prologue

17.6K 433 137
                                    

The phone call she had been waiting finally came after two years.

Her initial reaction was to gulp her coffee in an instant, burning her tongue in the process. Malutong ang nagawa niyang mura habang lumalaki nang lumalaki ang mga matang nakatingin sa screen ng cellphone sa tumatawag na numerong matagal nang nakarehistro rito.

Napakurap-kurap siya habang inaabot ng isang kamay ang box ng tissue tsaka pinunasan ang bibig. Ramdam din niya ang papabilis na pagtibok ng puso, nakakasakal, para siyang hindi makahinga.

Nakatitig lang siya sa pangalan nito, hindi namamalayang may mantsa na ng kape ang pahina ng librong binabasa. Napakurap-kurap ulit siya habang humihinga nang malalim, pilit na pinapakalma ang pusong halos kumawala sa dibdib niya. Pinaalahanan din niya ang sariling hindi na siya teenager, hindi na siya ang exact na Jia two years ago.

She nearly jumped when her room door opened. Napamura siya bago napalingon sa kapatid na nakatayo na sa pintuan at nakatingin sa kanyang nakakunot ang mga noo. "Kain na raw, sabi ni Mama. Tigil mo muna raw iyang kilig mo sa binabasa mo."

Subconsciously, her grip on her cellphone tightened. She cleared her throat before raising her eyebrows with authority. "Matuto kang kumatok, masasapak kita," she said. "Susunod ako."

"Galit na si Papa."

Automatic na napalunok siya bago lumipat-lipat ang tingin sa cellphone at sa mukha ng kapatid niyang nagpipigil ng ngiti, nagsisinungaling. Sinamaan niya ito ng tingin. "Akala mo natutuwa ako sa 'yo? Umalis ka na nga. Lock mo iyong pinto."

"Bahala ka. Hindi kita titirhan ng ulam," tugon ng nakababatang kapatid bago lumabas sa kwarto niya nang hindi sinasara ang pinto.

Yamot na napatayo si Jia. "Pakshet ka talaga, Kym. Yari ka sa 'kin mamaya!" sigaw niya rito bago padabog na isinara ang pinto.

Napabuntonghininga siya sa inis pero kaagad ding natauhan nang bigla na namang maramdaman ang pag-vibrate ng hawak-hawak na cellphone.

Napakagat siya sa labi habang pinagmamasdan ang pangalan ng lalaking akala niya'y nalimot na siyang ganon-ganon na lang. Napamura siya, malutong. At isa pa, matigas. Napasabunot siya sa sarili bago napatalon papunta sa kama. Kung soundproof lang sana ang kwarto niya'y matagal na siyang tumili pero nakuntento na lamang siya sa pagsuntok sa mga unang walang kamalay-malay sa nangyayari. Impit ang nailabas niyang tili, marahil dahil sa kilig, excitement, kaba? Hindi niya alam.

"Ba't ngayon pa?" Paulit-ulit iyon habang nanginginig ang mga kamay niya at hindi mapakali. She had never been that nervous since two years.

Who wouldn't be nervous? She had waited for him since that moment they had parted ways and never saw each other again. And when months passed and he still didn't call her like he promised, she already started accepting the reality that he'd never do, that he had already forgotten her. And now this...

After two years, after two long years.

Bakit ngayon pa?

Bakit ngayon lang?

He called again. This time, she answered. She wrapped herself under her thick comforter as she pressed her phone tightly against her ear.

There was a long silence. Tanging ang malakas na boses lang ng Mama niya sa baba ang rinig niya. She checked her phone to see if they were on call. They were.

"Jia?"

Huminga siya nang malalim nang marinig ang pamilyar na boses nito. Nanginginig ang mga labi niya. Naiiyak na naman siya sa hindi maintindihang rason. Dapat sana'y kampante na siyang sasagot sa tawag nitong para bang hindi siya naghintay. Dapat cool na sana at wala nang malakas na pagkabog sa dibdib. Kasi tapos na, matagal nang nangyari. Dapat nakausad na siya.

Pero hindi niya alam kung bakit.

She bit her lip and told herself to stay calm kahit na gusto niyang umiyak at murahin ito nang ilang beses.

"Si Jia ba 'to?"

No. Hindi 'to si Jia, gago ka.

There was silence between them once again. She didn't want to talk for two reasons: her voice was bad on calls and she might cry.

Hearing his voice triggered the memories she held dearly as if her life depended on them. It was the same voice that had comforted her at her worst times. It was the same voice that had whispered her words of encouragement. It was the same voice from two years ago.

"Wrong number ata ako?" Rinig niyang nahihiyang tanong nito.

Hindi niya napigilang mapangiti.

Ang rupok mong gaga ka.

"Pasensya na—"

"Si Jia 'to."

Natahimik ang lalaki sa kabilang linya kaya mas lalong napakagat sa labi si Jia. Humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa unan niya.

"A-Ah... hi?"

She cleared her throat. "Hi."

Isa lang ang pwede niyang i-describe sa sitwasyon: Awkward.

Hindi niya alam kung bakit mas napapangiti siya. The man who had approached her two years ago as if they were long time friends was now awkward with her. It meant something for sure.

She heard him clear his throat. "So... Jia, it's been so long—"

"Long as two years, Cyrus, two years," she said.

He sighed. "Yes, two years. Two damn-I-want-to-talk-to-you-and-see-you-so-bad years."

##


Two For Solitude (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon