Kabanata 1

4K 35 0
                                    


Kabanata 1

Alas nuwebe ng umaga ng nagising ako kinabukasan. Night shift ako at dapat nagbabawi ako ng tulog ngayon pero hindi ko ginawa. Linggo lang ang day off ko. Lunes, Miyerkules, Biyernes ay night shift at kapag Martes, Huwebes at Sabado ay day shift. Kung papipiliin ako gusto ko day shift. Dahil mas konti ang pasyente.

Minsan naiisip ko, kung hindi kaya sumuway si Adan at Eba sa Panginoon may mamatay kaya? May maghihirap? May manloloko? Pero ganon siguro ang tadhana. Kasi kung wala rin naman 'yon, wala lahat. Everything happens for a reason.

I grinned.

Gutom lang siguro ito. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. The cold water is tempting me. Hindi ako nagsisi ng naligo ako. Inisip ko ang mga nangyari kahapon at agad naawa sa mga pasyente ko.

Gusto ko sa ER pero mas gusto ko kung Doktora ang tawag nila sa'kin.

Guilt crept within me. Sana pala hindi ko ginawa iyon. Sana pala nag---pinaalis ko kaagad ang mga naisip ko. Dapat hindi. Galit ka. Kasi manloloko siya. Niloko niya kayo. Dapat lang na magalit ka.

Pinatay ko ang shower. Nawala ako sa mood. This past few days, nagiging moody ako. Ewan ko kung bakit. Kumain ako sa tahimik naming kusina. I even wash the dishes. Nagpunas ng lamesa at naglagay ng tubig sa ref.

Pagkatapos no'n ay nahiga sa kama at nakinig sa musika. I love music. Ini-express nito ang nararamdaman ko. Feeling ko may karamay ako kapag nagpapatugtog ako. Pinag-isipan kong mabuti kung pipindutin ko ang app na 'yon o hindi. Pero sa huli,'yon pa rin ang nangyari.

I activated my facebook account I check if there's a message,madami.

Tinignan ko pa lahat. Pakiramdam ko ang tagal kong hindi naka-open. Well, simula kasi no'ng wala siya nawalan na rin ako ng gana. Ano pang sense no'n hindi ba. Ni-check ko pa ang ibang message ron. Ang iba nangangamusta,ang iba naman ay nagtataka. Inisip ko ang nangyari years ago.

Noong graduation namin ng elementary, hindi naka-attend si mama kaya si tito na lamang. Siya ang nagsabit sa'kin ng isang medalya. Tanda na pinagbutihan ko ang aking pag-aaral. Top 6 ako at para sa'kin ay napakahalaga na no'n. Ang umakyat ng entablado at bigyan ng karangalan.

"Iyan lang at ipinagmamalaki mo pa? Bakit hindi ka tumulad sa mga ate mo. Top 1 lagi. Valedictorian. Ni hindi ka man lang nahiyang umakyat doon sa stage! Buti nalang at hindi ako ang pumunta roon! Kung hindi abot abot ang kahihiyan ko!" hinayaan ko si mama na pagsabihan ako ng ganoon. I cried so hard that night. Dapat masanay na ako kasi lagi namang ganito.

I wipe my own tears, pick myself back up and keep going 'coz nobody is gonna rub my back and say that it's gonna be okay. No matter how hard I try,I'm not enough and can't do anything right.

"Introduce yourselves now,class." Ma'am Felis said. Dahil nga unang araw ng klase,wala pa akong masyadong kilala. Gaya ng inaasahan,hindi lamang pagpapakilala ang ginawa namin. Nagbotohan din kami sa officers ng room.

"Ma'am,inonominado ko si Cailyn para sa muse!" sigaw ng escort namin. Naghiyawan ang lahat ng lalaki. I saw a girl who rolled her eyes at me. Natahimik ako. Ayoko sa lahat maging muse. Masyadong magastos at wala kaming pera para sa mga kakailanganin. Naalala ko no'n sumali sa contest ang kaklase ko at gumastos siya ng sampung libong piso para sa damit pa lamang.

"I don't want, po." magalang kong sabi. 'Yon naman talaga ang ayaw ko pero tinanong ako ng guro ko kung bakit ayaw ko. May narinig pa ako sa ibang babae na ang arte ko raw.

