Bakit ganun.
Sabi nila pag mahal ka di ka sasaktan.
Pero bakit ako?
Gaano ba ko kamahal ni nanay para bugbug bugbugin lang ako na parang wala lang.
Ano bang naging kasalanan ko.
Masama ba kong anak?Kung ganun. Sige mag babago ako. Mag papakabait ako kahit para sa paningin ko mabait na ko. Oo may pag kataray pag badtrip o naiinis. Ganun naman talaga diba?
Pero parang baliwala naman lahat ng ginagawa ko e.
Parang lalo lang naiinis nagagalit.
Ano bang mali sakin.?
Bakit lagi na lang ako.
Masakit sobrang sakit. Sobra sobra na nasabi ko na lang sa kanya na patayin na lang niya ako para tapos na. Para wala na siyang problema.
Pag galit siya kay papa o kuya. Pag wala sila ako ang napag bubuntungan ng inis at galit.
Masakit para sakin.
Wala naman akong kinalaman pero ako ang nag sa-Suffer.
One time nag simula nanaman ang pambubugbog ni nanay sakin.
Hampas sa likod. Na halos isuka ko na yung dugo ko sa sobrang dami ng palo at sakit na ibinibigay niya sakin. Sampal sa pingi. Bato ng kung ano anong gamit.
Naiisip ko kapag ganito kami. Kapag mag isa nalang ako. Humihiling ako sa panginoon na kunin na lang niya ako para tapos na.
Pero mali e. Yung iba nga humihiling na habaan niya pa ang buhay niya. Kaya na realize ko na hindi ko pa to oras.
Pero kasi kung ganito rin lang maiisip mo na lang yun bigla, maiisip mo na mawala ka na lang.
One time sa sobrang inis ko naitulak ko na siya. At lalo lang niya kong binugbog. Ang sakit.
Sana nung pag kasilang ko pa lang pinatay na niya ako. Kasi gaganituhin din naman niya ako pag dating ng panahon.
Dalaga na ako. Pero bakit ganito. Halos araw arawin na lang niya hanggang sa mamatay na lang ako.
Pero kahit ganun. Mahal ko parin siya. Mahal na mahal. Mama ko e. Ganun naman talaga. May nagagawa tayong mali pero deep inside mahal mo parin yung nakagawa sayo ng mali.
Wala e. Mama ko yun e. Siya yung bumuhay sakin.
Pero nakakainis. Bakit ganun na lang siya sakin.
Naisip ko baka di naman niya ko mahal. Na wala naman siyang pakialam sakin.
Eto ako nandito sa trabaho nag seserve ng mga order. Ako nga po pala si Dennise Krissa M. Solomon. 18 yrs old. Nag aaral 3rd year college.
Lumayas na nga rin pala ako samin. Sa ka dahilanang di ko na kaya ang mga ginagawa ni nanay.
Pero pinangako ko sa sarili ko na babalik ako.
Babalik ako pag may napatunayan na ko.
Pag okay na ang lahat.
Gusto kong may mapatunayan.
BINABASA MO ANG
Nasaktan Ako!
Short StoryNasaktan ako. Lumuha. Umalis. Nag isa. -------- Sana magustuhan niyo trip lang ulit to.