*Alliah's POV
Pogi ako. Oy! Hindi lang mami ko nagsasabi no'n ah?
Marami talagang girls na humahabol sa'kin.
Oo, naiinlove ako sa babae, pero walang tumatagal eh.
Nabaliw ako sa isang babae pero nag papakatanga na lang pala ako.
So I moved on..
Di na 'ko nag seryoso sa LOVE
"Hoy!" sabi ko kay Bianca sabay hug.
andito ako sa bahay nila lagi akong tambay dito. She's my bestfriend. Yep, mas close pa rin ako sa babae kaysa sa lalake.
"Oy, Dup!" sabi ni Bianca na nakangiti, kinikilig ata. [Nickname ko yung Dup nagsimula siya sa apleyido kong Gapud at binaliktad ko naging Dupag at ayon pinaikli ko DUP]
"Oyy, Anyare at blooming ka na naman?" Sabay kiliti.
"Sila Eunice! May practice.. dadating si Rowie!!" hala nag blush sya? Hahaha!
Biglang dumating sila Emman, Obet, Alex, at Jm. And Out of the blue dumating tong lechugas na isang Bestfriend ko na si Eunice!
"Yie, dumating na si Emman, Dup!" pang aasar saken ni Eunice -.-'
"Ay Dup oh babae na yan!" dagdag pa tong Biancang to!
Who's Emman? He's my dearest friend pero nag bago ang lahat dahil sa dalawang to!
*Flashback*
Nag-gigitara si Emman then I saw him..
"Marunong ka pala mag-gitara.." Nagulat siya nasa likod ko siya eh.
"Yup, wanna try?" Pag offer niya sa gitara.
"Di ako marunong eh. Turuan mo nalang ako!" Ngiting cute para pumayag.
"Okay sige." Maikling sagot nya.
Nasa harapan ko siya nakaluhod tapos hawak niya yung kamay ko nilalagay nya sa mga strings
and fret. Then, suddenly the two monggi saw us! Hala ano gagawin ko? Ano iisipan nila?
"Wuyy! Kailan pa, Dup?" Ang ingay talaga ng bunganga nitong Eunice neto.
"Finally! Nainlove ka na rin sa lalake!" Sabi ni Bianca? Nainlove? Duh? Uso pa ba yun?
*End of Flashback*
Ayon, Pero guys swear! Kung magiging babae ako hindi talaga siya ang tipo ko!
Guess what? Si Emmanuel Tresvalles.. Playboy, di nag seseryoso at higit sa lahat walang tumatagal sa kanya!
Oo, pogi siya,sweet at TALENTED pa! Pero alam mo yun? Di ko makita future sa kanya! HAHA. Joke!
"Si Bianca naman oh.." nakangusong sabi ni Emman haha!
"Ikaw din Emman kunyari ka pa eh!" Sabi ni Eunice.
Kumuha si Jm nang-gitara, siguro tong tropa namin mahilig sa music. aba ewan ko ba.
"Oy kung mag kakagusto ako sa lalake hindi kay Emman! Kay Jm na lang!"
Hala tumingin saken si Jm na ewan ko basta seryoso haha! Hala mukang napasama biro ko. Guys joke lang yon! Wag kayong tumingin saken ng ganyan.
Si Jm? Si Juan Miguel Tresvalles... Passion nya ang tumugtog may Widow siya kumbaga pag narinig niya yung kanta saglit lang nakakapa niya na sa gitara kahit sa drums, piano, at bass. Kaya siguro nainlove tong si Micay sa kanya. Yep, may girlfriend siya Dyosa nga yon eh crush ko pa. Si Jm? Di ko rin masisisi ang mga babaeng baliw na baliw dito dahil ba naman sa karisma nya friend! Pogi, matangkad, matalino ano pa ba? Nesekenye ne eng lehet! Yung buhok niyang laging nakatayo, yung kutis niyang napakakinis at napakaputi, yung mata niyang mahilig mag sparks. yung pabango niyang unique na sa kanya mo lang maamoy? Ambango niya tapos maabalidad pa? Lam mo yun? Kahit wala ng pag asa nagagawan niya pa rin ng paraan?
"WHAAAAAAAAAAAT?!" Sabay sabi ng dalawang kumag na 'to.
You know guys, Bianca, Eunice at Sofia (wala pa siya eh.) They are my bestfriend. Kahit mga ganyan yan. Tingin kasi nila saken girl kaya okay na lang. Hindi sila yung tipong nandidiri saken? Kasi ung mga lesbian na madumi? Gets nyo ba? Hahaha. Hindi sa malinis ako pero Malanding Obit ako.
"Guys, i'm joking calm down. Diba Dj papa Obet?" Sabay tingin ko kay Obet.
"Aba ewan ko sa inyo." Sabay tabi kay Emman.
Nag ring yung phone ni Alex..
*pagkakuha sa pocket*
"Hello?" bungad niya.
"Hoy! is anyone free this coming Friday?" si Ynah pala yon kala ko kung sino.
"I dont know eh, Me I'm free ewan ko sa kanila. Why?" Lahat kami nakatutok lang kay Alex.
"O em ji. You forgot? Birthday ko yon!!" Ay oo nga pala birthday nila.. Guys naka Loud spk.
"*tawa* Okay we will come." sabay off ng phone.
"Oh guys, da't may gift tayo kay Kalbo, its already 3pm I have to go na may practice pa ko." Sabay labas na ng door. [kalbo tawag namin sa kanya dahil nung baby siya wala siyang buhok]
Tumabi sa'kin si Jm. Hala bat ganto? Ba't ako naiilang may nagbago ba? Wala at kung maiinlove man ako dito hala? bat ko naiisip yon di pwede mangyari yun. Unang una Lesbian ako! Pangalawa may jowa siya! Ano pa? Maraming dahilan di ako pwede mainlove sa kanya. At saka biro lang ang ginawa ko kanina ah? Senoryoso friend?
---------------------------------------------------
Guyss, comment please? First time to eh. Baka nakakaboring ah? salita lang kayo kung panget haha! Godbless!