Aurelie's Pov"Congratulations ,Anak!" Maiyak iyak na sabi ni Mama saken
"Thank you ,Ma" Pagpapasalamat ko at ngumiti
"Dalagang dalaga na ang anak ko" Sabi ni Papa na mawalak ang ngiti sa labi
"Pa naman 17 pa lang po ako " Naka nguso kong sagot kay Papa
"Haha ! Nagbibiro lang ako" Tawa naman ni Papa
****
"Matulog ka na anak. Congrats ulit .Graduate ka na nang highschool ang bilis ng panahon noh?" Saad ni Mama
Ngumiti naman ako at tumangoUmakyat na ako papunta sa kwarto ko at napagpasyahang matulog
****
Nagising ako ng makaamoy ako ng usok
Kaagad akong napabangon at nanlaki na lamang ang mata ko ng makita ang kwarto kong punong puno ng usok
Kaagad akong tumayo at pumunta sa banyo .Kahit na masakit sa mata ang usok naghanap ako ng towel at binasa iyon
Gamit ang basang towel itinakip ko iyon sa aking ilong
Sobrang init ng paligid . Napasinghap ako ng maalala ko sila mama
Kaagad akong lumabas ng kwarto ko at bigla akong naluha ng makita ang loob ng bahay na tinutumpok na ng apoy
Kahit na nanlalabo ang paningin ko pumunta ako sa kwarto nila mama
Kaagad kong binuksan ang pinto
"Mama! , Papa!?" tawag ko sa kanila
Napatingin ako sa kama nila at halos manlambot ang tuhod ko ng makitang puro apoy na ang nakapalibot doon
Sobrang init ng paligid .Pakiramdam ko'y nasa impyerno ako
Kahit na nanghihina ako ay naglakad ako papunta sa kama nila nagbabakasakali akong buhay pa sila
Pero bago pa ako makapunta doon ay may mainit na bagay ang bumagsak sa likod ko at biglang nanlabo ang mata ko
"M-ma-mama , P-pap-papa" nanghihina kong tawag sa kanila bago ako pumikit
*****
"Aaaahhh!!" napabangon ako bigla
Panaginip. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko .Pinunasan ko ang pawis ko at napatulala. Pumatak muli ang luha ko
Simula nung mangyari yun lagi na kong napapanaginipan iyon
Apat na taon na ang nakakalipas ng mangyari iyon .Nagising ako na nasa hospital na . Nasunog ang bahay namen at sa kasamaang palad pati mga magulang ko nadamay sa sunog
Sabi ng mga pulis kapabayaan daw ng kapitbahay iyon .Hindi nila alam na pinaglaruan ng anak nila ang isang kandila at aksidenteng nahulog ng bata ang kandila at sumanggi iyon sa isang kurtina
Halos isang taon din akong na trauma .Halos hindi ako ngumingiti at walang ganang kumain.
Nakikitira lang ako sa aking tiyahin ngayon .Kapatid siya ng mama ko
"Aurelie!! Bumangon ka na dyan! Peste naman! Ide-deliever mo pa tong ma damit! Pag ako nawalan ng benta malilintikan ka saking bata ka!" Sigaw ng tiyahin ko
"Opo" Sagot ko at bumangon na
Kaaad akong kumuha ng damit ko at towel .Pumunta ako sa banyo.
Nang matanggal ko lahat ng damit ko tinignan ko ang likod ko gamit ang salamin na nasa harapan ko
BINABASA MO ANG
The Four Seductive Men
General FictionKakayanin mo bang kontrolin ang sarili mo kung apat na naga-gwapuhang lalaki ang aakit sayo??