Chapter 1: Game Start!!!

214 2 2
                                    

Chapter 1: Game Start!!!

                Ako si Yom Asakura, isang half-Filipino half-Japanese, isang tipikal na high school student. Papasok sa school, maglalaro ng computer games at hahang-out kasama ng mga barkada. Hindi ko akalain na magbabago ang mundo na aking kinasanayan. Di ko akalaing mapapadpad ako sa lugar na ito.

                Yom! Yom! Yom! May naririnig akong tinig na tumatawag sa aking pangalan at tila nag aalala. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. May mga tao sa’king ngunit di ko maaninag ang kanilang mga mukha. Yom, nagising ka din nag alala kami, sabi ng isa sa mga tao. At ng tuluyan ng mag-liwanag ang aking paningin ay tuluyan ko ng nakita ang mga taong nakapaligid sakin. Ang mga kaibigan ko pala, sila Jake, Kev, at Jon. Ipinakilala nila sakin ang isang maputi, singkit ang mga mata at magandang babae si Nanie. Siya raw ang nakakita sakin sa  loob ng dungeon at dinala ako sa ilalim ng isang puno, walang akong malay at puno ng sugat.

                Salamat hah, ako nga pala si Yom, at ng iaabot ako ang kamay ko upang makipag kamay sa kanya, ng nakaramdam ako ng sakit kaya di ako naabot ang kanyang palad. Ahhh, ang sakit ng katawan ko, bulong ko. Nagtawanan sina Jake, Kev at Jon, sabay sabi si Jon na “di pa nga makabangon, dumideskarte na agad”, sabay tawa ng malakas. Napanigti naman si Nanie, at ako nama’y napangiti nalang din. Tinulungan nila akong bumangon at sumandal sa puno na pinagdalhan sa akin ni Nanie.

                 Alam mo bang nag alala kami ng sobra sayo, sabi ni Jake. Sorry ha, sagot ko sa kanila. Inatake kasi ako ng kapwa nating player kanina. Isa syang outlander, kaya naman kayang kaya nyang umatake mula sa malayo. Akala ko nga katapusan ko na eh, dagdag ko. Nagtataka nga ako at nakaligtas pa ako, di ko na alam ang nangyari pagkatapos ng pag sabog, basta nawalan na ako ng malay. Baka naawa sakin yung outlander kaya di nya ako tinulungan. Salamat Nanie sa pagtulong sa’kin, dagdag ko pa.

                Sumagot naman si Nanie, nataun kasi na pumasok ako sa dungeon na kung nasan ka kaya natagpuan kita, walang malay at sugatan. Level 1 ka palang kasi bakit naman pumasok ka sa LEVEL 4 Dungeon? Tanong niya.

                Sumagot naman ako, nag baka sakali kasi ako na mas madali akong makakapag palevel dun. Nung una nga akala ko halimaw sa loob ng dungeon ang umaatake sakin, isang player din pala. Sa tingin ko level 5 na yung outlander class na’yon. Buti nalang naawa siguro sakin yung player na iyon kaya di nya ako tinuluyan.

                 Kakaiba itong game na to parang totoo, sabat ni Jon. Sumagot naman si Kev “anong parang totoo, eh kanina nga muntik din tayong mapatay ng isang level 3 slime, buti nalang nakatakas tayo.” Sabi ko kasi mag cast lang kayo ng magcast ng skill pareho naman kayo magician ni Jake diba, dagdag pa ni Kev. Naubusan na nga kami ng mana diba, sagot naman ni Jon. Wala ngang talab yung mga atake mo sa slime kahit na mechanic ka pa, napilayan ka pa tuloy sa kaliwang braso mo Kev, sagot naman ni Jake.

                Wag na tayong magsisihan, sabat ko sa kanila. May mali sa game na to, totoo ang lahat isang pag kakamali maaring buhay natin ang kapalit, dagdag ko pa.

                Nasubukan nyo na bang mag log-out? Tanong naman ni Nanie. Oo, kaso hindi gumagana ang log-out option, sagot ni Jon. Nag padala na kami ng message sa system kaso walang kaming response na natanggap, dagdag ni Jon.

                Hindi talaga gumagana ang log-out option, sagot ni Nanie. Wat da EF? Ang tanging salitang nasambit ni Jake, nagulat kaming apat sa sinabi ni Nanie. Hayaan nyong ipaliwanag ko sa inyo ang kalagayan natin ngayon. Isa akong outlander class na sanay sa long range battle at explosives, Level 8 na ako ngayon. Isa ako sa mga napili bilang player ng beta version ng game na to, dalawang buwan na ang nakalilipas. 500 ang lahat ng players na mula pa sa iba’t ibang bansa ang napili para maghanap ng bug sa game na to. Yung 500 na yun 30 nalang ang natira,  iilan nalang ang nakapag survive, maaring ang iba ay namatay sa mga halimaw sa mga dungeon o kaya sa kapwa nila player, o di kaya sa gutom at sakit na nakuha nila sa paglalakbay sa lugar na to,Lahat tayo ay biktima ng SnakeByte Gaming Corporation, paliwanag ni Nanie.

Ain't No GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon