KeyThree

16 1 6
                                    

Kwek kwek with LOVE?

"Ito! gusto ko nito. oii!"tawag ko kay Angelo na kanina pa kain ng kain ng fishballs.

"teka lang! di mo pa nga nauubos yang fishball mo eh bibili ka na naman niyan," Parang di naman siya matakaw eh nakailang fishball na kaya siya.

"dali na! ayun oh!" turo ko sa kulay yellow na pabilog. 

"anong yun? saan dun?" tanong niya sakin.

"yung yellow na pabilog! yun! yung kinakain ni ateng nakakulay red!" turo turo ko padin yung bilog na yun.

"ahuh1 kumakain ka nga ng street foods pero kikiam at fishballs lang alam mo. anong pangalan nun?" luhh. nang aasar ata siya. pano na yan.. kumain na ko ng ganun pero di ko pa alam pangalan.

"yellow circle? crispy circle?" kamot ulo pa kong nagsasabi dito.

"HAHAHAHA" wow. tinginan pa samin mga nandito dahil sa lakas ng tawa nitong nasa harap ko.ano ba kasing pangalan nun!?

"peste! bahala kang umuwi bwiset!" nakakapikon. pupunta nalang ako kay ateng nagtitinda para matanong kong anong pangalan  nung yellow circle na yun!

"Manang. ano pong pangalan ng pagkaing yan?" turo tur ko yung yellow circle.

"yan ba iha? yan ang--"

"kwek kwek" sagot ng nasa likod ko. lumingon ako para makita. si Angelo pala.

"hindi ikaw yung tiantanong ko! si manang yung tinatanong ko kaya wag kang nangengealam jan!" away ko sakanya. matapos niya kong tawanan sa madaming tao?

"magpasalamat ka nalang kasi. dami mopang arte eh." tss. ang kapal ng mukha ah? ako pa magpapasalamat na napahiya ako?

"ano ka sineswerte? yurpeys!" tsaka umirap sakanya.

"tss. walang utang na loob. pagkatapos kitang iligtas,pinainom at nilibre ganyan ka? tss." aray ko beh. tagos ! kinokonsensya ata ako nito.

"sino bang nagsabing iligtas mo ko?" sarkastiko kong tanong sakanya

" teka iha iho. kung mag aaway kayo sa ibang lugar nalang kasi umaalis na yung mga bumibili eh. kung bibili kayo ng kwek kwek okay sa magkasintahan to. lalo na sainyu dahilnag aaway kayo. bagay kayo mga anak" huh? ano raw sabi ni ate?

"ate bibili ako nung KWEK KWEK" binaliwala ko na si Angelo. bahala siya. basta ako kakain ako.

"ako na po magbabayad. 20 po sakanya at ganun rin saakin." tss. yabang eh.

"wag na may pera ako. umuwi ka nalang." kunwari naman akong galit. effect ko eh.

"tss. wag na. ako na magbabayad. di ko pinagbabayad ang isang babae kung kasama ako." feeling gentleman.

"ako na nga"

"ako na" aba? di papatalo?

"ako na" sabi ko ulit

"iha iho. libre nalang. ang sweet niyo kasi mag away eh. sana tumagal ang relasyon niyo. eto ang kwek kwek niyo may kasamang pagmamahal nang niluto ko" relasyon? no. no. no.

nagkatinginan kami ni Angelo tsaka umiwas rin kinuha ko na ang kwek kwek ko tsaka humarap kay ate.

"wala po kaming relasyon ate" sabi ko. tsaka mukhang nagulat si ate kasi bigla niyang nabitawan yung pinanghahalo niya.

"kala ko kayo, mabuti kayo sa isat isa at nakikita ko sainyu na mahal niyo ang isat isa. pero mali pala ako. pero pupusta ako.magiging kayo." tsakka niya tinulak yung pinagbebentahan niya tsaka iniwan kami ditong nak nganga. 

nakatingin lang ako sa pagkain ko. kami? kakameet ko lang sakanya kanina eh. WHATEVER. WALA YUN XAN. WALA YUN. 


READ AND VOTE. :) 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Key To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon