Prologue: Press Start

903 8 5
                                    

Prologue: PRESS START

          Taong 2075 ang Earth ay mayroon ng napakaunlad at makabagong teknolohiya. Sa larangan ng transportation, gamit ang anti gravity system lumilipad na ang mga sasakyan. Sa komunikasyon naman ay gumagamit na ng virtual mobile device, san ka man lumingon ay masasabi mong napakalayo na ng narating ng teknolohiya ng tao.

          Sa taon ding ito ire-release ang pinakabagong gaming console, ang “Bracer”,. Ang bracer ay isang gaming console na sa unang tingin mo ay isang payak at simpleng bracelet. Ito ay kulay silver na may isang button sa gitna ang start button. Sa oras na pindutin ng player start button ay may lalabas na portal sa harapin niya na nagmumula sa bracelet. Ang portal na ito ang magdadala sa player sa isang real time cyber space role-playing game, na kung saan actual na maglalaro ang player kasama ng iba pang user ng bracer. Ang bracer ay gawa ng isang napakalaking gaming corporation, ang SnakeByte Gaming Corporation na matatagpuan sa Palawan, Philippines.

Scene: Sa isang laboratory (Palawan, Philippines)

            Ano na ang estado ng Earth Synchronization? tanong ng isang lalaking nakasout ng puting damit at di maaninag ang mukha, (mukhang isang doktor). Dr. Zero 7.03% po, sagot naman ng isang lalake. Unti-unti lang, mapapasa akin din ang tagumpay at mapapasaakin ang Earth,HAHAHAHAHA (malakas na tawa ni Dr. Zero)

Scene: Sa isang piitan (dungeon)

             Madilim at halos wala na akong makita, nakabibingi ang katahimikan, tanging tibok ng puso ko ang tunog na naririnig ko. Mabilis, para bang gustong sumabog dahil sa sobrang takot na nadarama. Hah hah (malalim na hininga), arayyy, hindi ko maikilos ang kanang braso ko. Pano ba to, kelangan kong tumakbo, ano ba tong napasok ko, computer game lang to bakit nararamdaman ko ang sakit? Mukhang nailigaw ko na sya. Kailangan kong makaalis sa lugar na to, ngunit pano, paano ako makakatakas dito? Kailangan ko munang talunin ang nilalang sa piitan(dungeon) na ito. May natitira pa akong mana para makapagcast skill. Kaya ko pang ikilos ang kaliwang braso ko ngunit may lamat na ang katana na gamit ko. Naubos na rin ang healing potion ko kailangan kong mag-ingat. Dapat makapag isip ng paraan, kalma lang.

         BOOOOM!!! (Biglang may sumabog) Ahhhh, tinamaan ako sa tagiliran at agad akong natumba. Hah hah hah (malalim na hininga) di ko na maikilos ang buo kong katawan. Nasan? Nasan ang katana na hawak ko? Lagot nabitawan ko na. Hahaha!!!! (malakas na tawa) Ikaw ang firstblood ko, lumabas ang isang nilalang, unti unti kong naaninag ang kanyang mukha, isa rin syang player tulad ko. Hindi mo ba napansin na parang may kakaiba sa laro na ito? tanong ng lalake. Hindi ako nag salita,dahil sa sakit na dulot ng pinsala ng pag sabog. Tama sya may kakaiba sa larong ito, may mali dito. Totoo ang lahat, nakakaramdam ako ng pagod, gutom at sakit. Oh ano, hindi mo na kaya? Isa akong outlander class sanay ako sa long-range battle at explosives, oras na para tapusin natin ang laro sa pagitan natin, dagdag ng lalake. Namamanhid na ang katawan ko,lumalabo ang paningin, nakikita ko ang dugo na umaagos sa lupa mula sa katawan ko, "tulong, kelangan ko ng tulong", bulong ko.

           Isang asul na liwanag ang tumambad sakin, ito ay nagmumula sa sandata na gamit nya. hah hah(malalim ang aking paghinga), katapusan ko na, di ko na kaya. Kitang kita ko ang emosyon sa kanyang mukha, emosyon ng halimaw na sabik pumatay.  At pinakawalan nya ang asul na liwanag at ... BOOOM!!!!! tuluyan ng nagdilim ang paligid ko, hindi nga ito laro, yan ang katagang tanging nasambit ko.

Ain't No GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon