Chapter 1

26 1 1
                                    

*kring kring*

Tumayo ako ng higaan ko at pinatay ang alarm clock.

*Yawn*

Tinignan ko kung anong oras na. Pakshet! Late na ko!

*ligo ligo*

Pagtapos kong magbihis, bumaba na ko tapos lumabas na sa gate.

Sumakay na ako ng kotse ko at nag drive na.

Pagdating ko sa school napanganga ako as in "jaw drop".

Kasi naman, napakalaki ng school na pinag-transfferan ko.

Pumasok ako tapos tinignan ko ang loob ng school. Grabe! Napakalawak! Pwede ka yatang maglagay ng 6 na kwarto dito sa ground floor.

Sa 2nd floor naman------

*Jaw dropped*

Mas malaki yung 2nd floor kesa sa ground floor kasi dito pwede kang maglagay nang walong kwarto na malalaki.

Hinanap ko yung room ko tapos nakita ko na nasa 2nd floor pala ako, section 1. As in!

Talaga! Hindi ako makapaniwala!

Pagpasok ko sa room meron na agad na bumati sakin.

"Hello! New?"

Tumango ako tapos umupo na ako sa upuan. Pinili ko dun sa may first row para mapansin agad ako ng teacher.

KSP kasi ako, eh! Haha! Joke!

Maya-maya dumating narin yung teacher namin.

Nagsitayuan kaming lahat syempre ako hindi. Nakakatamad kasi. Pag upo tuloy ng mga kaklase ko tinuro ako ng teacher namin.

Huh? Ano kayang problema nito?

Tumayo ako tapos halata kong pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko.

"Ms. Anong name mo?" Tanong nya habang naka cross arm pa.

"Ako lang naman si Ellie Santiago. Member ng grupo ng "The Bitchy Struck" Sabi ko.

Lahat ng nasa room namin nagsibulungan na.

"Class, quiet!" Sabi ulit ng teacher namin. "You mean, ang nakatalo kay  Jack Brayer?" Tanong ni Ma'am sakin.

Tumango ako tapos mas lumakas pa yung mga naririnig kong bulungan.

"Totoo ba yung narinig ko!"

"Wow naman!"

"Sobrang sikat kaya nya sa dating school nila!"

"Oh My G! I can't believe this!"

Leave The Gangster LifeWhere stories live. Discover now