"Wala po kaming pera panggastos po sa mga kakailanganin para diyan." sinabi ko ang katotohanan. Nagtawanan ang lahat. Napaisip tuloy ako kung anong nakakatawa gayong totoo naman at hindi sila dapat mag-react ng gano'n dahil hindi naman kami naka-private school. Pinatahimik ni Ma'am ang lahat, pagkatapos ay pinilit ako na para bang kapag hindi ako pumayag ay babagsak ako sa subject niya. Sumang-ayon ako dahil kapag may kailangan ay sakanila ako hihingi ng tulong, sa buong klase kumbaga. Ako na agad ang pinili ni Ma'am na magmuse dahil saktong-sakto raw ako sa gusto niya. Awkward akong ngumiti sakaniya, nag-aalinlangan pa sa pagpayag dahil sa nakangising labi ng taong nakapaligid.

Sa sumunod na araw,pumasok na ang iba pang teachers. Marami akong natutunan, taliwas sa mga sinasabi ng mga Private schools na kapag public ay puro lamang pagbebenta ng kendi ang ginagawa ng guro.

"Hey Cailyn Zayn Ferrer,wait!" sigaw nung escort. Tss,kailangan ba talaga full name? For sure mang-iinis lang 'yan.

"Cailyn Zayn Ferrer, I just want to make friends with you." bahagya siyang natigilan ng nakitang wala akong pakielam. "Im Mortell, by the way." then he extend his arm,nagpapahiwatig na magshake hands kami. Huminto ako,ayoko namang maging masama sa paningin nila. So, nakipagshake hands ako. That day, marami ng nambully sa'kin. Akala ko sa private lang gano'n, hindi pala.

Napag-alaman ko rin na si Mortell pala ay ginawa lang yon dahil transferee ako. Parang hudyat na dahil bago ako,pwedeng pwede na ibully. Ang sakit. Bawat salita nila tumatagos sa puso ko. Hindi naman ako lumaban,kasi...ayon yung nakasasaya sakanila. Sino ba ako para pigilan iyon hindi ba? Mga traydor sila. Akala ko kasi totoo sila, akala ko lang pala.

Lumipat ako ng paaralan pagkatapos ng isang taong pambubully nila. Hindi na publiko, umaasang may matino pang tao dito sa mundo. Umaasang, may makatatanggap pa sa'kin dahil wala namang mali sa itsura ko o sa ugali ko. Masakit isiping normal ka pero tingin nila sa'yo ay hindi isa.

Kinalimutan ko ang alaalang iyon ng tumungtong ako ng grade 8, tahimik naman ang buhay ko. Masaya. Nagkaroon ng maraming kaibigan. Nag-aral ng mabuti.

"Lyn, may gustong makipagkaibigan sa'yo ah. Section H. Kaibigan ko rin!" hyper na sabi sa'kin ni Love.

"Nako, Love. Gusto ba talagang kaibigan o ka-i-bi-gan? Yieee." sabi ni Cary, ang bestfriend kong 'kala mo bulate na binudburan ng asin.

"Hay nako bahala kayo diyan basta ako nananahimik dito!" iritang saad ko dahil ang ingay nila, nagbabasa ako e. 'Tsaka 'di rin ako interesado sa mga pinagsasabi nila.

Bumilis ang oras,uwian na at nakatambay nalang ako sa corridor. Naghihintay kay Cary, tagal kasing mag-ayos. Uuwi nalang lahat kailangan naka-pulbo pa.

"Uy te, love life na 'yon. 'Yaw mo pa? Ganda ka?" 'di ko naman maintindihan yung sinabi niya kaya umarko yung kilay ko sabay tanong kung ano pinuputok ng butchi niya.

"Yung nakikipagkaibigan sa'yo,engot! 'Di ka nakikinig kanina 'no!" inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. Kung alam ko lang edi sana 'di ko na siya tinanong diba.

Pagkauwi ko ng bahay dumiretso agad ako ng kwarto. Binuksan ang wattpad app at humiga sa kama. Walang bihis-bihis. Kailangan matapos ang binabasa.

10 pm, doon ako nagpasyang magbihis at kumain. Nag-inat-inat pa ako bago humikab. Pero syempre, bago matulog cellphone muna.

Nang buksan ko ang wifi ay sunod-sunod ang pagpop-up ng messenger ko.

Cary
Uy beks! Ni-chat ka raw ah!

Love
Nabasa mo na???

Mav Mura
hello pwede makipagkaibigan?

Zhyrel
Nu gawa mama u??

Una kong nireplyan si Cary. Sinabi kong sino ba yung tinutukoy niya. Sumunod si Love na sinagot ko ng hindi pa kasi hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya.

Sumunod ay si Mav Mura. What's with the surname? Nakakatawa.

Mav Mura
hello pwede makipagkaibigan?

Coleen Tan
??

Humikab ako. 'Di ko na nareplyan si tita Zhy dahil dinalaw na ako ng antok. Iniwang naka-open ang wifi at natulog.

Sound Of WavesWhere stories live. Discover now