"..kung ako lang ay di ko sasabihin, para sa'yo para sa'yo kailangan kang limutin..."Nagdadrama nanaman ako. Pati ba naman yung kanta sumasabay sa kadramahan ko?
Ang bilis ng panahon.. Parang kahapon lang, magkasama kami at parehong kaming masaya.
Oo, parang kahapon lang.
PARANG, kasi isang taon na ang nakakalipas. At clueless pa din ako.
-''-
Excited na ako, anniversary kasi namin ngayon. At magkikita kami sa paboritong naming tambayan, kung saan ko siya sinagot.
Nagbake pa ako ng cake para sakanya, yung paborito niyang chocolate cake.
Nagpaganda talaga ako ngayong araw para sakanya.
Sunakay agad ako ng taxi papunta sa lugar kung nasaan siya.
Pag dating ko, nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga bench doon.
"Hi mahal! Happy anniversary! Kanina ka pa?" sabi ko habang nakangiti sabay halik sa pisngi niya
"Ah, hindi kadadating ko lang din."
Hindi ko alam pero parang may mali.
Hindi siya masaya, hindi niya din ako binati pabalik.
Pero, hindi ko pinansin yon.
Inabot ko sakanya yung cake na binigay ko habang nakangiti.
"Happy Anniversary mahal! Ako nagbake niyan, sana magustuhan mo. :)"
Ang mas kinagulat ko nang titigan niya lang 'to.
Hindi niya man lang kinuha.
"Sorry." sabi niya habang nakatungo
Nagtataka ako kung bakit ka nagsosorry. Ang pagkakaalam ko, wala naman siyang ginagawa.
"Ha? Bakit ka nagso-sorry?" taka kong tanong
" Ayaw mo ba nung binake ko? Ay di bale pagbe-bake nalang ulit kita sa isang araw, ako nalang kakain neto." sabi ko habang binabalik yung cake sa lalagyan
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at sinabing,
"I came here to break up with you."
Halos nanigas ako sa kinauupuan ko. At sa tingin ko, anytime babagsak ako.
"Aha! Happy April Fools! Wala ka na bang prank na mas kapani-paniwala?"
"Hindi to prank. I'm sorry, i'm breaking up with you."
Naiiyak na ko. Mali, hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya. Alam kong prank lang to.
"Mahal naman eh, tara na, diba manonood pa tayo ng sine?" sabi ko sabay akmang tatayo
"Di ako nagloloko, ayoko na."
Di ko na napigilan, bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Kung hindi man joke to, bakit? May nagawa ba ako? May kailangan ba akong baguhin? Kung may nagawa man ako, sorry." sabi ko na parang nagmamakaawa
"Wala kang kasalanan, walang problema sa'yo, na sa akin ang problema." sabi niya
"Mahal wag naman ganto oh, pag-usapan natin 'to." iyak pa din ako ng iyak, wala na akong pakialam kahit marami na kami naaagaw na atensyon
BINABASA MO ANG
It's Still You
Short StoryIt's you, it's always you ever since and it's still you until now.