CASSY's POV
5:30 am...
Marinians Highschool
Buti nalang at 30 minutes pa bago ang umpisa ng klase namin,ibig sabihin di ako male-late.Akala ko kasi ay male-late ako,gawa ng gabing-gabi na ako nakatulog.
Almost 1month narin pala simula nung mag umpisa ang pasukan rito sa Marinians Highschool.Hmm,nakakatamad na agad pumasok kahit july palang,di tulad ng dati na ang bilis ng araw na parang June lang tapos December na.
Papunta na ako ngayon sa classroom namin,medyo mataas at mahirap akyatin,nasa 4th floor kasi kami.Sa katunayan nyan yung room namin nung first day of school ay nasa 3rd floor at hati.Dahil sa marami kami at nagsisiksikan na,inilipat na kami roon,sabihin na nating nagpalitan kami ng room.
Sobrang nakakapagod,nakakahingal,at nakakapagpatanggal ng baga.Mabuti at nakarating na ako kaagad sa classroom,at bumungad sa akin ang lima kong kaklase na pinapakialaman ang kani-kanilang cellphone.Isa na roon ang class vice president at student council president namin na si Abby.Di ko nalang sila pinansin,sa halip ay inilapag ko nalang ang mga gamit ko sa upuan ko sa tabi ng bintana na nakapwesto sa may bandang dulo.
Sandali ako nagpahinga,sadya talagang nakakapagod,umagang-umaga pinagpawisan agad ako.
Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto,tanging ingay lang mula sa mga huni ng ibon ang aming naririnig.Ang sarap pakinggan,tunog payapa at kalinisan.Pero di rin nagtagal ay unti-unti nang nababasag ang katahimikan,sapagkat sunud-sunod na ang pagdating ng aming mga kaklase.Ingay,bulungan at kopyahan ang nagaganap sa bawat sulok ng klase.Tawanan,asaran,at murahan.Nakakasawa na,kung pwede ko lang lagyan ng packing tape yung mga bunganga nila,ginawa ko na.Ang ingay kasi nila,kahit sinasaway na,wala parin.
Hindi naman sa sinasabi kong tahimik ako,Oo nag-iingay ako,pero hindi ko na ginagawa yun kapag may teacher.Minsan sinisigawan ko yung mga kaklase ko na 'tumahimik' pati rin yung iba nagsasabi nun,kaso pati rin sila nag-iingay.Non-sense lang.Pati yung adviser namin ngayon,naiinis na kaagad.
Ilang sandali lang din ay dumating na ang una naming guro sa asignatura ng mathematics.Bumati siya ng magandang umaga at ganoon rin kami.
"Okay,our lesson for today is how to find the nth term of the Geometric sequence...Let's start."nag-umpisa na sa pagtuturo yung teacher namin.Nagbigay sya ng ilang examples para naman mas maunawaan namin.
Kahit na nagtuturo yung teacher namin,ang ingay parin sa room.Parang hindi sila nauubusan ng kwento.Nakakasawa na!
***
Natapos na ang apat naming subject,ganun parin ang lagay ng classroom namin,puro ingay.Habang pinagmamasdan ko yun mga kaklase ko nakakaramdam ako ng inis.Dahil hindi naman kami ganito,hindi namin kayang ipahiya sa ibang teachers iyong adviser namin noon,pero bakit ngayon parang nag-iba na.Para bang araw-araw,nadadagdagan yung pagka-sira ulo nila?Ikinakahiya ko na nga minsan na parte ako ng section Talisay.
Imbis na tuluyan akong mainis eh.Itinuon ko nalang ang pansin ko sa bintanang nasa likuran ko.Tanaw ko rito yung lugar kung saan kami tumatambay nung grade 8 pa kami.Nakikita rin yung puno dun na pinag-ukitan namin ng aming section.Pwede pa ba naming ibalik yung dati??
"oi."nilingon ko yung katabi ko,ako ata yung tinawag.
"hmm???"Aba si kenneth pala,isa sa mga kaklase ko."ano nang balita?"tanong ko sa kanya.
"ano?"sabi nya lang.Naintindihan ko na agad kung anong gusto niyang sabihin.
"Wag na lang kaya?" suggest ko,at itinaas nya lang ang kanyang mga balikat.
"bahala ka."matipid nyang sagot.Dahil dun parang gusto ko nang ipukpok yung ulo ko sa bakal nitong bintana.
"Paano ko ba kasi yun gagawin??"Bulong ko at muli akong tumingin sa kanya."Kenneth,tulungan mo 'ko, please."