PROLOGUE

49 1 0
                                    



"a-aarraaaayy" ang tanging salita na nausal ni Alex habang hawak niya ang kayang ulo. Tumingin siya sa kanyang paligid at nakitang patay na ang kanyang mga magulang naliligo ang mga ito sa sarili nilang dugo habang sila ay nakaupo sa kanilang sasakyan; bumangga ang kanilang magarang kotse sa isang malaking puno. Unti-unting naalala ni Alex na may importante silang pupuntahan ngunit hindi niya maalala kung saan sila patutungo.

Gustong yakapin ni Alex ang kanyang mga magulang, humihingi siya ng saklolo at nagsisigaw sa loob ng sasakyan. "tulungan ninyo kami! tulong! tulong!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Alex. "m-mmooommmmyyyy! d-dd-daaaadddyyyyy!" at tuluyan na siyang napaiyak. Naramdaman na lamang ni Alex na may nagbukas sa pinto ng kotseng sinasakyan niya, lilingunin na sana niya ito nang biglang takpan ang kayang mukha. Sabay nito ay ang biglaan niyang pagkahilo dahil sa kanyang naamoy, tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.

Biglang nagising si Alex at napabalikwas mula sa kanyang pagkakahiga, tinignan niyang mabuti ang kanyang paligid nakita niya na siya ay nasa loob ng maganda niyang kwarto. "haaay! napakasama naman ng paniginip ko! akala ko mamamatay na ako." sabi niya sa kanyang isip. Makaligo na nga at ng makapagrelax ako.

"yaaaaayyyaaaa! Yaaaaayyyaaa!" dinig na dinig ni manang Perla ang sigaw ng kanyang alaga mula sa kanyang kwarto. Nagmamadali namang umakyat ang matanda upang puntahan ang kanyang alaga, medyo hinahabol pa nito ang kanyang hininga dahil sa pagmamadali at ng buksan niya ang pinto nakita niyang nakasimangot ang kanyang alaga. "ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo mahal na senyorita Alex?" tanong ng kanyang yaya.

"ihanda mo ng ang pampaligo ko manang, ang gusto ko ay damihan mo ang ilalagay mong gatas at rose petals, kelangan kong magrelax" sabi ng dalaga at agad namang tumugon ang kayang yaya. "at siya nga pala ihanda mo na din ang aking mga damit pupunta ako sa spa para magpamassage" tumango naman ang kanyang yaya, aalis na sana ito upang gawin ang inuutos sa kanya ng dalaga ngunit muli itong tinawag ng alaga. "ah yaya, pakisabi kay manong Jose na ihanda ang aking chevrolet, iyon ang gagamitin naming sasakyan" pahabol na utos ni Alex. Naghintay ng kaunti si manang Perla at baka may ipahabol pa na utos ang dalaga, hanggang sa marinig niyang nagsalita si Alex "oh bakit hindi ka pa umaalis? kilos na bilis!" iritableng saad ng dalaga. "akala ko ho kasi may ipapahabol pa kayong utos, sige po aalis na po ako" sagot naman ng kayang yaya.

tinawagan ni Alex ang isang mamahalin at kilalang SPA sa lugar nila nagpaschedule siya at ipinasara ito para eksklusibo niyang magamit, kabababa lamang niya ng telepono ng kumatok ang kanyang yaya at tinawag siya upang maligo. "handa na po ang bubble bath niyo senyorita" marahang saad ng matanda. "oh sige pupunta na ako, isunod mo na lang sa akin ang bath robe ko." sabi naman ng dalaga.

nakalublob na ngayon ang dalaga sa inihandang pampaligo niya, nakatingin siya sa malawak nilang bakuran at pinagmamasdan ang napakagandang landscape garden. Kitang kita niya ang tanawin na ito mula sa kayang magarang banyo na natatakpan lamang ng specialized na salamin, walang ano-ano at pumasok ang kayang yaya at dala nito ang kayang bath robe. "yaya tignan mo oh, ang cute nung naligaw na itim na pusa sa garden" saad ng dalaga. bigla naman natakot ang kayang yaya at sinabing ipagpabukas na lamang nito ang pagpunta niya sa SPA ngunit hindi natinag ang desisyon ng dalaga. "hello 2016 na yaya, wala ng naniniwala sa pamahiin noh uso pa ba yun? ikaw na lang ata ang naniniwala eh" paninita naman ng dalaga sa kanyang yaya.

"ayaw mong maniwala ah, magsisisi ka sa desisyon mo na yan" sabi naman ni yaya Perla sa kanyang isipan.


ano nga kaya ang kahahantungan ni Alex sa pangyayari kanina? totoo nga ba ang pamahiin?

kapag nakasalubong ka nga ba ng itim na pusa ay may masamang mangyayari sayo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG GANTI NG MGA PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon