Dedicated ----> Sisterettteeee :) <3 Eh? Wahaha. Wala lang. love ko kasi siya :))
-----------
Aphryl's POV
"Sino ba talaga ang gusto mo? dati si Giselle, tapos ngayon may naririnig ako si Carol na" tanong ko ng may halong pagtataka sa bestriend kong si Kejz, since grade 1 magkakilala na kami kaya wala ng lihiman to.
"Aako Aphryl ang ingay mo , sinabi ko na sayo dati diba?" oo nako sinabi niya nga sakin yun si Liyouanne nga ang gusto niya. "Sino Kejz ? Si Liyou---" bigla niyang tinakpan ang bibig ko , inialis ko to agad. "Ano ba yan Kejz ang alat.." *pwe..yuck* pagloloko ko sakanya at umarteng nasusuka.
"Oy grabe ka Aphryl Jurishiya, naghuhugas ako lagi at nag a-alcohol.. Wag mo namang ipagsigawan na crush ko siya." grabe hindi ko inaakalang gusto niya nga talaga si Liyouanne. Oo, maganda ito at mabait, actually kabarkada din namin siya kaya hindi malayong mahulog ang loob ng bestfriend ko sakanya, alam nga pala ni Liyouanne na mahal ko si Kejz, oo mahal ko ang bestfriend ko. Kaya nga lang may gusto na siyang iba, ano pa bang magagawa ko diba?
Expected naman yun sa magbestfriend na lalaki at babae, Mahal ng isa yung isa. Oo, cliché na yung mga ganyang pangyayari, pero wala na tayong magagawa kasi totoo naman na nangyayari talaga yun sa dalawang magbestfriend na magkaiba ng gender.
Naalala ko pa yung mga katagang sinabi niya saakin noon "Malapit na kitang mahalin" umasa ako nun dahil seryoso niyang sinabi ito, natuwa ang puso ko pero dumating ang araw na sinabi niya sakin na ang mahal niya ay si Liyou, masakit kasi mahal ko siya pero parang wala lang sakanya.
Bumaba na kami ng bus, Oo nga pala papunta kaming Bataan para sa Debut ng kaklase namin.
Naglalakad kami papasok ng venue, at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
Napatingin ako kay Kejz
"Jurishiya.."
"Ano nanaman Kejz? May pahawak-hawak ka pa ng kaway dyan" lagi-lagi kong sinusubukang i-isang tabi ang nararamdaman ko para sakanya, ayokong umamin sakanya, kasi baka mamaya yung title na best friend forever namin ay matanggalan ng dalawang letra at maging friends na lang.
"Mapapatawad mo kaya ako sa gagawin ko mamaya?"
Naalala ko na yung pagtatapat na gagawin niya para kay Liyouanne, oo masakit kasi may nararamdaman ako para kay Kejz, hindi ko naman pinilit na mahalin siya, bigla nalang akong nakaramdam ng pag ibig eh. Kaya masakit para sa akin na itutuloy niya ang gagawin niya mamaya. eh ano pa nga bang magagawa ko, nasa bestfriendzone lang naman ako.
"A-ano bang pinagsasabi mo? Eh syempre bestfriend kita kaya susuportahan kita kung san ka masaya. Ichi-Cheer pa kita!"
"Thank you bestfriend" at pagtapos kiniss niya ako sa cheek. sanay na ako, kaso sana hindi na lang niya ginawa yung mga bagay na ganon.
Nag uumpisa na ang party, magkatapat si Liyou at Kejz, katabi ko naman si Kejz at Bry, natatakot ako kasi anytime pwede na niyang gawin yung binabalak niyang pagtatapat kanina pa sila nagsesenyasan dalawa eh..
Nagdecide muna akong magCR sa loob ng room namin, overnight kasi ang party na to, habang nagpupulbo ako, may narinig akong pumasok, paglabas ko ay si Kejz pala yun at Liyou..
"Hoy anong gagawin niyo? Grabe-" tanong ko sakanilang dalawa
"Andito ka pala, kala ko nasa pool ka." sus kunwari ka pa Kejz..
"Uy Aphryl wala kaming gagawing masama pangako yan."
Grabe sigurado ako kung di ako lumabas ng cr malamang naghubad na itong dalawa.hahaha joke.
BINABASA MO ANG
One Shot - One Last Night
Teen FictionIsang huling gabi na lang promise....bukas hindi na tayo magbestfriend...