Entry 41-50

18 0 0
                                    

Diary ng Kalokohan Entry 41-50

Entry 41 October 10 2013 *Thursday*

Akin ng napagdesisyunan ang pag amin sa aking sinisintang si Kei ukol sa aking nararamdaman . Oh diba ? Florante't Laura lang peg ? XD Seriously, aamin na dapat ako. Ang kaso nung lalapit na ko kay Kei, biglang lumapit yug bisugo niyang babae at ito pa ! Nag French Kiss sila sa harap ko ! Anong tingin nila sakin ? Hindi ako nag e-exist ? Ang kapal ng mukha nila ! Mag share sila ng mababahong hininga nila mga bwisit ! Iyak iyak tuloy ako pag uwi ko huhu. MAgtatahi ako mamaya ng voodoo doll XD 

Entry 42 October 13 2013 *Sunday*

Ang bwisit na babae ni Kei sinesendan ako ng hate messages sa phone ko. Ang kapal ng mukha niya no ? Ang sarap lunurin sa muriatic acid tapos ipakiss sa alaga naming janitor fish yung bibig niya bwisit siya ! Ganito yung pagkakasabi niya sakin : 

girl stay afar to my bf he is me na so don't go near to him . 

Oh diba nakakainis ? Nag english pa wrong grammar naman ! Bwisit ! 

Kaya nireplyan ko sya. 

Ms. I -don't-care-who you-are.. you're the one who needs to stop ending messages to me 'cause if you did not STOP.. I'm going to erase your face. REALLY.  MARK MY WORDTranslation: babasagin ko yang mukha mo. may translation para maintindihan mo.

Hindi naman na sya nagtetext after nun siguro natakot nga. Hah ! Ako pa tinakot niya ah ! 

Diary napansin mo bang ang haba ng sinulat ko ngayon ? XD Nakakainis kasi yung babaeng yun eh ! 

Entry 43 October 15 2013 *Tuesday*

Gabi gabi na lang ako umiiyak . Bwisit na Kei yan magsama sila ng mukhang gold fish niyang GF !! 

Entry 44 October 16 2013 *Wednesday*

Nagpakulay ng yellow yung gf ni Kei Wahaha ! Bagay sa kanya ! Mukha na nga talaga syang gold fish . Yellow hair and swollen lips ? PERFECT !! 

Entry 44 October 17 2013 *Thursday*

Iniba na nga pala yung seating arrangement namim . Mabuti na yun sakin kasi malayo na si Kei sakin . Ang saya diba ? Not. Namimiss ko na kasi sya eh . 

Entry 45 October 18 2013 *Friday*

Napalayo na nga si Kei sakin, ang pumalit naman yung madaldal kong classmate . Ngayon ko nga lang sya nakausap eh . Pero ang daldal niya naman ! Naalog lahat ng tutuli at luga sa tenga ko . De joke lang ! Malinis tenga ko no ! Kapal ah ! Pero ang daldal niya talaga. Magdadala ako stapler bukas para sa bibig niya . =,=

Entry 46 October 19 2013 *Saturday*

Mabuti na lang at saturday ngayon . Atleast hindi ko makikita si Kei . Yoohoo ! Party party ! Naglinis nga pala ako ng kwarto ko ngayon . Para palang Sibuyas yung kwarto ko . Nakakaiyak ang daming kalat TTwTT Nakita ko rin yung mga pictures namin ng ex ko huhuhu crying lady na naman ang peg ko kanina. Pero saglit lang yun ha ! Sinunog ko din kasi agad yung mga remembrance niya. Nauubo pa nga ako habang nagsusunog eh ang usok kasi. Bwisit na yan . 

Enntry 47 October 20 2013 *Sunday*

Nagsimba ako kanina ang dami kong nakitang papable yieeh ! Landi ! Pinagpray ko yung mga kaluluwa ng nanloko sakin. Nagtirik pa nga ako ng itim na kandila eh . XD Akala tuloy nung mga nakakita sakin mangkukulam ako . Itong mukhang 'to magiging mangkukulam ? Kapal! Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon kukulamin ko talaga sila . JOKE! XD

PS: Nakatabi ko sa simbahan yung bagong seatmate ko. Mabuti nalang at ginalang niya yung simbahan. Hindi niya ko masyadong kinausap. Hindi ko pa naman dala yung stapler ko.

Entry 48 October 23 2013 *Wednesday*

Birthday ng Nanay ko ngayon kaya nag ala- Dora The Explorer kami. Nakakatuwa nga eh ang dami naming pinamili. Ang cute ng nabili kong damit. Pink na Half Shoulder tapos may nakalagay na "Date Me" Ang cute no ? Siguro magkakaroon na ko ng date kapag sinuot ko yun hehehe .

Sembreak na namin ngayon kaya mahaba haba na ang pagtulog ko ^__^

Entry 49 October 24 2013 *Thursday*

Hello Sembreak!! Goodbye Baon TTwTT . Gusto kong bumili ng DNP kaso naubos pera ko sa kakabili ng chocolates. ;w;

Entry 50 October 25 2013 *Friday*

May nabasa ako sa wattpad ang title "Home Sweet Home" ShuperShimmer yata yung author nun. Tawa ako ng tawa habang binabasa ko sya sa phone ko. Maiyak iyak pa nga ako eh. Mabuti nalang nakatulong yung home sweet home sakin . Hindi ko masyadong naisip si Kei . Ang saya saya. Narealize ko nga rin pala na nakamove on na ko sa ex. Pwede na ko magpaparty mamaya. *Clap Clap*

Entry 50 October 26 2013 *Saturday*

Wala pa ring pasok nakakaboring. Birthday ng childhood friend ko ngayon . Pumunta ko sa bahay nila ang daming pagkain , *u* Nagdala pa ko ng baon kaya pag uwi ko hindi ko na masarado yung pantalon ko . Inasar tuloy ako ng Nanay ko . Hindi na daw ako pwede sumali ng beauty pageant . Asa! Asa naman na sasali ako ! 

Diary Niya (Trip lang )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon