kailangan niya kasi.”, nahihiyang sabi ni MJ kay Yassi paglabas nila.

“Ano ka ba. Okay lng yun noh? Tara na?”, nakangiting sabi ni Yassi.

“Sige”, masayang sabi ni MJ.

Inalalayan ni MJ si Yassi mula paglabas nila ng gate ng bahay hanggang sa pagsakay nila ng taxi. Sobrang gentleman at sweet ni MJ ky Yassi. Gusto niya kasing magpa-impress ng husto para makapagtapat siya rito.

“Thank you”, sabi ni Yassi.

“Tara ho Manong. Sa WestBridge University ho tayo.”,sabi ni MJ sa driver.

Coffee Cake HouseWhere stories live. Discover now