Last Dance
A short story by Aly Almario
__________________________________________________________________________________
♪ This is my last dance with you
This is my only chance to do.
All I can do, to let you know
That what I feel for you is real..♪
September 25. It's the time of the year na naman kung saan pinaka magandang lugar sa campus namin ay ang campus grounds sa tabi ng estatwa ng yumaong founder ng unibersidad na ito.
Gayak na gayak ang campus ground para sa Anniversary Ball. Aqua blue and silver ang motif. May buffet sa gilid, ayos na ayos ang stage, at maging ang mga estudyante ay ayos na ayos din.
Nagagandahan ang mga kababaihan sa suot nilang cocktail dress and high heeled shoes. Ang g-gwapo naman ng mga kalalakihan sa kanilang coat and tie.
Inikot ko ang paningin ko. Halos lahat ng estudyante ay nasa dance floor na with their partners at nag i-slow dance sa kanta ng MYMP na Last Chance.
Kaharap ko siya. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa magkabila niyang balikat habang nakahawak naman siya sa waist ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ilang beses na akong lumunok pero ramdam na ramdam ko pa rin ang kaba.
Alam niyo yung perfect moment? Ito na yun, eh. Ito na yung matagal kong inaantay.
He's been my best friend ever since first year highschool. At ngayong third year college na kami, kami pa rin ang magkasama. Seven years of friendship. Talo pa namin ang ibang mag jowa sa tagal nang pinagsamahan namin.
At kung seven years na kaming magkaibigan, five years naman na akong friendzoned sa kanya.
Masakit? Minsan. Hindi ko kasi alam kung ano ang estado ko sa buhay niya. Hindi ko alam kung hanggang kaibigan na lang ba.
Ewan ko ba. Wala naman siyang nililigawan. Sabi niya sa akin, di raw uso sa bokabularyo niya ang ma-inlove. Tinatawanan ko na nga lang siya.
Kasi pakshet na yan, dahil kung hindi niya trip ma-inlove, eh saan pa dadalhin ang nararamdaman ko para sa kanya?
Pero ilang taon na rin ang nakalipas, eh. Matagal na masyado ang five years. Umabot na ako sa point na parang di ko na kakayanin kung itatago ko pa sa kanya itong nararamdaman ko.
Natatakot ako para sa friendship namin.
Pero bahala na. Ang bigat na kasi. Hindi ko na kayang itago.