[ 1 ] -- Playing Dirty

105 2 1
                                    

 [ 1 ]  -  PLAYING DIRTY

KATHERINE's POV

"Kunin mo nga sa kwarto ko yung  alcohol." utos nya sa akin. Tiningnan ko lang sya habang naka crossed-arms.

"Ano? Tatanga ka nalang ba dyan? I said get the alcohol in my ro-"

"Pero may alcohol naman dyan sa tabi mo ah! Kabubukas mo palang!" pagmamaktol ko. Bwisit na Daniel! 

"Just get it! Hindi mo ba talaga ako susundin?" tinitigan nya lang ako habang naka-smirk. Arrgh. I want to rip his face out! Mamatay na ang Daniel Padilla sa mundo!

Inirapan ko lang sya at umakyat na sa kwarto niya. I hate being with you Daniel Padilla! I hate being your slave!

Nang makuha ko na ang alcohol sa pesteng cabinet nya, bumaba na ako at inabot sa kanya ang lintik na alcohol na yun habang nakasimangot. 

"What's with the face? tss." kinuha nya ito at binuksan. 

"Ewan ko sa'yo! Kung wala lang talaga akong utang na loob sa mama mo, lalayasan kita rito I swear!" dinuro - duro ko pa sya gamit yung kamay ko.

"Hahaha. Easy tiger. Sorry ka nalang dahil may utang ka sa amin..might as well as sa akin kaya hindi ka pwedeng umalis." sagot nya na mas nakapagpagalit sa akin. 

Sa inis ko, kinuha ko yung unan sa sofa at hinagis sa kanya ng pagkalakas-lakas. Haha. Beat that Mr. Padilla! Kung kaya ko ngang sofa yung ihagis ko sa kanya eh. Why not?

"Shit!" he cussed. Kinuha nya ang unan na nahulog sa sahig at galit na tumingin sakin.

"What's with this time Katherine? Do you really want to play? Kasi iba akong maglaro ..I play dirty." napalunok ako sa sinabi nya.

"H-ha? A-anong laro?" ngumisi siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Napa-atras naman ako.

Lakad sya.

Atras ako.

Lakad sya ulit.

Atras ulit ako.

Lakad.

Atras.

Lakad.

At--

"Ouch!" hinawakan ko yung ulo ko dahil tumama sa dingding. Ang tanga ko naman. Kung maka-atras kasi ako eh. Kala mo ang lawak ng condo ni Daniel!

"Ayan kasi tatanga-tanga! Patingin nga!" hinawakan nya yung ulo ko at tiningnan yung part na nauntog.

Pero... pero..

5 inch nalang ang layo nya sa akin. 

Hindi ito ang pinapangarap kong first kiss!

T-teka? First kiss? Bakit naman 'yun na sama sa usapan? 

Napatingin ako sa labi nya. Mapula, malambot, mukhang masarap hali- HALIKAN YUNG SAHIG! Tama yung sahig! Ang galing mo talagang mag-isip Kath!

Napansin nya nakatitig ako sa labi nya kaya siya ngumisi. 

Unti-unti siyang lumapit sa akin...dahan-dahan. Hahalikan nya ba ko? Di ako ready!

Ay shets Kath! Kaaway mo yang si Daniel!

HInawakan nya ang chin ko at inangat ito. Anong gagawin ko? Itutulak ko ba sya? Sasampalin?

Pumikit sya at mas nilapit pa ang mukha nya sa mukha ko. 

Konti nalang..

Pumikit na rin ako at ngumuso ng kaunti.

5 seconds.

6 seconds.

7 seconds.

Bakit parang ang tangal? 

Dumilat ako ng bahagya at nakita si Daniel na nakahawak sa tyan at tumatawa ng wagas.

Grr. Mukha akong tanga dun ah! Pero na carried away lang naman ako eh! As if I wanted him to kiss me!

Pinagpapalo ko siya habang nakapikit ako sa kahihiyan. 

"Walang hiya ka talaga Daniel! Ginagalit mo talaga akong pangit ka eh noh?!" 

"Aray f*ck! Hahaha. Stop Katherine! Hahaha. Stop it! Haha. Your face...epic!"

I do really hate you! You're the biggest jerk ever!

"Aaah! Nakakahiya talaga! Ewan ko sa'yo Manyak ka!"  bigla syang naging seryoso.

Napalunok ako.

"I told you.."

Magtatanong palang sana ako nang may ipahid sya sa mukha ko. 

Arrg. It's a friggin' Nutella! 

"I told you I play dirty. Hahaha."

May araw ka din sa akin sa Daniel Padilla! I'll have my sweet revenge! 

Ang lagkit na tuloy ng mukha ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Part Time SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon