Pet Ko!
Alam niyo ba yung feeling na hindi mo naman kilala yung aso pero daig mo pa ang amo kung sundan kahit san ka pumunta.
"Hey you dog, can you please stop following me"
nakakaimbyerna naman ang asong ito agang aga sunod ng sunod.
"Alam mo masama yan, yung umaga pa lang nakakunot na yung noo mo.
Tatanda ka kagad niyan"
Yan pa yung isang makapanindig balahibo sa kanya eh, yung ngiti niya.
Tss, killer smile daw, tse, ang sabihin nila nakakamatay lang talaga ang ngiti nito, ngiting aso.
"Hindi naman kasi kukunot ang noo ko kung wala lang sana akong nakitang aso"
"Hanggang kailan mo ba ako balak na tawaging aso ha? Eh pangalan mo nga pusa"
Kasalanan ko bang Kitten Marie O. Leojing ang name ko.
Atleast yung sa akin cute eh.
Eh yung sa kanya nga Puppy John H. Duwelios
Ano yun asong pinatatabi dyan kasi may laban?
Tss, kulit nito eh.
Simula nung lumipat ako dito sa school na ito sunod na siya ng sunod na parang aso.
Yun yung dahilan kaya tinawag ko siyang Dog.
Pag tinatanong ko sa mga studyante dito kung bakit sunod ng sunod sa akin ang president nila isa lang ang sinasabi nila habang nakangiti.
"Mahal na mahal niya kasi yung girlfriend niya kahit hindi na siya kilala"
Yun naman pala eh, may girlfriend na siya bakit sa akin pa siya sunod ng sunod.
Siguro kaya siya kinalimutan nung girlfriend niya kasi natanggal na yung gayuma niyang rabies.
"Teka nga uuwi na ako, bitiwan mo ko"
Yan na naman siya eh, tuwang tuwa habang hinihila ako papunta kung saan.
"Kakain lang naman tayo eh, choosy ka pa libre ko naman"
Nakangiting sabi niya.
Oh well, kakain naman pala eh, hayaan na natin.
Hinatak lang niya ako ng hinatak hanggang sa makalabas kami ng school at makakita ng mga...
"Streetfoods?! Yan yung ipapakain mo sa akin?!!"
"Yup, don't worry masarap yan lalo na yung isaw"
Iww, sana pala di na ako sumama.
Never in my life na inimagine kong makakain ng mga streetfoods lalo na yang isaw na yan.
"Ahmm, you know what hindi naman ako gutom eh, kaya tnx na lang"
"Talaga lang ha"
"Oo na-"
Grrrr....
"Hahaha, hindi pala ha, Oh eto, try mu lang masarap naman eh"
Sabay abot niya sa akin ng isang istik ng isaw.
Ok na sana eh, kung nakisama lang itong tiyan ko.
"Alam mo, pag nalason ako Im sure ipapahunting ka ng daddy ko"
tumawa lang siya at sarap na sarap na kumakain ng isaw.
Kung ang parents ko nga hindi ako pinapakain ng ganito siya pa?
Itatapon ko na sana yung stick ng bigla niya akong pinigilan sabay kiliti.
At mali ata na ibinuka ko yung bibig ko kasi..
![](https://img.wattpad.com/cover/9430102-288-kaebdd2.jpg)