Bata pa lamang ako ng lumipat kami ng tirahan sa probinsya... Kami ay nakatira sa lugar na malapit sa ilog at nasa ibaba ng tulay...
Isang araw ng bakasyon umuwi ang pinsan ko na si Ace sa aming bahay... sobra kaming close nito mula pa ng bata magkasama kami lagi sa mga lakad ng aming pamilya kaya nga naman ng umuwi siya dito sa amin ay ganun pa din ang aming turingan... siyempre ganun pa din kami kahit mga binata na kami kulitan at kwentuhan pa din ng mga storyang nakakatakot... Ikwnwento ko sa akanya ang aking mga karanasan sa aking kwarto...
Kuya ace wika ko... Alam mo bang madalas na pag dito ako natutulog sa kwarto ko madalas akong magising sa madaling araw dahil may naririnig akong mga bata na naglalaro dito sa ibaba ng bintana... Di ko maintindihan minsan ay naririnig ko na may naghahabulan, naglalaro ng bola at kung minsan ay naglalaro pa nga ng holen...
Ows??? Di ako naniniwala sa panahon ngyon wala ng mga multo... E di ko naman sinasabing multo ung mga nadidinig ko sa pagtataka ko lang e wala naman mga ganung bata sa paligid ng bahay namin at isa pa may malaki kaming gate at wala naman ganu pumapasok sa loob nito dahil masungit ang aking lola at higit sa lahat madaling araw pa mga 1am ng umaga gang 2am ko madalas sila madinig... Ganun ba? E di kapanipaniwala naman yang mga kwento mo... gusto mo kuya dun tayo sa kwarto ko matulog ngyun gabi at magkwentuhan tayo magdamag...
O cge ba game ako jan... at duon nga kami naglagi sa kwarto kong dalawa nagdala pa siya ng board games para di kami antukin pareho... Inabot kaming 2 ng alas dose ng madaling araw ng bigla niyang binangit na parang nagiba ang ihip ng hangin kinilabutan ako sa sinabi nya ng bigla siyang nagtalukbong ng kumot at sinabing sa may bintana ay may gumagalaw .... Ako namay nagapurang tumabi at sumiksik sa kanya sa sulok....
Kuya ace anu ung gumagalaw na nakita mo??? D u u n dun sa bintanaaaa may nakitaaaaa ako .... Nanginginig na sinabi nya...
Ako namay pasulyap sulyap sa bintana at nanginginig sa takot ng bigla siyang humalakhak sa tawa at ngingisi ngising sinabi... Hahahaha joke lang un!!! Kaya ka pala madalas dinadalaw ng kung ano sa sobrang matatakutin mo hahahaha... At hinampas ko siya ng unan sa sobrang pikon ko hangang sa naghampasan kami ng unan sa kakatawa.... Ng bigla nalang may narinig kaming tinig ng bata na sinabing "HOY,HOY" Nung una ay di namin pinansin ito pero sa kabasagan ng aming katahimikan ay may sumunod pang isang batang tinig..."TAMA NA YAN" sa pagkakataong iyon ay di namin pinagwalang bahala... Tumakbo kami palabas ng kwarto at tumungo sa salas... Naisip namin na baka ang aking kapatid na bunsong lalaki lang ang nagsalita kaya ng aming napagkasunduang silipin ang kapatid ko sa kwarto ng mama at papa ko ay tumungo kami ngunit habang papalapit sa aking kwarto dahil ang kwarto ko ay unang dadaanan bago ang kwarto nila mama ay may nadidinig pa din akong tinig "Pst Pst hoy hoy" mga tinig na paulit ulit na parang may batang tmatawag sa amin... Ng dmatig kami sa kwarto kung saan natutulog ang kapatid ko ay nakita namin tulog na tulog ang aking bunsong kapatid at nakatabi pa sa aking mama... Dun ay mas lalo kaming kinilabutan ng aking pinsan at nagtaka... hindi ito isang ilusyon lamang dahil 2 kami ng aking pinsan na nakarinig nung mga batang tinig... Tumungo ulit kami sa aking kwarto para silipin ang bintana... Ng papalapit kami sa pinto wala naman kaming kahit anung tinig na narinig ulit bukod sa nakabukas na ang bintana sa kwarto ko at may hanging malakas na humahampay sa kurtina.... Sa takot naming 2 ay lumipat kami sa kabilang kwarto na bakante para dun magpahinga at mya mya pa ay nakatulog kamit dala na rin ng takot.... dong! Dong! Dong! Tunog ng aming relo na luma 7am na pala at handa na ang umagahan... Di ko na inabutan ang pinsan ko maaga pala siyang bumangon at lumuwas ng bglaan sa maynila.... Napatawa nalang ako sa isip ko at sinarili ko nalang muna ang aming naging engkwentro kagabi sa boses ng bata....
p.s. Nung unang panahon ung tabi ng aking kwarto ayon sa mga matatanda ay may malaking puno na pinamamahayan ng mga enkanto at dwende may mga panahon pa daw na may mga dwende na nakikita umano sa puno na iyon...